Chapter 46

43 22 0
                                    


"Ay, grabe siya o." Pambungad na wika ni Cassie sa kaibigang si Seah na nakaupo sa desk nito.

Napakunot ang dalaga ng noo at ngumiti sabay iling sa kaibigan. "Ano? Ang aga aga. Ganyan ang bungad mo sa akin." Wika nito habang gumagawa ng assignment sa isang subject nila.

Hinila ni Cassie ang desk ni Sky papalapit sa dalaga saka umupo katabi nito. "Iba kasi ang glow mo ngayon, friend. Kainggit lang." Sabay labas din ng notebook at ballpen niya sa bag niya saka kumopya ng assignment sa kaibigan.

"Paraparaan ka talaga." Natatawang sabi nito sa kaibigan.

Patuloy naman sa pagkopya ng assignment si Cassie na natatawa din sa ginagawa niya. "Pero talaga. Ang tibay ng karisma mo. Dalawang Tregobouff na ang nag-aagawan sayo kahapon." Saka ito tumigil sa pagkopya at siya namang titig sa kaibigan. "Ano bang feeling ng pinag-aagawan ng dalawang Tregobouff na ubod naman ng gwapo? To think na parehas na parehas pa sila ng itsura, pareho din ng ugali, pero iba lang talaga ang level ni Sky sa kaangasan. Si Cloud naman. Hmmmm. Pwede na. As in pwede na talaga. Para siyang mabait e." Wika nito sa kaibigan habang nangingintab ang mata.

Napakamot na lamang ang dalaga sa kanyang sentido. "Pinag-aagawan ba talaga? Parang di naman, Cassie." Saka ibinalik ang kanyang notebook sa bag dahil sa tunog ng bell na hudyat na magsisimula na ang kanilang klase. "Bell na, punta ka na sa desk mo. Baka pagsungitan ka pa ni Sky pag nakita ka niyang nakaupo sa desk niya."

Ibinalik na din ni Cassie ang gamit nito sa bag niya at tumayo saka ibinalik sa dating pwesto ang desk ni Sky, nang bigla ring pumasok ng sabay sa kwarto ang magkapatid sa magkaibang pinto ng classroom nila. Si Sky, nakabusangot ang mukha na para bang natalo sa lotto, habang si Cloud naman ay nakangiti na siya namang lalong ikinagwapo nito sa mga mata ng kababaihan sa loob ng classroom nila.

"Andyan na pala mga prince Charming mo, friend!" Wika ni Cassie na magandang maganda na ang upo sa desk niya.

Sabay na lumapit ang magkapatid sa dalagang si Seah at sabay ding bumati dito. "Good Morning." Kaya nagkatinginan at nagkatitigan na naman ng masama ang magkapatid sa isa't isa.

Hinila naman kaagad ni Cloud ang desk niya para itabi kay Seah. Bigla ding naglabas ito ng tsokolate mula sa bulsa nito saka ibinagay sa dalaga ng nakangiti, na siya namang ikinainis ng binatang si Sky. "For you." Nakangiting wika nito sa dalaga. "I don't have any plans of buying this in the store. Pero naisip kita kaya binili ko na."

Ngumiti ang dalaga kay Cloud. "Hindi ko naman ata matatanggihan iyan kaya salamat." Saka kinuha ang tsokolate na hawak ni Cloud. Kaso napalingon ang dalaga sa binatang si Sky dahil sa ngitngit ito ng ngitngit at bulong ng bulong kaya nawala ang ngiti ng dalaga sa labi nito.

Hinila din ni Sky ang desk nito para itabi sa dalaga saka umupo. "Don't you think its too early for that?" Naniningkit na ang mga mata ng binata. "Aren't you afraid of having a toothache after eating that?" Iritadong wika nito.

Kaso tila'y nang-iinis talaga ang binatang si Cloud sa kapatid. "Don't worry Seah. It's black chocolate. It's good for your teeth and also for your health." Nakangiting sabi nito sa dalaga habang nakatingin ito sa kapatid.

"Still, its a chocolate. She might have diabetes in eating that. So, Seah." Wika ni Sky na patuloy pa ring naniningkit ang mga mata, sabay kuha ng chocolate sa dalaga. "Don't eat this."

Nakita agad ng dalaga ang mukha ng nalulungkot na si Cloud, kaya kinuha nya muli pabalik sa kanya ang chocolate na binigay ni Cloud. "Uhm, its okay sky. Besides, favorite ko naman ito." Saka ito pumaling sa binatang si Cloud na muling sumigla ang mukha.

"F-favorite mo?" Naninibagong tanong ni Sky sa dalaga. Dahil sa halos araw-araw niyang kasama ang dalaga, hindi man lang niya nalaman na gusto at favorite pa pala nito ang chocolate.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon