Nagulat ako sa sigaw niya. Halos hindi ako makapag-salita. Hindi ganyan si freak. Oo nagsisigawan kami pero hindi katulad nito. Ibang iba ngayon. Hindi na tulad noon.
"S-sky, a-ano bang n-nangyayari sayo?"
Hindi siya sumasagot, lumapit pa ako ng bahagya sa kanya. Kitang kita ko na ang sakit sa mukha niya, halos mabasag ang puso ko ng makita kong patuloy na umaagos ang mga luha niya. Nagtatagis ang mga bagang niya na pilit nilalabanan ang hirap na nadarama. Pinipilit kong hindi umiyak dahil ayokong makita niya akong nahihirapan sa sitwasyon niya pero ito, iyak pa rin ako ng iyak. Hindi ako sanay na nagkakaganyan siya. Hindi.
"Freak. Ano bang nangyayari. A-ano." Tinangka kong hawakan siya pero tinabig niya uli ang kamay ko.
"ANO BA?! NAKAKAINTINDI KA BA TALAGA?! SABI NG UMALIS KA NA!" Pinilit niyang tumayo pero natumba siya kaya agad akong umaalay sa kanya pero tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa kalsada. "UMALIS KA NA! IWANAN MO NA AKO PLEASE! U-UMALIS KA NA SEAH."
"BAKIT BA PINAPAALIS MO AKO?!"
"Iwanan mo na kasi ako dito. S-seah, iwanan m-mo na a-ako."
"HINDI AKO AALIS DITO SKY! S-SAMAHAN KITA."
Hindi na siya nagsalita. Walang ibang ingay ang naririnig ko kundi ang pag-iyak namin pareho. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Pinipilit niyang kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya pero hindi niya maalis ang mga kamay at braso ko sa kanya. Patuloy kaming umiiyak. Nadudurog ang puso ko dahil ramdam kong nahihirapan siya.
"Sky, hindi ako aalis. Hindi kita iiwan. Hindi kita pababayaan ng ganito. Hindi."
"S-seah. P-pero kailangan. Bitawan mo na ako. Kailangan mo ng umalis, lumayo ka na sa akin. H-hindi kita kailangan ngayon."
Hindi niya ako kailangan.Parang nanlambot ako sa sinabi niya sa akin. Naubos lahat ng enerhiya ko sa katawan. Inalis na niya ang pagkakayakap ko sa kanya saka lumayo. Pinahid ko ang mga luha ko na patuloy na bumabagsak mula sa mga mata ko. Ang sakit. Ang sakit sakit na.
Hindi na ako tumayo sa pagkakaupo sa kalsada, ibinaon ko ang ulo ko sa mga tuhod ko at niyakap ito. Ang sakit. Hindi ko alam kung bakit ako pinapaalis ni Sky. Hindi ko alam kung bakit ganyan sa akin. Hindi ko alam kung bakit nasabi niya iyon. Ang bigat sa dibdib. Ang hirap huminga. Iyak na lang ako ng iyak.
"S-sky, bakit k-ka ba nagkakaganyan."
"WALA KA NG PAKIALAM!" Sabi niya. Napatingin uli ako sa kanya nung umungol siya sakit. Gustong gusto ko siyang lapitan pero lumalayo siya sa akin."WAG! WAG KANG LALAPIT SA AKIN?!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko, ang bigat na ng nararamdaman ko. Ayokong nakikita siyang ganyan at nahihirapan.
Pinilit niyang tumayo at maglakad. Pinanood ko lang siya habang patuloy kong pinapahid ang mga luha ko. Nadapa siya, kaya tinangka kong lumapit.
"WAG! DIYAN KA LANG!"
"W-wag mo akong susundan k-kahit anong mangyari. Please wag."
Pinilit niyang tumayo at lumayo sa akin, pinipilit niyang tumakbo papuntang kakahuyan kahit nadadapa siya.
Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin. Naba-blanko ang utak ko. Wala akong maisip na dapat gawin. Patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko. Natatakot ako. Nahihirapan ako. Ayoko ng ganito siya sa akin.
Kung kailan handa na ako para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko saka pa nagkaganito.
Hindi ako makatiis. Hinabol at sinundan ko siya. Binilisan ko ang takbo ko para maabutan ko siya, wala na akong pakialam kahit madumihan at masira ang gown na to. Wala na akong pakialam kung masugatan man ako, basta makita ko siya kaagad.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...