SEAH'S POV
Nagdire-diretso ako sa upuan ko pero ang mga mata ko nakatuon pa rin sa kanya. Habang tinititigan ko siya, lalong bumibigat ang aking nadarama. Sumasakit at kumikirot ang puso ko na para bang gusto kong umiyak, na para bang gusto ko siyang kausapin at yakapin. Nahihirapan ako sa nakikita at nararamdaman ko. Hindi ko kaya hanggang sa napapikit na lang ako. Ang sakit na sobra..
"Anong tinitingin tingin mo?!" Napamulat ako nung narinig ko ang boses niya. Napatingin ako sa kanya at sa taong kaharap niya. Si Kysler, isang mag-aaral sa kabilang klase pero bakit nandirito siya?
"Wala naman bro. I just smell something fishy on you. Oh wait fishy? Or should I say Wolfy?" Napahalakhak naman siya pagtapos. Napakunot naman ako ng noo sa narinig kong mga salita galing kay Kysler. Lumapit siya kay Sky, at itinaas ang kanyang kaliwang paa sa desk ng upuan ni Sky at idinantay ang kamay niya sa tuhod niya saka inilapit ang mukha nito sa mukha ni Sky na relax na relax pa rin ang mukha. "I know you bro. I know you."
Napangisi naman si sky. "I didn't thought I'm that famous." Hinampas niya ang paa ni Kysler sa ibabaw ng desk niya na ikinangisi din naman ni Kysler. Kumuha ng panyo si sky sa bulsa niya at itinapon sa mukha ni Kysler. "Clean my chair for me, I don't want any of your fucking prints here on my desk." At nagpandekwatro na siya.
Pinulot naman ni Kysler ang panyo ni Sky at tinitigan ito at ngumiti. Nagulat naman ako nung ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Lumapit siya ng bahagya sa akin at iniabot ang panyo.
"A-anong gagawin ko diyan?"
Ngumisi na naman siya ng nakakaloko. "Keep this for me. You'll definitely use this piece of shit in the future."
"So-sorry?"
"Just keep it for me. This shit, you could use this on wiping someone's blood." Kinilabutan naman ako bigla at napatingin kay Sky na nakapikit lang. Kaso nabigla naman ako nung lumapit si Kysler sa akin. Hinaplos na niya ang pisngi ko at unti unting inilalapit ang mukha niya sa akin. Is he going to kiss me? Napatingin naman ako sa direksyon ni Sky hanggang sa nabigkas ko ang pangalan niya.
"S-sky." Nauutal kong sabi. Pero nakapikit pa rin siya at wala siyang pakialam. Hanggang sa konti na lang mahahalikan na ni Kysler ang mga labi ko. Naiiyak na ako kaya napapikit na lang ako. Hindi ko magawang kumilos dahil sa pakiramdam kong may malakas na aura sa kanya na nagpapatigil sa buong katawan ko..
"ITIGIL MO YAN!" Napamulat ako at nakita ko si Leonard na galit na galit. Lumingon naman si Kysler na hinigit naman kaagad ni Leonard sa kwelyo niya at sinuntok.
Hinawakan ni Kysler ang labi niyang pumutok dahil sa suntok at tumingin kay Leonard. Lumapit ito sa kanya hinigit sa kwelyo at binuhat pataas gamit lamang ang kanang kamay niya. Natatakot na ako sobra. Bakit ganun siya kalakas? Katulad din ba siya ni sky? Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa malayang bumagsak na ang mga luha ko. Lumapit agad ako kay Kysler at nagmakaawa wala na akong pakialam kung anuman ang isipin ng mga istudyanteng nakapaligid sa amin.
"Pakawalan mo siya please? Please kysler.." Pagmamakaawa ko. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Akala ko ayos na pero sinampal niya ako na ikinaatras ko. Halos pumutok ang mga labi ko sa malakas na sampal niya. Ngayon lang ako nasampal ng ganito. Lumapit uli ako sa kanya.
"SEAH! LU-LUMAYO KA NA!" Sigaw ni Leonard pero hindi ko siya sinunod. Lumapit pa rin ako kay Kysler at nagmakaawa. Lumuhod na ako sa harapan niya kahit labag sa kalooban ko.
Sky.. Please tulungan mo ko.. Tulungan mo si Leonard.."Tumayo ka." Utos sa akin ni Kysler kaya napatayo ako kaagad. Pero pagkatayo ko ay nasakal na agad ako sa leeg ko ng kaliwang kamay niya. Hindi na ako makahinga. Nahihirapan na ako. Ang sakit na ng leeg ko lalo na ng kalooban ko.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...