Chapter 27

615 30 12
                                        

"Wake up son."

Randam kong hinahaplos niya ang buhok ko kaya pinipilit kong imulat ang mga mata ko para makita ko siya.

"Wake up my handsome son."

Iminulat kong unti unti ang mga mata ko at nakita ko ang babaeng nagluwal sa akin. Niyakap ko kaagad siya ng mahigpit. Kailangan ko kasi siya. Kailangan na kailangan ko siya ngayon dahil sa nararamdaman ko at sa nangyayari ngayon sa buhay ko.

"What took you so long?" Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Parang gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko.

"Aww. My son really missed me." Niyakap na din niya ako. "Ssssh. Stop crying. I also missed you." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"What happened to your eyes?" Inalis ko ang mga kamay niya sa mukha ko pero hinawakan niya ito ulit. "Did you cried?"

Mugto kasi ang mga mata ko kakaiyak kagabi. Hindi ko alam kung paano ko mamahalin ang taong mahalaga sa akin kung alam at ramdam kong galit na galit siya sa mga kauri namin.

Hindi ko siya kayang lokohin. Hindi ko siya kayang saktan dahil sa isa akong lobo.

Ramdam kong mahal niya rin ako, pero papaano na ako kung malaman niyang kalahi ko ang mga lobong pumatay sa ama niya? Matatanggap pa kaya niya ako? Mamahalin pa rin kaya niya ako?

Baka hindi na.

Kaya nagdesisyon na lang ako, na itatago ko ang katauhan ko hangga't kaya ko. Ililihim ko na lang lahat ng nangyayari sa akin, wag lang siya magalit sa akin, wag lang siya mawala sa akin.

Isipin ko lang na mawawala siya sa akin, naiiyak na ako, nasasaktan na ako. Hindi ko kasi kayang mabuhay na ng wala siya.

Hindi ko kakayaning mawala siya. Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya.

"Son? Are you alright?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mama dahil patuloy na umaagos ang luha ko. "Tell me what happened?"

Umiling ako. "I'm okay ma. I-im okay."

Niyakap naman uli ako ng ina ako, pero sa halip na marelieve ako, lalo lang akong naiyak.

"M-ma, I'm s-slowly h-having the a-attributes a-and p-physical features of a w-wolf. Ma, n-natatakot ako. Ma, a-ayoko n-na n-nito." Sabi ko habang umiiyak. Bigla namang humiwalay si mama sa akin.

"S-son, a-are you sure about that?"

Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Bumangon ako sa kama at tumayo, lumakad papalapit sa pader ng kwarto at pinagsusuntok ito. Pinigilan naman ako ni mama, dahil dumudugo na ang kanang kamay ko. Napaupo na lang ako sa sofa at ibinuhos ko lahat ng lakas ko sa pag-iyak.

"Ma, ayoko nito."

Niyakap ako ni mama, ramdam kong umiiyak na rin siya.

"Kung alam ko lang na nagkakaganito ka na, sana umuwi agad ako para damayan ka."

"Ma, tulungan mo ako. Ma."

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko na talaga alam ang dapat gawin ko.

"Ssh. Everything will be alright."

Iniwan na ako ni mama dito sa kwarto nung unti-unti na akong nahihismasmasan. Naligo na ako at naghanda papasok sa school, kahit ganito ang mga nangyari sa akin kailangan ko pa ring pumasok para mag-aral at makita ang taong mahal ko.

-----

Pumasok na ako sa room, nakita ko kaagad si Seah na nakangiti sa akin kaya dumiretso na agad ako sa upuan ko. Relax sky. Act normal.

Hinawakan ka agad ang kamay ko.

"Goodmorning freak!" Bati niya sa akin habang nakangiti, pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Pigilan mo sky. Pigilan mo.

"Good morning flat." Hinawakan ko din ang kamay niya na nakahawak sa akin.

Pero nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Anong nangyari sa mga mata mo? Umiyak ka ba? Maga oh."

Ngumiti naman ako. "Oo eh." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at itinuon ang noo ko sa noo niya. "Malapit na kasi kitang maging girlfriend." Nandun pa rin ang ngiti ko sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Kaya ko bang saktan ang babaeng ito?

Hinawakan naman din niya ang mga pisngi ko at ngumiti. "Ikaw talaga, masyado mong pinapahalatang patay na patay ka sa akin. Wag na wag ka ng iiyak ha? Ayokong mamaga yang singkit mong mata."

"Opo." Pagkasagot ko ay biglang may humarang na katahimikan sa aming dalawa.

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Napakasarap niyang titigan kahit may kung anong pumupukpok na bagay sa puso ko. Napakasakit. Sobrang sakit. Pero kahit ganon. Gusto ko pa ring titigan ang mga masasayang mata niya. Gusto ko pa ring makita na masaya ka.

"Ehem!" Napatingin naman kaming dalawa sa nagsalita, si Cassie. "PDA!" sabi niya habang nakatawa.

Naghiwalay naman kami ni Seah. Nakakahiya kay Cassie eh.

Umupo naman siya sa may harap naming dalawa.

"So, anong ginawa niyong dalawa kahapon at ganyan kayo kasweet? May milagro bang nangyari?" Namula naman kaming dalawa ni Seah kaya nahampas niya si Cassie. "Aray!"

"Anong milagro, pinagsasabi mo! Walang nangyaring ganun no?!"

CLOUD'S POV

This place is shit! Nakakaboring na! Mabuti pa yung magaling kong kapatid, nagpapakasaya na sa ibang lugar samantalang ako patuloy na nagtitiis sa lugar na ito!

Pumasok ako sa kwarto ng tatay ko para kausapin siyang payagan ako na makaalis dito, pero wala akong nadatnan sa kwarto niya.

Naglakad lakad at naglibot ako sa loob ng kwarto niya, nakita ko ang korona niya na nakalagay sa isang lalagyan na gawa sa matibay na salamin. Napapangiti ako habang tinitigan ko ito.

"Magiging akin ka rin. Kung kinakailangan kong patayin si sky, gagawin ko para ako na ang magmana sayo."

Kinuha ko ito at sinukat sa ulo ko.

"Hmm, sakto lang. Gawa ka talaga para sa akin." Napahalakhak naman ako habang lumalakad papunta sa mesa ng ama ko. Umupo ako sa upuan niyang gawa sa ginto at diamonds. Napakasarap sa pakiramdam kung magiging hari ako.

May napansin akong envelope sa ibabaw ng mesa at kinuha ito. Binuksan ko ito, puro pictures ang laman. Puro litrato ni sky na masaya.

Kumukulo ang dugo ko habang tinitingnan isa't isa ang mga litrato. Lahat nakangiti, lahat masaya. Nakakaasar

"Wala kang karapatang maging masaya sky! Wala!" Itinapon ko ang mga litrato sa sahig. "Hindi ako papayag na ikaw lang ang masaya! Hindi!"

Ibabalik ko na sana ang korona nung may nakita akong mga litrato ni sky kasama ang isang napakagandang babae. Pinulot ko isa isa ang mga ito at pinagmasdang mabuti.

"Siya ba yung nagpapasaya sayo ngayon?" Nagsmirk naman ako. "Humanda ka sky."

Dahil aagawin ko siya sayo. O kaya naman papatayin ko na lang siya sa harapan mo.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon