SEAH'SPOV
Ilang araw na rin ang nakalipas nung huling nakitulog ako sa kwarto ni freak. Hindi na rin kami pinayagan pumasok dahil sa lakas ng bagyo. Tama lang yun kasi hindi ko pa ata kaya na pumasok sa klase at makita si Sky. Naku talaga! Nakakahiya!
*Flashback*
"Oy gumising ka na! Tanghali na!" Sigaw niya sa akin.
"Hmmmm." Hindi ko siya pinansin, sa halip ay niyakap ko pa siya ngahigpit.
"Naman eh! Wake up! Yung laway mo eh nakakadiri."
Napamulat ako bigla. Nakaunan ako sa dibdib niya, tapos may tubig sa dibdib niya. Laway ko. Waaaaaaaah! Kinalas ko agad ang pagkakayakap ko sa kanya at bumangon agad. Tumingon ako sa kanya, nakangiti siya. NGITING ASO! Eeee. Nakakahiya.
"Ganun ka pala matulog?" Sabi niya habang pinupunasan niya ng tissue yung laway ko na tumulo sa dibdib niya. "Nakanganga." At ngumiti na naman siya ng nakakaloko.
"Anong pinagsasabi mo dyan?!"
"Tssss. Deny pa eh. Maamoy nga ito."
"Akin na nga yan!" Pilit kong inaagaw ang tissue kaso hindi ko maagaw ang tangkad kasi niya.
"Ayoko nga!"At inamoy naman niya ang tissue na pinampunas niya sa laway ko. Waaaaaaaaah!
"Bitiwan mo nga yan!" Nakakainis na ah!
"Ang bango ah?" Natigilan naman agad ako sa sinabi niya. "Buti na lang di ka bad breath nung nakanganga ka."
At inamoy talaga ng hinayupak na to ang hininga ko nung natutulog ako!
"Tigil tigilan mo nga ako!"
"Sus. Pinuri na nga kita tapos ganan ka pa."
Kapal talaga ng mukha nito!
"Eh ano naman kung hindi ako bad breath ha?!"
"Uhm. Siguro kase." Tapos lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang bewang ko at hinila papalapit sa kanya. Tinitigan niya ako kaya napayuko ako pero ni-lift niya pataas ang chin ko kaya napatitig na din ako sa kanya. Ewan ko ba parang magnet ang mata niya na hinihila ang buong pagkatao ko. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin at sa hindi malamang dahilan ay napapikit ako.
Hinalikan niya ako. Ilang segundo lang yun pero pakiramdam koa ng tagal na nun na parang bang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko, pati na ang pagtakbo ng oras ay huminto dahil sa epekto ng halik ng taong ito na kinaiinisan ko.
"Ayokong may ganon ang taong kaisa-isang babae na hinahalikan ko." At lumakad papalayo sa akin.
Kaisa-isang babae na hinahalikan niya? Waaaaaaaaaaaaaaaah! Umakyat na ata sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa sinabi niya!
Gusto ko tuloy magwala at sumayaw ng boom panes ni Vice! Siguro dahil sa kilig? Waaaaaaaah! Kinikilig ako!
KINIKILIG TALAGA AKO!
"Pero epic talaga mukha mo pag tulog na. Nakanganga." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tapos tumawa."Ang panget! HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Grrrrr! Binabawi ko na lahat ng sinabi ko! Naiinis ako sa kanya! Hindi kinikilig!
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...