SKY'S POV
"Anong nangyari dyan sa mukha mo?"
"Ah wala to. Sinapok lang ng langaw."
"Sky. Maang-maangan pa eh. Si Seah no?" Napangiti na lang siya. "Kayo talaga. Hindi na kayo magsasawa magsakitan."
"Siya lang naman Cassie eh. Napakasadista at brutal."
"Sky, wag ka magsasawa dun ha? Kahit ganun yun, mabait yun. Tara na sa loob."
Hinila na ako ni Cassie papasok ng room, nakita ko naman kaagad si flat na kausap si Leonard. Lumapit ako sa kanila.
"Tabi nga." Sabay bunggo kay Leonard na agad namang tumabi.
"Ah Sey, yung pinag-usapan natin ha?" Tumango naman si flat.
Pinag-usapan? Bakit bati na ba agad sila? Wow ha. Ang bilis ng healing process nitong flat na to.
"Anong tinitingin mo diyan?" Sabay irap sa akin.
"Bakit masama bang tumingin?"
"Oo! Bakit? Aangal ka?!"
"Ano bang problema mo? At ang aga aga napakasungit at napakatapang mo?" Umupo ako sa desk na nasa harapan niya pero lumayo naman siya kaagad at lumipat ng upuan. Anak ng?! "Iniiwasan mo na ako ngayon?"
"Wala kang pakialam!" Sabay lakad papunta kay sa mukhang ipis naming kaklase na si Tristan at lumingkis sa braso nito.
"Edi okay." Sabay lakad palabas ng room at napagpasyahan ko ng hindi pumasok.
Nakakaasar eh. Ano bang ginawa ko sa kanya at ganun na lang siya kasungit sa akin? Aba! Sumosobra na ha.
Kahapon sa mansion, sinapok niya ako sa mukha ng dahil sa di malamang dahilan. Tapos iniwan na ako. Ang hirap talaga unawain ang mga babae.
Dumiretso na lang ako sa cafeteria para tumambay. Lahat nagtitinginan sa akin.
"WHY ARE YOU GUYS LOOKING AT ME?!" Sigaw ko sa kanila pero wala namang sumagot.
Alam ko gwapo ako, pero wag naman sana nilang ipahalata na sobrang nagagwapuhan sa akin! Nakakaasar lang!
SEAH'S POV
Napaka talaga ng lalaki na yon! Ni hindi man lang ako nilambing! Ano bang utak mayron yung ulupong na yon! Siya na nga yung may kasalanan siya pa yung galit! Siya pa yung salubong ang kilay!
Bigla naman may bumatok sa akin, syempre sino pa? Edi ang magaling ko bespren. "Ano na naman ba Cassie?"
Napataas naman siya ng kilay sa akin habang nakapamewang. "Inaway mo na naman ba si Sky? Hindi na pumasok eh?"
"Anong na naman?"
Umismid naman siya sa akin. "Deny ka pa eh."
"Okay fine." Huminga ako ng malalim. "Galit kasi ako sa kanya. Gusto ko lang naman magsorry siya sa akin eh,tapos ayun umalis siya nung lumapit ako kay Tristan at niyakap ko yung braso niya." Binatukan naman niya ako uli. "Aray ha! Nakakadalawa ka na!"
"Nag-iinarte ka lang pala eh, pinaabot mo pa sa ganto. Naku Seah! Pag si Sky bumagsak lagot ka sa akin!" Hinila naman niya ako papalabas at itinulak. "Hanapin mo yun! Wag kang babalik ng hindi mo kasama yun!"
Ngumuso naman ako. "Saka na, may pasok pa eh."
Itinaas naman niya ang kamao niya. "Eto gusto mo?! Edi magcutting class ka muna!"
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
LobisomemSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...