Bumalik ako sa room namin. Nakita agad ng mga mata ko si flat at bakla na nag-uusap. Lumapit ako sa kanila.
"Excuse me?" Sabi ko sabay tulak kay Leonard. Napatingin naman siya sa akin. Pati na si flat."Anong problema mo?!"
"Umalis ka diyan."
"Bastos ka ba?!" Tumayo siya at itinulak ako. "Kita mo ng nag-uusap kami ng girlfriend ko, tapos eepal ka?!"
"Mas epal ka. Umalis ka rito."
"Aba! Angas mo ah?!" Itinulak na naman niya ako. "Gusto mo ba ng away?! Ha?!"
I smile to him in disgust. "If I remember it right, ikaw ang mas nasaktan nung huling nagkagulo tayo."
"Ha! Hindi na ngayon!" Sinuntok niya ako pero nasalo na yun ng kamay ko. Sinipa niya ako pero walang epekto sa akin, siya pa ang nasaktan.
Susuntukin ko na sana si Leonard kaso pinigilan ako ni flat.
"MR. TREGOBOUFF!" Pagpigil niya. "SUBUKAN MO LANG NA SAKTAN SI LEONARD!"
So mas kinakampihan niya pa itong baklang unggoy na to sa akin?! Napailing na lang ako. Oo nga pala simula't sapul si Leonard ang kinakampihan niya. Napasuntok na lang ako desk ko. Nakuha ko na naman ang atensyon nila dahil Nasira ko ang upuan ko.
Umalis na lang ako at hindi na pumasok buong araw. Nagpractice na lang ako kasama yung bandang hinire ko.
"Master sky! Ang galing niyo naman po!" Si Louise.
"Oh nga master." Si Carlo.
"Nag-improve na ang paggigitara mo." Sabi ng guitar tutor.
"Pati stage presence, hanep. Feel na feel mo ang kanta. May pinaghuhugatan lang?"
Natawa naman ako sa tanong ni Stage expert. Siguro oo. Bagay na bagay tong kanta sa kanya eh, kay flat.
"Wala. Magagaling lang talaga tong mga kasama ko." Humarap ako kina Andrei, Js at nakalimutan ko ang name. "Ano pala pangalan ng banda niyo?"Yumuko naman sila.
"Wala pang pangalan ang banda namin eh." Sagot ni Js.
"Eh kung Skyscrapers na lang?" Napatingin naman kami kay Louise. "O-oy! Nag-suggest lang ako ha?!"
"Nice suggestion Miss cutiepie." Sabay wink ni Andrei kay Louise.
"Yun na nga lang. Hahahahaha!" Sabi naman ni JS.
"So. Its SKYSCRAPERS. Maganda."
-------
THIRDPERSON'S PONgayong araw na gaganapin ang taunang freshmen's party sa auditorium ng Rockville University. Malaki ang lugar na ito na kayang maghold ng mahigit 10000 na estudyante.
Lahat ng freshmen ay nakacasual attire lang at may kanya kanyang date. Excited na silang lahat na makapasok sa Auditorium dahil lahat ng masasayang bagay ay masasaksihan sa loob ng naturang building. Ilan sa mga masasayang mangyayari dun ay ang pagpeperform ng bawat isa na representative ng bawat kurso. May mag intermission din galing sa upper year kaya ganun na lang ang excitement na nararamdaman ng mga freshmen. Maya maya ay binuksan na ang pintuan ng Auditorium kaya nagpasukan na ang lahat.
"Grabe ang daming tao." Sabi ni Cassie habang hawak ang braso ng boyfriend niyang si Matthew.
"Oo nga. Balita ko, 4.5k freshmen ang aattend ngayon plus the professors and instructors." Sabi ni Matthew.
"Uy tara na umupo dito." Yaya naman ni Leonard na katabi si Seah.
Umupo naman agad ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...