Chapter 29

535 27 11
                                    

SKY'S POV

Sumasakit na naman ang mga mata ko, kumikirot na naman ang mga ngipin ko sa di malamang dahilan.

Kagabi, nagising na lang ako na puro balahibo na ang ibang parte ng katawan ko. Akala ko nananaginip lang ako kaya sinapak ko sarili ko pero hindi pala kasi andun pa rin yung balahibo. Halos hindi ako lumalabas sa kwarto ko dahil sa itsura ko, buti na lang nawala rin agad yung mga balahibo.

Unti-unti ng lumalabas ang mga bagay na nagpapatunay na isang lobo ako. Nakakatakot. Nakakalungkot, lalo na't parang ayoko ng magkaroon ng mga gantong bagay, na para bang ayaw ko ng maging lobo. Ayoko ng maging ako. Gusto ko na lang magpakatao dahil kay Seah na sobrang minamahal ko.

Natatakot ako na parang hindi dahil sa nangyayari sa akin.

Parang hindi dahil isa naman akong lobo kaya inaasahan ko na ang ganto.

Nakakatakot naman dahil a yaw kong makita ako ni Seah na ganito ang itsura ko, baka mamatay at mapadali ang buhay ko.

Simula ng minahal ko siya, wala na akong hiniling na iba kundi ang pasayahin siya, pero ngayon iba na. Hinihiniling kong sana naging tao na lang ako. Na sana hindi na lang ako lobo.

Nandito ako ngayon sa yate para hintayin ang mga makakasama ko papunta sa isla.

"Master. Nandito na po sila."

"Thanks Captain." Umalis naman agad ang kapitan ng yate, ako naman naglalakad na sa may pwitan ng yate para salubungin sila.

Ay pucha! Ako ata ang nasalubong eh. Sinalubong agad ako ng umaapaw na kagandahan ng flat ko. Aysus ginuo! Hindi ko na talaga pakakawalan tong babae na to!

Bumaba agad ako ng yate para puntahan sila.

"Yo!" Bati agad sakin ni Sean. Napatingin naman ako sa kanya.

"Yo?"

"Sorry master. Pagpasensyahan mo na lang po yang si Sean." Sabi ni Andrei na napakamot sa batok niya. "Yo is like hello."

"Ahh okay." Napatingin naman ako kay JS nung inextend niya yung arm niya with close fist pagkatapos ay pinaningkitan ko siya. "Nanghahamon ka ba?" Binatukan naman agad ako ni flat.

"Sira ulo ka ba? Wala ka ba talagang alam sa mundo?!" Sabi niya sabay iling.

Nilapitan ko agad si flat at saka niyakap. "Wala eh. Ang alam ko lang naman kasi eh yung mahalin lang ang mundo ko." Narinig kong nag-giggle siya tapos ay kinurot ako sa tagiliran kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. "Aray! Aba! Sumosobra ka na!"

"Ikaw eh!" Dinuro duro niya na ako. "Ang bobo mo! Fist bump yun sira ulo! Dadalihan mo pa ko ng banat mo, banatan kita diyan ng sampo eh!"

"Bobo?" Napangiti ako. "Masisisi mo ba ako kung ikaw ang laman ng utak ko? Tsss. Oo bagsak nga ako lagi sa exam pero okay lang yun! Alam mo kung bakit?"

"Bakit?! Naku naku naman freak! Ayusin mo! May sapok ka sakin mamaya pag hindi ayos yang isasagot mo!"

"Kasi alam kong pasado ako sa puso mo. Ayeeeee!" Sabay sundot ko sa tagiliran niya.

"Naku sky, nahihimatay na yan sa loob loob niyan sa kilig." Sabi ni Cassie tapos ay humagalpak na ng tawa na sinabayan din nina JS.

"Tumigil nga kayo! Pagbubuhulin ko kayo eh!" Iritadong sabi ni flat na halatang pumuputok na sa pula ang mga pisngi niya.

"Master, I kiss mo na kasi!" Sabat ni JS.

"Eh kung ipakiss kita sa pating, gusto mo?!!" galit na sabi ni Seah.

Tumahimik naman agad si JS.

"Hala Js, sabat pa ba naman eh." Sabi ni Cassie.

"Ay tama na yan, umakyat na tayo para makarating na agad tayo sa isla."

Nauna ng punasok sa yate ang apat. Samantalang kaming dalawa ni Seah nasa labas pa rin.

"Galit ka?" Tanong ko, pero hindi siya sumasagot. "Alam mo ang cute mong tingnan diyan sa mini-jumper mo." hindi pa rin niya ako iniimik.

Hinawakan ko ang isang kamay niya at hinila siya papalapit sa akin pero hindi pa rin niya ako iniimik.

"Galit ka talaga ah." Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para iangat ang tingin niya sa akin, nakayuko kasi siya. "I'm sorry." At hinalikan siya forehead niya. "I love you." Napangiti naman siya at niyakap ako.

"Ikaw naman kasi eh. Nakakainis ka. Dinadaan mo na lang lagi ako sa biro." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na ikinatuwa ko. Napakasarap talaga sa pakiramdam.

"Sorry na ha?" Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin.

"Oo na. Ang lakas mo sa akin eh." Saka ngumiti.

Kinuha ko na agad ang mga dalahin niya at hinawakan sa kamay saka lumakad paakyat sa may yate. Pagkaakyat namin ay siya na ring andar at alis ng yate.

SEAH'S POV

Hinila at dinala niya ako papasok sa isang kwarto. Napakaganda, napakagara. Nakakainis.

"Uhm, freak kaninong kwarto ko?"

"Cabin ko." What?!

"Eh b-bakit a-ako nandito?"

Napataas naman siya ng kilay sa tanong ko.

"Bakit hindi?" Lumakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang bewang ko ng magkabila niyang kamay. Jusko po! Wag! Bata pa ako.

"F-freak? W-wag please? H-hindi k-ko pa kaya." Utal kong sabi.

"Hmm? What?" Napatingin naman ako kay freak. Nakangiti siya. Ngiting aso. "I don't really care if you aren't ready." Nangilabot naman ako kaagad kaya naitulak ko siya sa kama.

"Bwiset ka! Sabi kong hindi ko pa nga kaya eh!" Sigaw ko sa kanya. "Alam mo namang masyado pa tayong bata para gawin yun?!" Dagdag ko pero si sky, parang naguguluhan sa sinasabi ko. Naniningkit kasi ang mga mata eh, alam niyo naman na ganyan yan eh.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Aba't? Maang-maangan?

"Kunwari ka pa eh! Alam kong gusto mong yung ano. Yung ano. Kow! Freak! Napakamo talaga!" Bigla namang bumusangot ang mukha nito.

"Anong ano?!" Ayan. Nagagalit na siya.

"Yung ano! Alam kong alam mo!"

"Anong alam kong alam mo!"

"Hay naku freak!" Tumahimik ako. Sasabihin ko ba? Bwiset!

"ANO?!"

"Na ano. Ano. Na ano." Tumalikod ako, nakakahiya eh. "Makipag-sex. " Napapikit ako, ilang minutong katahimikan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! SEX? WHAT THE?! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napatingin naman ako kay freak na walang humpay sa kakatawa. Nanlilisik na ang mga mata ko sa kanya.

"Tragis ka freak! Tumigil ka sa pagtawa! Tatanggalin ko esophagus mo!"

"Eh kasi naman eh, napakawild mo mag-isip. Hindi ko naman yun gagawin." Tumayo siya at lumapit sa akin. "Masyado kitang mahal para gawin yun." At niyakap niya ako.

"Ikaw kasi eh." Mahina kong sinuntok ang dibdib niya. "Ano ba kasi yung sinasabi mong I don't really care if you aren't ready ha?"

I heard him giggle. "What I'm really trying to say is I don't really care if you aren't ready to say yes, what matters most to me now is you're here." Natawa na naman siya. "Napakawild ng utak mo. Pero kung gusto mo, we can do it."

Pakiramdam ko, nag-akyatan lahat ng dugo sa pisngi ko sa sinabi niya. Hanglangyang lalaki to! Bwiset!


Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon