Napuyat ako kagabi dahil sa pinaggagagawa ko. Sinukat ko kase yung gown at umikot ng umikot sa harap ng salamin para malaman kung bagay sa akin. In fairness, pagkatapos ng mahabang ikutan ay narealize ko ng maganda at mukha akong prinsesa sa gown na ibinigay sa akin ni freak. Prinsesang nahilo nga lang.
Hindi rin kasi ako makatulog dahil kinakabahan ako sa birthday niya na gaganapin na mamaya.
Nakakatakot, dahil siguradong maraming mayayaman at matataas na personalidad ang dadalo sa birthday niya. Nakakatakot dahil paniguradong kawawa ang dating ko kumpara sa kanila.
Bakit naman kasi napakayaman ng Sky Tregobouff na yan? Pinasasakit niya hypothalamus ko sa pag iisip ng kung anong mangyayari mamaya eh.
Hay bahala na nga lang.
"Seah! Gising ka na ba?" Rinig kong sabi ni Cassie habang kumakatok sa pinto ko. Tumayo agad ako at nagtungo sa may pintuan para pagbuksan siya.
"Ang aga mo naman dito?"
"Anong maaga pinagsasabi mo sey?! Hapon na kaya! Hapon na!"
Napatingin naman ako sa relos ko.
"Hala?! 4 na pala? Hala! Akala ko maaga pa? Sabi ko naman kasi kay tita gisingin ako eh!"
"Ako pa sisiaihin mo? Eh halos mapaos na ako sa kakatawag sayo at halos mabali na tong kamay ko, kakakalampag dito sa pinto ng kwarto mo." Napatingin naman ako kay tita. Nakangiti na ewan.
"Tita naman eh."
"Ano pang shinushunga mo diyan sey?! Ligo na!" Sigaw naman ni Cassie.
Ano pa nga ba ang magagawa ko kaya nagtatakbo na ako at nagmadali agad akong pumasok sa banyo at maligo.
Nakakainis! Akala ko pa naman maaga pa, yun pala hapon na. Nagbihis agad ako at lumabas ng bahay bitbit ang gown na isusuot ko mamaya. Magpapaayos daw kami sa kakilala niya. Oo, invited din siya. Syempre friends sila ni freak eh. Pero malakas ang pakiramdam ko na may hidden agenda tong bruha na ito eh, invited din kasi ang Skyscrapers sa birthday ni freak kaya alam niyo na. Alam niyo na lalandi tong bruha na to.
Nakarating na kami sa beautician na kakilala ni Cassie kaya nagmadali na kaming nagpaayos. Hindi naman natagalan si ateng sa pag aayos samin eh. Like hello? Megende keye keme. Neterel pe. Pareho lang nakalugay ang buhok namin ni Cassie pero syempre mes bongga sa akin, dahil ako lang kaya ang soon to be girlfriend ng birthday celebrant. Kaya dapat maganda ako, maganda sa paningin ng mga kamag-anak at kaibigan niya, lalo na sa paningin niya.
"Nagtext si Js. Susunduin na tayo nila tayo, sey."
"Wow ha. Text mate mo na si JS?"
"Yes naman sis. Silang tatlo pa." Pagmamalaki niya.
"Edi ikaw na maganda."
"Oo kaya, triple pa."
"At bakit naman triple?"
"Memory gap lang te? Tatlo kaya ang nanliligaw sa akin, sayo iisa lang." Sabay halakhak ng malakas. Binatukan ko nga.
"Sira ka talaga. Wala akong pakialam kung tatlo yan. Mahihirapan ka naman pag dumating ang panahon na pipili ka na sa kanilang tatlo." Tinitigan niya ako ng masama kaya natawa ako. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! May punto ako di ba? HAHAHAHAHAHAHAHA"
"Eto gusto mo?!" Itinaas niya ang kamay niya na nakaclose fist kaya tumigil na ako sa pagtawa.
"Ay mga te! Kegaganda niyo pa namang babae, kung makatawa lang parang mge bakulaw." Sabat ni ateng gay.
Pinandilatan naman namin ni Cassie kaagad ang baklang hitad.
"TUMIGIL KA DIYANG HITAD KA?!" Sabay naming sabi ni Cassie.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...