Chapter 21

649 31 9
                                    

Hinanap ko kaagad si Sky sa labas ng botanical garden at hindi nga ako nagkakamali, andun lang siya sa may parking area. Nakasandal sa kotse niya, hawak ang napakalaking teddy bear.

Lumapit ako sa kanya. "Bat bigla ka namang nawala?" Nagulat ata siya at umayos ng tayo at itinago sa likod niya yung teddy bear.

"Akala mo maitatago ng likod mo yang teddy na yan, eh mas mataba pa yan sayo."

Tumabi ako sa kanya at sumandal sa sasakyan. "Alam mo nakakainis ka. At the same time, nakakatuwa din." Natawa na lang ako sa sinabi ko.

Sumandal na uli siya, nilagay ang teddy bear sa may malapit sa salamin ng kotse at tumingin sa langit. "Nakakatuwa kasi?"

Napatitig naman ako sa kanya. "Nakakatuwa ka kasi nag-abala ka pa talaga para i-organized tong surprise birthday party para sa akin. Salamat sky." Sky. Nasambit ko na din sa wakas ang pangalan niya.

Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatitig pa rin siya sa langit. "I've been dying to hear that. Yung tawagin mo ko sa pangalan ko."

Lalo niyang hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa kamay ko tapos ay binitawan din. Kinuha niya yung teddy bear at iniabot sa akin.

"Para sayo." Kinuha ko naman agad. "Alagaan mo yan."

Napangiti naman ako. "Eh bat ayaw mo pahawakan sa akin kanina?"

"Baka kasi madumihan." Seryosong sagot niya.

Binatukan ko nga. Tragis na to. Nanglait pa. "Ah ganon? Anong akala mo sa akin? Basura?" Natawa naman siya.

Humarap siya sa akin at kinurot ang pisngi ko. "Ahehe. Joke lang yun. Masyado kang sensitive." Inirapan ko nga siya. Makapanglait wagas eh.

"So kanino naman yung isa na yun?" Tinuro ko yung isang teddy bear na nasa loob ng kotse.

"Akin yun. Si flattie."

"Flattie? Ang panget." Pagbibiro ko. Sumama naman ang tingin niya sa akin. Flattie, kinuha niya yun sa Flat chested na tinatawag niya sa akin. Kahit nakakainis, natatawa ako paano kasi si Sky na yun, may kakayahang pangalanan ang isang teddy bear. "So I guess, freakie ang pangalan nitong binigay mo sa akin no?"

Ngumiti naman siya. Ang cute cute talaga niya."Ang galing naman." Tumahimik naman siya pagkatapos. "So, bakit naman ako nakakainis?"

Parang nanlamig akong bigla sa tanong niya. Bakit nga ba siya nakakainis? Errr? Dahil hindi man lang niya ako isinayaw? Parang nakakahiya. Eh ano namang idadahilan ko? Waaaaaah! >\\\< Yung thought na sasabihin ko pa lang yung dahilan, nag iinit na agad ang mga pisngi ko. Naman eh!

"Hmmm. I'm waiting."

Sige na nga kahit nakakahiya. Pero syempre tumalikod muna ako ayoko kasing nakikita niya akong namumula baka akalain pa niyang patay na patay ako sa kanya. Lumaki pa ulo nun at magka hydrocephalus.

"Ah eh a-ano." Utal kong sabi. Sheet ka Seah. Lalo kang napaghahalataan eh! >\\<

"Humarap ka kaya sa akin?"

"Ayoko."

"Oh di sige. Sabihin mo na sa akin kung bakit."

"Eh a-ano kasi h-hindi mo man lang a-ako sinayaw k-kanina." Waaaaah! Nag- explode na po mga kababayan ang pisngi ko. Magbunyi! Hahaha.

"Edi isasayaw kita ngayon."

Napaharap naman ako sa kanya. "Baliw ka ba? Pano tayo magsasayaw dito wala na namang tugtog, umuwi na din sila Andrei."

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon