Chapter 39

380 27 17
                                    

SKY'S POV

Wala ng tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Tang ina lang. Si Louise nakaalalay lang sa akin at tinatapik ng marahan ang likuran ko. Naririnig kong humihikbi siya pero pilit niyang pinipigilan.

Bakit ba ganito kasakit magmahal? Bakit kailangan may nasasaktan? Bakit kailangang may nadadamay?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Namamatay na ako unti unti sa sakit.

"M-Master." Napatingin ako sa kanya. May kinuha siya sa bulsa niya. Isang panyo. Marahan niyang pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi ko at mga mata ko. Napatitig na lang ako sa kanya. Sa kanyang mga matang lumuluha na rin dahil sa awa sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya na abala sa pagpawi ng mga luha ko. Hinawakan ko ito ng mahigpit at ngumiti sa kanya.

"Okay lang ako. Okay lang ako Louise." Pero patuloy siya sa pag iyak.

"Mas-ter. Ayoko pong nakikita kayong ganyan na nasasaktan."

Hindi ko alam kung anong gagawin. Ayoko rin namang may umiiyak dahil sa akin. Niyakap ko na lang siya.

"Shhh. Okay lang ako."

"Masaya po ba kayong nasasaktan kayo? Na sinasaktan ng taong mahal niyo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Masaya nga ba ako? Tangna. Hindi ko alam. Humiwalay na agad ako sa pagkakayakap sa kanya. At nagsimulang maglakad ng mag isa. Iniwan ko siyang nakatayo.

"Basta mahal ko siya." Sabi ko habang naglalakad patungo sa kwarto ko.

"Ang tanga niyo po. Mali. Ang tanga mo. Ang tanga tanga mo Sky."

Napalingon naman kaagad ako sa kanya at pinanlisikan ko ng mata. Nakaramdam ako bigla ng galit. Nagmabilis ako sa paglalakad pabalik sa kanya at sinakal ko siya kaya napasandal siya sa pader.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo!" Madiin at mahigpit na ang pagkakasakal ko sa kanya. Hindi siya makapagsalita. Tinitigan ko siya sa mata. "Bawiin mo!" Sakal sakal ko pa rin siya pero bumalik akp sa hwisyo nung nakita ko sa mga mata niya ang matinding awa para sa akin. Patuloy siyang umiiyak habang hawak hawak ang mga kamay ko na nakasakal sa kanya. Unti unti kong niluagan ang pagkakasakal sa kanya hanggang sa pinahid ko na ang mga luha niya na patuloy na pumapatak mula sa mga mata niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm sorry Louise. I'm sorry." Pero kumalas siya mula sa pagkakayakap ko.

Matinding katahimikan ang nanalaytay sa paligid namin ni Louise. Walang nagsasalita. Walang umiimik. Hanggang sa nagsimula na kami sa paglalakad. Lakad lang kami ng lakad hanggang makarating na kami sa kwarto ko ng walang imikang nagaganap sa pagitan namin. Nakokonsensiya ako. Bat ko ba kasi nagawa yun. Tangna talaga. Bahala na.

Naabutan ko ang ina ko na tulog pa. Halata sa mukha niya ang matinding pagod. Kasalanan ko na naman. Wala na ata akong nagagawang mabuti. Lahat mali. Lahat may nasasaktan. Lahat nasasaktan dahil sa akin.

Lumapit ako sa ina ko at hinagkan siya sa buhok niya. Nagising tuloy siya.

"Anak?" Nanunubig ang mga mata niya. "Anak sa wakas nagising ka na." At nagsimula na siyang umiyak.

"Ma, I'm sorry." Niyakap ko ang ina ko ng napakahigpit at gumanti din naman ng isang matindi at napakahigpit na yakap ang ina ko sa akin. "Aray." Napangiwi ako sa sakit. Natamaan kasi ang sugat ko sa tagiliran.

Napahiwalay naman ang ina ko sa akin dumugo kasi ang sugat ko.

"I'm sorry anak." Tumakbo naman siya sa may side table para tumawag sa telepono. "Dr. Perez! I want you here right now! My son's awake. His wound starts to bleed again! I want you immediately!"

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon