Chapter 48

60 24 0
                                    

Nakatulog na ng tuluyan ang dalagang si Seah mula sa pagkakayakap nito sa binatang si Sky. Natatawa na nga lamang ang binata dahil hindi pa rin nagbabago ang dalaga. Siya pa rin yung Seah na kilala niya na napakatulugin. Akala siguro ng dalaga na unan ang binata dahil palagi niya itong nakakatulugan.

Binuhat ng binata ang dalaga na mahimbing na mahimbing pa rin mula sa pagkakatulog. Tinitigan niya ito, at npinagmamasdan kung gaano kaganda ang dalaga lalo't na pag tulog ito. Kaso sa pagtitig nito hindi na niya namamalayan kung saan na siya dinadala ng mga paa nito kaya ayun nadulas pababa ng burol ang binata na yakap yakap na ang dalaga. At dahil din sa pagkakadulas na yon ay napamulat ang dalaga saka nagsisigaw. Napayakap ang dalaga ng mahigpit sa binata saka pumikit muli dahil sa pagkatakot at ganun din ang binata sa dalaga para protektahan hanggang sa gumugulong na silang dalawa pababa.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita na lamang ng dalawa ang mga sarili nila na nakadampi na ang kanilang mga labi sa isa't isa nung nakarating na sila sa paanan ng bundok. Nakapatong ang dalaga sa ibabaw ng binata na nanlalaki ang mga mata sa kanya. Halos hindi na makagalaw ang binata pati na ang dalaga sa nangyari. Nanlalaki ang mga mata ng bawa't isa hanggang sa kumalas na ang mga labi ng dalaga mula sa mga labi ng binata at bumangon saka lumayo ng kaunti sa binata.

Tumalikod ang dalaga sa binata na tila ay nahihiya pero hindi pa rin nito mapigilan ang sarili na ngumiti ng dahil sa nangyari.

"Sorry." Sabay na wika ng dalawa. Umiwas ng tingin ang dalaga ganun din ang binata. "You first." Sabay muling wika ng dalawa hanggang sa napakamot na ng batok ang binata.

"Sige mauna ka na." Nahihiyang wika ng binata sa dalaga.

Ngunit napansin ng dalaga ang hiwa sa pisngi ng binata kaya lumapit ito dito. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya saka pinahid ang dugo mula sa sugat ng binata sa pisngi. Pero hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga mula sa pagpahid nito ng dugo sa sugat niya kaya natigilan ang dalaga nang dahil na rin sa nakakatunaw na titig sa kanya ng binata. "O-okay lang ba?" Nauutal na sabi ng dalaga.

Bumalik naman sa realidad ang binata at napaubo na lamang saka kinuha ang panyo sa dalaga para siya na lang ang magpahid ng dugo sa pisngi niya. "Ah e. O-okay lang." Saka ito yumuko habang minamasahe ang batok nito. "E ikaw?"

Ngumiti na lamang ang dalaga. "Okay lang din. S-salamat ha?"

"San dun? Sa kiss?"

Awtomatikong namula agad ang pisngi ng dalaga sa tanong ng binata. "Baliw!" Tumalikod ito kaagad at naglakad papunta sa sasakyan ng binata. Napailing na lang ang binata habang di na naalis sa mukha nito ang ngiti na dulot ng dalaga. Sumunod na ito sa sasakyan, nakita niya ang dalaga na nakaupo na sa likuran ng sasakyan sa halip na sa passenger's seat ito umupo katabi ng binata.

Sumakay na ang binata sa sasakyan nito at naupo na sa driver's seat. Pero sa halip na magsimula na itong buksan ang makina ay lumingon pa ito sa dalaga at ngumiti. "So, san ka nga nagpapasalamat? Sa kiss ba?" Pang-aasar ng binata.

Napayuko naman ang dalaga at nagtago sa mga kamay nito sa hiya dahil siguradong hindi na naman siya titigilan ng binata sa panunukso tulad ng dati. "Pwede bang tigil tigilan mo ako!" Saka ito ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan.

"Oo na." Natatawang wika ng binata. Saka ito binuhay ang makina ng sasakyan at muling tiningnan ang dalaga mula sa rear view nito. "Pssst."

Napalingon ang dalaga sa binata at tinitigan ang rear view kung saan kita ang mga magagandang mata ng binata. "Ano?"

"You're welcome." Ngiti-ngiting wika ng binata sa dalaga. Na-gets naman kaagad ng dalaga kung bakit nag-welcome ang binata sa kanya. Kaya namula na naman ang pisngi ng dalaga.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon