Mag iisang linggo ng hindi kami nagkikita ni flat. Bukod sa hindi na siya nakikipag-usap sa akin, hindi na lang din ako pumapasok sa university para makita siya kesa naman siya yung hindi makapasok. Kahit masakit sa loob ko na hindi ko siya nakikita, okay lang basta naiipagpatuloy niya yung pag-aaral niya. Pangarap niya kasi yun. At mahalaga sa akin ang pangarap niya na makapagtapos.
Miss na miss ko na talaga siya. Habang tumatagal na hindi ko siya nakikita, lalong sumasakit. Pero kailangan kong tiisin, wag lang siyang tuluyang mawala sa akin.
"Sir. Si ma'am Seah po ata yun ah?"
Napatingin naman ako sa direksyon kung nasaan si Seah. Siya nga, kasama sina Cassie at Leonard.
"Nagkabalikan na po ba sila? Hindi po ba nagkakaayusan at nagkakaintindihan na kayo ni ma'am Seah?"
Hindi ko alam pero ang sakit sa akin na makita siyang masaya ngayon, samantalang ako eto halos patayin na ng sakit ang sarili ko.
Napayukom na lang ako ng kamao ko. Gusto kong magwala. Gusto kong sugurin sila. Gusto kong. Gusto kong. Gustong gusto ko ng umiyak.
Hindi ko na pigilan ang sarili ko na suntukin ang pader ng mall. Ang hirap kasi. Ang sakit.
"Young master!" Pag-aawat sakin ni Carlo. "Umuwi na lang ho tayo."
"Hindi. Hindi ako uuwi."
"Bakit master?" Nagtatakang tanong sa akin ni Carlo pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Basta! Umuwi ka na!" Umalis naman kaagad si Carlo.
Huminga ako ng malalim, kinalma ko ang sarili ko. Alam kong para akong tanga kung susundan ko sila. Mali, tanga na talaga ako dahil susundan ko talaga sila. Hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. Kahit masakit, gusto ko. Kahit pinapatay na ako sa sakit, gusto kong makita lahat.
Nagpunta sila sa gaming area ng mall, sumunod ako. Nakita ko kung gaano sila kasiya. Nakita ko kung gaano sila kakomportable sa isa't isa. Para na namang sasabog itong puso ko sa sakit. Wala naman akong magagawa dahil ginusto ko to.
Lumapit pa ako ng bahagya para marinig ko ang mga sinasabi nila.
"Salamat Leonard. Nag-enjoy talaga ako." Nakangiting sabi ni Seah.
Hinawakan naman ni Leonard sa magkabilang pisngi si Seah."Ano ka ba sey. Wala yun. Basta napasaya kita, okay na sa akin yun. Lalo na't namiss talaga kita ng sobra."
"Miss na din kita."
"Sorry Sey."
"Sorry san?"
"Sa ginawa ko. Alam kong masakit ang ginawa ko pero nagsisisi na talaga ako. Miss na miss na kita."
"Okay na yun. Basta wag mo ng ulitin ha?" Kinurot ni Seah ang pisngi ni Leonard. "Masakit kasi sa pakiramdam ang lokohin ng taong minahal mo. Kaya wag mo ng uulitin ha."
Nagngitian silang dalwa. Ilang minuto silang nagtitigan hanggang sa niyakap na ni Leonard si Seah. Masakit kasi sa pakiramdam ng lokohin ka ng taong minahal mo. Ewan ko, ang sakit sa puso. Tangna ang sakit. Lalo na't nakikita kong magkayakap sila. Dapat ako yung yumayakap kay Seah. Ako dapat ang kasama niya. Ako dapat yung nginingitian niya. Ako dapat ang nagpapasaya sa kanya. Ako dapat. Ako dapat yun. Ako dapat.
"Seah."
"Hmmm?"
"Mahal kita."
Kumalas ng pagkakayakap si Seah kay Leonard at tinitigan ito.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...