Chapter 51

41 8 0
                                        


SKY'S POV

Tangna. Angas nun ah. Hahara-hara sa daan, kala mo kung sino. Mukha namang albularyo. Tss. Hindi ba niya alam kung sino ako? Tangna! Sino bang hindi nakakakilala sa akin dito? Sabihin niyo nga, at sasapakin ko! Badtrip na nga ako. Dinagdagan pa niya lalo ang pagiging badtrip ko. Asar na albularyo na yun. Banggain niya lang ulit ako, at makakatikim na siya sa akin.

Sino bang hindi mababadtrip? Sinira na ni Cloud ang araw ko, idagdag mo pa yung kay Seah.

Akala ko talaga, okay na kami e. Akala ko talaga.

Pero hanggang akala na lang pala.

Siguro hindi na talaga maibabalik yung samin dati. Siguro hindi na talaga namin maaayos kung ano mang nasira na samin. Tapos sasabihin niya pa sa akin na mahal niya ako? Dyino-joketime niya ba ako? Pagkatapos niya akong ipagtabuyan, saktan at iwan. Sa palagay niyo ba, maniniwala pa ako? Oo, mahal ko pa siya. Kaso natatakot na akong masaktan uli. Napagod na ako e. Napagod na ang puso kong lumaban. Napagod na ako.

Tapos ito namang si Cloud, ang hirap labanan. Ang hirap niyang talunin. Ang yabang yabang pa. Lalo lang kumukulo ang dugo ko sa tuwing makikita ko siya. Pag hinamon ko naman ng laban, wala man lang akong magawa. Wala man lang akong kalaban laban. Tapos malalaman laman ko pang binili na pala niya ang limang porsiyento ng shares sa iskwelahang pinaghirapan ng ina kong itayo. Ano ba talagang balak niya? Tapos ang nakakainis, palagi pang nakasunod yung gagong yun kay Seah. Ano ba talagang plano niya kay Seah? Ano ba talaga ang gusto niya kay Seah? Sa tuwing maiisip o maaalala ko yung panaginip ko. Nangingilabot ako, natatakot ako. Parang hindi ko kayang panoorin si Seah na malagutan ng hininga nang wala man lang akong nagagawa. Ayokong mawala si Seah. Ayokong mawala siya sa buhay ng mga mahal niya. Ayokong mawala siya. Ayokong mawala siya sa akin.

Tangna, nakakabadtrip! Ano ba talagang nangyayari sa akin? Sabi ko pagod na ako, pero bakit inaalala ko pa rin siya? Bakit kaligtasan pa rin niya ang iniisip ko? Saka anong ayaw ayaw mawala sa buhay? Bakit sa tuwing maiisip kong maaaring mawala siya akin, bumibigat ang puso ko?

Ay bwiset.

Pagod na ba talaga ako?

Pagod na ba talaga ang puso ko?

Ang hirap naman sagutin. Kahit ang tali-talino ko, nabobobo ako sa pagsagot sa tanong na iyon.

Siguro, hintayin at hahayaan ko na lang ang panahon sa pagsagot sa mga tanong ng puso't isipan ko. Sa ngayon, poprotektahan ko na lang muna siya mula kay Cloud. Kahit hindi ko kayang tatalunin si Cloud, kakayanin ko. Kahit ang hina hina ko, gagawin ko ang lahat mapanatili at masiguro ko lang na ligtas siya palagi.

Dumiretso na ako sa Executive's Building para dun sa practice ng pagsasayaw ng waltz. Kahit ayaw kong sumunod dun, wala naman akong magawa dahil nandun si Seah, hila-hila ni Cloud. Baka kung ano ang gawin niya kay Seah. Gumawa lang talaga ng masama kay Seah, bibigwasan ko ng isang daan yun. Ay nako. Ayan na naman ako. Nagiging protective pagdating sa kanya. Tama tama na nga, Sky. Masasaktan ka na naman pag sumobra ka e. Tayo na naman ang talo pag dating sa huli, hala ka.

Lahat sila nagpapractice na magsayaw. Ako nakatunganga lang dito sa may tabi, umiinom ng softdrinks, bawal kasi ang alak e. Tiningnan ko lahat ng tao sa dance floor. Kapapangit. Mas maganda pa nga yung mga waitress sa mga babaeng sumasayaw. Pero si Seah, Nangingibabaw. Siya lang naman kasi ang maganda sa kanilang lahat.

Kaso kahit anong ganda ni Seah, kung hindi naman ako ang partner, wala rin. Wala talaga e, si Cloud ang partner niya hindi ako. Napapakunot na nga ako ng noo habang pinapanood sila magsayaw. Titig na titig yung gago kay Seah, bulagin ko kaya mata niyan nang mataldahan.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon