Chapter 50

68 17 4
                                    

"Mahal mo ako?" Natatawang naiiling ang binata sa dalaga. "Ano bang pinagsasabi mo?" Inalis ng binata ang pagkakayakap ng dalaga sa kanya saka ito dumistansya sa dalaga. "Pwede ba? Hindi na ako naniniwala sa ganyan."

Hindi malaman ng dalaga kung ano ba dapat ang mararamdaman niya sa oras na iyon. Kung maiiyak ba siya at masasaktan o matatawa sa mga salitang binitawan ng binata sa kanya. Hindi na nga ba talaga naniniwala ang binata na mahal siya nito? Pero matapang ang dalaga, dahil hindi niya pa rin susukuan ang binata kahit ipagtabuyan pa siya nito o saktan pa gamit ang mga masasakit na salita tulad ng kanina.

Huminga ng malalim ang dalaga saka tinitigan ang binata nang mata sa mata. "B-bakit ayaw mo akong makipagdate sa kanya?" Tanong ng dalaga sa binata, nagbabaka sakali na malaman ng dalaga kung ano ba talagang dahilan nito at bakit ayaw niyang makipagdate kay Cloud. Nagbabaka sakaling na baka may konti pang pag-asa ang dalaga na maibalik ang dati nilang samahan ng binata. Pero hindi sumasagot ang binata. "Bakit ayaw mong sumagot sa tanong ko, Sky?"

Humarap ang binata sa kanya. "Ano bang sagot ang gusto mo?! Alam mo. Kung gusto mong makipagdate sa lalaking iyon, bahala ka. Wala na akong pakialam." Saka ito naglakad papalayo sa dalaga.

"Tama nga siya!" Sigaw ng dalaga sa binata. "Duwag ka!"

Nilingon siya ng binata at binigyan ng isang nakakatakot na tingin. "Oo, duwag nga ako. Pero ano naman sayo? Kung naging duwag man ako, yun ay nang dahil sayo. Simula nung sinaktan mo ako. Simula nung ipinamukha mo sa akin na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko. Pero, kasalanan ko ba yun? Kasalanan ko ba yun, Seah? Kasalanan ko bang mahalin ka? Kasalanan ko ba kung ganito na ako kaduwag at kahina?" Humina na ang tinig ng binata na para bang nagbabadya na namang bumagsak ang mga ulan mula sa mga mata nito. "Kung tutuusin nga, malakas ako kasi ipinaglaban kita. Ikaw lang yung sumuko at lumayo." Tumalikod na ang binata sa dalaga.

Hindi na rin napigilan ng dalaga ang sarili mula sa pagluha dahil sa mga sinabi sa kanya ng binata. Tama naman kasi ang binata. Hindi si Sky ang sumuko. Siya mismo ang sumuko. Masakit para sa dalaga ang alalahanin ang lahat ng ginawa niya sa binata. Masakit alalahanin ang mga ginawa niyang paglayo, pagtago at pananakit sa binata. Ano nga bang kasalanan ng binata sa kanya? Kasalanan nga bang mahalin siya ng binata? Kasalanan ba ng binata na kauri siya ng mga lobong kumain at pumatay sa tatay niya? Wala naman ginawa ang binata kundi ang pasayahin at mahalin lang siya. Pero bakit ganito ang nangyayari? Nakakasakit pa rin ang dalaga. Nasasakatan pa rin niya ang binata. Akala ng dalaga, magiging okay na ang lahat sa kanila buhat nung nagkaayos na sila ng binata. Akala ng dalaga, maibabalik na niya ang dating sila ng binata. Pero lahat lang pala ng mga yun, ay puro akala na lang.

"Okay ka lang ba?" Wika ng isang lalaki sabay abot ng panyo sa dalaga.

Lumingon sa likod ang umiiyak na dalaga at napayakap na lamang ng mahigpit sa lalaki. "Leonard. Nasaktan ko na naman siya."

Tumugon naman ng yakap ang binata sa dalaga. "Shhh. Hindi mo naman kasalanan yun." Hinawakan nito ang pisngi ng dalaga at tiningnan ito sa mata. "Mahal mo siya, di ba?"

Tumango ang umiiyak na dalaga habang nakatingin ito sa mga mata ni Leonard. Sa mga mata ni Leonard, na nangingilid na ang mga luha at nagbabadyang bumagsak kahit ano mang oras.

"Wag mo siyang susukuan." Ngumiti ng mapait ang binata sa dalaga. Ngumiti ito kahit labag at mahirap sa kalooban niya ang nakikita ang dalaga na umiiyak. "Kahit sinukuan ka na niya, wag na wag kang susuko. Ipakita mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Kahit lumuluwag na ang pagkakahawak niya sayo, ikaw naman yung humawak sa kanya wag lang siyang tuluyang bumitaw sayo." Hindi na rin napigilan ng binata ang sarili na umiyak. "Alam ko kung gaano mo kamahal si Sky, at naiinggit ako sa kanya dahil siya yung mahal mo at hindi na ako. At nagsisisi ako, dahil sinaktan kita noon. Nagsisisi ako dahil wala ka na sa akin." Niyakap na muli ng binata ang dalaga. "Please, Seah. Wag mo na akong gayahin. Wag mo na akong tularan na wala ng magawa para ibalik ang dati. Wala ng magawa para mahalin muli ng taong mahal ko. Wala ng magawa para mahalin mo ulit ako."

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon