Sky's POV
"Wala nga palang damit yun."
Naghanap ako ng pwedeng maiisuot niya sa cabinet ko, pero wala. Puro kasi mga polo at mga pang formal na damit ang nasa cabinet ko. Kaya no choice ako at kinuha yung pinakamaliit na size na polo ko pati pajamas.
Siguro iniisip niyo kung anong sinusuot kong pantulog ko no? Hmmmm. Alam ko mga utak niyo. Wehehe. I only wear pajamas. Yes, only pajamas.
Di kasi uso sa akin ang may damit na pantaas, ang init kaya. Kaya PJs lang. O-oy! Nagb-briefs ako ah. Alam ko utak niyo eh.
Lumabas ako sa room ko at pumunta kay flat. Kumatok ako of course. Gentleman kaya ako with good manners pa. Pero minsan lang.
"Uhm. Sino po yan?"
"Sky."
She just opened the door at pagkatapos ay nakita kong umupo siya sa gilid ng kama. Na naka-uniform pa siya. Pumasok ako at umupo sa couch malapit lang sa kanya.
"Oh." Inihagis ko sa kama ang mga damit. "Change clothes."
Kinuha naman niya agad ang mga yun. "T-thanks."
"Bat ayaw mo pang maghubad at magbihis?"
Kumuha siya ng unan at ibinato sa akin. "Sira ulo ka ba?! Makakapagbihis nga ako kung andyan ka pa eh?!" She said in sarcastic tone.
Syempre. Di ako natinag. "Sus! Edi pipikit ako." Then I smirk. "Gusto mo ata eh ako pa magbihis sayo no?"
Namula naman siya at nagsalubong ang mga kilay niya sa galit.
I really love teasing her. She's just too perfect dahil kahit galit siya, maganda pa rin siya.
Hinila niya ako palabas. "Fvck you! Ang pervert mo! Ang manyak mo! Umalis ka dito!"
"I think its not really right na paalisin ang taong may-ari ng bahay na to?"
Pumasok uli ako sa loob ng kwarto.
"Tama naman ako di ba?" I smile at her like a drug addict. "As far as I remember, this mansion is mine." Lumakad ako papalapit sa kanya habang lumalakad din siya paatras sa akin. "I own this bed. That couch. That LED TV. Those cabinets. I own every little thing of this mansion." Napasandal na siya sa pader. Lumapit ako sa kanya at Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Tinitigan ko ang mga mata niya hanggang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Ramdam kong napasinghap siya kaya inilapit ko pa ang mukha ko, konti na lang at mahahalikan ko na siya. "Do you want me to own you too?"
"The nerve!" Sigaw niya at niyapakan niya ang paa ko.
"Aw!" Napaupo tuloy ako sa sahig habang hawak ko ng right foot ko. Asar.
Hindi pa man din ako nakakarecover sa sakit ay hinila niya ako palabas ng kwarto.
"You deserved it!"
At pinagsaraduhan na niya ako. Ang sakit ng paa ko. Juice coloured! Bat ba kasi ang bigat ng paa non? Hinihimas himas ko ang paa ko ng may napansin ako sa kamay ko.
Nak ng teteng! Yung bracelet ko nawawala!
Tumakbo agad ako sa kwarto ko para hanapin, hinalughog ko na lahat ng cabinets ko pero WALA! Pinuntahan ko na rin ang mga lugar na pinuntahan ko sa lahat ng mansion, PERO WALA TALAGA!
Napahawak na lang ako sa kanang braso ko.
Ang tanga tanga mo naman kasi Sky eh! Nasa wrist mo na, winawala mo pa.
Napabuntong hinga na lang ako.
Hindi kaya nasa guest room? Ay sheet! Baka nga!
Napatakbo tuloy ako papunta sa guest room kung san naroon si Flat. Walang pakundangan kong binuksan ang pinto pero dahan dahan lang, kung makita man niya ako, bahala na. Wala na akong pakialam kung magalit siya. Ang mahalaga, makita at mahanap ko ang bracelet ko!
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...
