Chapter 28

635 30 14
                                    

SEAH'S POV

"So ano na nga? Ano ng score sa inyong dalwa ni sky?" Tanong ni Cassie. Buti na lang umalis si freak, pinapatawag kasi siya dean's office.

"Score? Hindi ko alam eh. Siguro M.U?"

Natawa naman si Cassie, maluwag na ba talaga turnilyo ng babae na to? Tsss.

"M.U? Tapos hindi ka pa sigurado? Gaga ka talaga." Napakunot naman ako ng noo. "Ganto na lang, ano na ba si sky diyan?" Itinuro ang puso ko.

Napatigil naman akong bigla sa tanong ni Cassie. Ano na nga ba si Sky sa puso ko?

"Cassie, ang alam ko lang. Masaya ako sa kanya. Magaan ang pakiramdam ko sa twing kasama ko siya. Malungkot ako pag wala siya. Gusto ko siyang laging nakikita. Mahal-"

"In short, mahal mo siya." Napailing siya. "Pinahaba mo pa eh. Dun din naman ang punta."

Oh nga naman. "Sa tingin mo ba, ganon din si Sky sa akin?"

Ngumiti siya. "Sa palagay mo ba, makikipag-away siya kay Leonard kung hindi ganon ang nararamdaman ni sky sayo? Mag-aabala ba siyang i-organized yung birthday mo nung nakaraan kung hindi ka nya mahal?" Napapailing na lang siya sa akin. "Ramdam mo namang mahal ka niya di ba?" Tumango ako kasi oo ramdam ko. Ramdam na ramdam ko. " Tsk. Bakit mo pa tinatanong sa akin, kung ramdam mo naman palang mahal ka niya?"

Napaisip ako sa mga sinabi niya. Napaka-genius talaga ng babaeng ito pagdating sa math, pag dating sa math at accounting, bobo. Hay.

"Oh ano na? Napipi ka na."

"Cassie, tinanong na ako ni sky. Actually hindi yun tanong eh. Its more like pleading." Kumunot naman ang noo ng bruha.

"Pleading what?"

"Sabi niya. Please be mine, Seah. Please be my girlfriend."

"Oh ayun na pala eh! Kyaaaaaaah!" Nagtitili ang bruha kaya ayun, pinagtitinginan siya ng mga tao. "So? Anong sabi mo?" Bakas sa mukha nito ang excitement. Napapangiti tuloy ako. "Dali! Anong sabi mo?!"

"Hmmm, wala?" Binatukan naman ako agad ni Cassie. "CASSIE!!"

"Napakabaliw mo ba?! Ayun na pala eh! Bat hindi mo pa sinagot?!"

"Hindi ko rin nga alam eh. Nawalan ako ng dila nung sinabi niya yun pero kahit napipi ako sa harap niya, sa loob ko, sa isip at puso ko, nagtatalon at naggugulong na ako sa kilig!"

"Gaga ka talaga." Bumusangot at naging lukot ang mukha ni Cassie.

"Bumawi naman ako Cass eh. Sabi ko sasagutin ko siya sa tungkol dun sa napakahalagang araw niya."

Napangiti uli siya. "Mahalagang araw?"

"Oo. Sa birthday niya."

"Yes naman! Alam ang birthday. So kelan ang birthday?" Humahalpak na naman siya ng tawa. Napagtitinginan na naman siya ng mga estudyante sa loob ng room.

"Tsss. Are you really damn trying to humiliate yourself in public?"

"So? Wala naman akong pakialam sa kanila nu. Kay Rain lang ako may care." Turn ko naman na batukan siya. "SEAH!!!!!"

"ANG LANDI MO RIN ANU?"

"MANA LANG SAYO!"

"MAS NAUNA KA SA AKIN LUMANDI"

"Break na naman kami ni Matt eh." Nalungkot naman siya bigla.

"Ano bang nagustuhan mo kay Rain? Mukhang gangster naman." Pag-iiba ko. Umaliwalas naman bigla ang mukha niya. Tsk. Basta kay rain, ganun agad. Pero kahit na, basta nakikita ko lang na masaya siya. Ayoko kasing nalulungkot ang kaisa isang bestfriend ko.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon