"Please be mine, Seah. Please be my girlfriend."
Nabato na ata ako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Ano bang isasagot ko? Ano ba dapat ang isasagot ko? Handa na ba ako para pumasok uli sa isang relasyon?
Pano ba ito? Anong sasabihin ko?
Oo aaminin ko, gusto ko siya. Gustong gusto ko siya. Love na nga itong nararamdaman ko sa kanya eh. Pero handa na ba talaga ako?
Nakakainis naman eh.
SKY'S POV
Mali sky! Bat basta basta ka na lang nagsasabi ng ganun?! Tingnan mo tuloy yang babaeng mahal mo, nanigas na!
Wala eh. Natanong ko na eh. Alangan namang bawiin ko pa. Hay.
"Saka mo na lang sagutin flat pag handa ka na." At saka ngumiti sa kanya.
"S-sigurado ka ba diyan freak?" Sa wakas nagsalita din.
"Oo naman. Kesa naman manigas ka diyan at maging istatwa di ba?"
Nakita ko namang ngumiti siya. At hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Tama sky. Wag mong madaliin si Seah.
Sumakay naman agad kami ni flat sa fx para umuwi.
"Freak, pwede bang dun ka na muna sa amin mag dinner?"
Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti.
"Sige ba. Matitikman ko na rin ang luto ng tita mo."
"Salamat sky." Sabi niya tapos yumakap sa braso ko.
"Giniginaw ka ba?" Tumango naman siya kaya inalis ko ang braso ko sa pagkakayakap niya at inilagay sa likod niya para mayakap ko siya. "Okay na?"
"Thank you." Naramdaman kong niyakap na rin niya ako.
Napakasarap sa pakiramdam na niyayakap ka din ng taong mahal mo. Napakapriceless ng pakiramdam na ito. Napakasarap.
"4th street."
Ano ba yan. Kabilis ba ng byahe. Nakakaasar. Tsk. Feel na feel ko pa naman na niyayakap ako ni Seah eh. Kokonyatan ko tong driver na to eh!
Bumaba naman kami agad at naglakad papuntang bahay ni Seah ng magkaholding hands pa rin kami.
Siguro makontento na lang muna ako sa ganto.
Makontento na kasama ko siya.
Na nahahawakan ko ang kamay niya.
Na nayayakap ko siya.
Na nakikita ko ang mga mata niya.
Na hahaplos ko ang pisngi niya.
Na nahahalikan ko ang mga labi niya.
Siguro dapat talagang makuntento muna ako sa ganito.
"Tita! Andito na po kami!" Masayang bati ni Flat sa tita niya.
"Magandang gabi po." Bati ko.
"Master Sky! Naku naku! Pasok ka! Si Seah talaga, hindi man lang nag text na paparito ka." Aligagang sabi ni tita luzy. Si Seah, natatawa lang. "Pasok ho kayo. Seah tara sa kusina, tulungan mo ko dali!" Sumunod naman agad si flat sa tita niya.
"Umupo ka muna freak ha?" Sabay wink sa akin. Talaga naman.
Pagpasok ko sa bahay nila ay sinalubong na agad ako ng dalawang batang makukulit na pinsan ni Seah.
"Kuya sky!" They both said in unison. Yumuko naman agad ako para mayakap ko sila.
"What's up my little buddies?"
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
Loup-garouSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...
