Chapter 30

617 31 12
                                    

SEAH'SPOV

(Presenting the Skyscrapers)

Nandito ako ngayon sa cabin ni freak at hindi pa rin ako makaget-over sa langyang we can do it na yan.

Buti na lang, may dala akong jps kaya nagpalit agad ako ng jogging pants pagkaalis ni freak. Baka kasi matempt siyang gahasain ako pag yung maong na mini-jumper na suot ko kanina kaya palit palit din pag may time di ba?

Lumabas ako ng cabin para hanapin si Cassie na sakto namang nakasalubong ko kaagad kaya sabay na kaming pumunta sa may harapan.

"Ano ba yan Seah? Bakit nakajps ka?! Like hello? Ang init kaya!" Sita sa akin ni bruha na sinimangutan ko naman.

"Eh kasi naman Cassie eh. Napakamanyak ni freak. Sabihin ba naman akong we can do it."

"Anong we can do it?"

Kaya ayun kinuwento ko lahat kay Cassie, wala naman siyang ginawa kundi ang humagalpak ng tawa. Ang sarap ng may kaibigang ganito no? Sarap gilitan ng neck. Tsss.

Nung nakarating na kami sa harap ay walanjo! Halos malaglag ang mga panga namin sa nakikita namin ni Cassie..

Ikaw ba naman ang makakita ng mga nakahubad na naggagwapuhang lalaki! Abay magwawala talaga ang mga mata mo sa saya! Jusko! Yung abs! Yung abs! Nakakasheyt yung abs!

Tiningnan ko yung mukha ng katabi ko. Ay bwiset! Nakamulaga ang mga mata niya tapos nakanganga pa. Napapailing tuloy ako kaya binulungan ko siya.

"Ayan ka na naman, yang bunganga mo." Napakurap naman siya.

"Sorry naman Seah. Ang ya-yummy!" Sabi niya habang nakanguso. Tama nga naman, ang yummy nga ng tatlo. Napakagwapo pa nila.

"Oh girls! Andyan na pala kayo! Tara dito." Sabi ni Andrei.

Napangiti naman kaming dalwa ni Cassie. "A-ano. Sige lang. May naiwanan pa kasi kami sa kwarto."

Kinurot naman agad ako sa tagiliran ng bruha.

"Bat ang KJ mo?" Nakaismid na sabi ni Cassie.

"Ano namang kina-KJ ko ha?! Ikaw talaga ang landi landi mo."

"Tsss. Ang yummy talaga nila! The abs! Eeeeee!"

"SINONG YUMMY?!" Hala? Si freak. Napatingin naman kami ni Cassie sa kanya. Hooooh! Buti na lang naka-tshirt siya. Baka kasi ako naman ang mapanganga.

"Si Seah kasi sky. Na-ya-yummy-han sa tatlo." Napatingin naman ako agad kay Cassie na nakangiti ng nakakaloko. Napatingin naman ako kaagad kay freak.

Hala. Nakakunot ang noo. Naniningkit ang mata. Ay lagot ako! Waaaaaaah!

"Ano Seah?! Totoo ba yon?!" Nanlilisik ang mga mata niya na nakatitig sakin. Oh no?! I'm doomed! Umiling iling ako sa kanya. Kinakabahan na din! Naku Cassie! Masasapak kita!

"Oo sky! Nakanganga pa nga yan kanina eh!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi Cassie! Humanda ka talagang bruha ka!

"Tsss." Sabi niya. Tapos nagtanggal na rin ng T-shirt.

Waaaaaaaaaaaaaah! Napahawak ako sa braso ni Cassie ng madiin at mahigpit ganun din siya sa akin. Halatang pinipigilan naming hindi tumili sa nakikita namin. Nakakainis! Halos matanggal na ang eyeballs namin dahil sa half naked na freak! Waaaaaaaaah!

Please sky! Put your shirt on! Please!

"Grabe! Napakainit naman. Masusunog ang balat ko. Mamaya na lang sa isla." Sabi ni sky na nagsusuot uli ng T-shirt niya at umalis din kaagad sa harapan namin.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon