Maagang gumising si Sky para pumasok sa university. Walang pagbabago, ganoon pa rin ang nangyayari sa binata. Gigising ng maaga, maliligo, magbibihis, kakain at aalis. Minsan nagsasasawa na ang binata sa paulit-ulit na nangyayari sa buhay nito. Ultimo pagpasok nito sa iskwelahan ay nawawalan na rin ito ng gana. Pag nagmamaneho ito, palagi na lang lumilipad ang isipan nito. Hanggang sa may babaeng tumawid na lang bigla sa daan kaya napahinto ang pagmamaneho niya ng sasakyan. Bumaba agad ang binata ng sasakyan na galit na galit. Salubong ang kilay at kunot na kunot ang noo.
"What the??! Sira ulo ka ba ha??!" Sigaw nito habang nakapamewang sa sobrang inis sa babaeng nagpupulot pa ng gamit niya na nahulog sa daan.
"Ikaw pa tong galit ha?? Ikaw na nga itong muntikan na akong masagasaan!!!" Wika ng babaeng patuloy pa sa pagpupulot ng gamit nito.
Napakunot lalo ng noo ang binata sa inasal ng dalaga. "Sino bang aanga-angang babaeng ang tumawid bigla sa kalsada kahit na naka-green light pa!! Di ba ikaw??"
Tumayo ang dalaga na nag-init na rin ang ulo at nagpamewang. "Eh wala naman kasing sasak-" Napanganga na lamang bigla ang dalaga sa nakita niya. Sa taong muntikang masagasaan siya.
Pero sa pagkakataong ding iyon ay nabigla din ang binata sa nakita at napakunot pa lalo ang kanyang noo. "Sus. Kaya pala aanga-anga."
"Aba! Loko ka ah!!" Asar na sagot ng dalaga at inihagis ang libro niya sa nguso ng binata. "Ayan ang nararapat sa'yo!"
Napahawak ang binata sa nguso niya. "Aray. Hindi mo ba alam na maraming girls ang nagkukumahog halikan tung lips ko???"
"Yang ngusong yan???" Turo ng dalaga sa nguso ni Sky. "Yan?? Pinagmamalaki mo yang ngusong yan??? Sus!!! Parang pwet nga lang yan ng manok!!"
"Aba't!" Wika nito hanggang sa napansin ng binata ang suot na uniform ng dalaga. "Teka? Sa Rockville University ka din napasok?"
"Ayy? Hindi ba obvious? Nakakahiya naman di mo na halata." Sarkastikong sagot ng dalaga.
"Tss. Sumabay ka na sa akin pagpasok."
"Bakit? Sa Rockville ka din?"
Napahawak agad ng noo ang binata. "Ayy. Hindi mo rin pala nahalata. Nakakahiya din pala sayo."
Hinila ng binata ang kamay ng dalaga. Hila hila ng binata ang dalaga palapit sa sasakyan niya at pinagbuksan nito ng pinto ang dalaga, na hindi naman kadalasang ginagawa ng binata. Sumakay ang dalaga sa loob ng kotse at pinaandar naman agad ng binata ang sasakyan.
"Salamat." Sabi ng dalaga habang hawak hawak ang braso niya na hinawakan ng binata.
Napatingin naman ang binata sa rear mirror para tingnan ang dalaga. "May bayad to. Wag kang feeling."
Hindi nawala ang tingin ng dalaga sa binata habang nagmamaneho ito. Hindi napigilan ng dalaga na mapangiti habang tinitigan ang binata hanggang sa makarating sila sa Rockville University.
"Baba na. Ipaparada ko pa ito sa parking lot."
Bumaba naman ang dalaga at "Salamat sa pagpapasakay."
Hindi na sinagot ng binata ang dalaga. At pinaandar na muli ng binata ang sasakyan nito at ipinarada na ito sa parking lot area ng Rockville University. Nagtungo na ang binata sa classroom nito at nahagip agad ng mata nito si Seah, na nakangiti sa kanya.
"Good morning, Sky." Bati ni Seah sa binata.
Hindi ito pinansin ng binata at dumiretso na lamang sa desk niya at naupo dito. Sumunod naman ang dalaga dito at naupo na rin sa desk niya.
"Nagluto pala ako ng favorite mong adobo, sabay na tayong kumain mamayang lunch break." Ngiting alok ni Seah.
"Sinong nagsabi sayong paborito ko yun." Malamig na sagot ng binata kay Seah pero hindi ito pinansin ni Seah at nagpatuloy sa pagkausap dito.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...