Chapter 41

297 25 0
                                    

Bumalik na ako sa room dahil ayoko namang maabutan ako ni freak at gantihan dahil sa ginawa ko sa kanya. Kamusta na kaya yung sinipa ko? Okay lang kaya? Sana okay lang. Siyempre, magkakabalikan pa kami. Magpo-propose sa akin. Magpapakasal. At siyempre. Janjajaran! Magkakaanak pa kami! Kaya ganun na lang pag-aalala ko. Uy tawa kayo. Joke yun eh. Di bale na nga.

Papunta na ako sa desk ko para umupo pero may nahagip ang mata ko na hindi kapani-paniwala. Eh pano, si Sky! Nakaupo na agad sa desk niyang nasira at nakapandekwatro. Naka-poker face at matalim na nakatingin sa akin. Papaano nangyari yun? Eh di ba nauna ako sa kanya? Tumakbo pa nga ako ng pagkatulin tulin wag lang niya akong abutan. Kaya naglakas loob akong tanungin siya.

"Umm.. Sky? Bat nandito ka na agad?!"

Nakatingin lang siya akin at pinagtaasan ng kilay. Taraaaaay!

"Marunong ka ba ng teleportation?!"

Nakita ko ang kamay niyang gumalaw at nagpakyu. San natuto si Sky niyan?! Saan?!

"San ka natuto niyan?!"

Pinaningkitan niya ako ng mata. Para lang akong timang na nagtatanong sa hangin. Kaya umupo na lang ako sa upuan ko at kumuha ng notebook at ball pen at kunwaring nagsusulat. Kainis! Kainis talaga!

Lalo lang akong naiinis sa sarili ko dahil sa mga nangyayaring ito. Nakakapagsisi. Naiiyak na naman ako. Hindi pa nga nawawala yung nangyari kanina at yung mga narinig ko mula sa usapan nila tapos ito na naman?! Nadagdagan na naman!

Hindi ko na tuloy mapigilan ang nararamdaman ko. Madiin ko ng isinusulat ang ballpen ko sa papel, yung tipong nabubutas na. Paulit ulit ko tong ginagawa habang pinupunasan ang mga luha na madalas nang pumapatak mula sa aking mga mata.

"Bakit ganyan ka sa akin, Sky?! Nag-aalala lang naman ako sayo?!"

Sigaw ko habang nakapikit at patuloy na umiiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang hirap kasi eh. Sobrang hirap.

"Bakit. Close ba tayo? Hindi naman di ba." Malamig na sagot niya sa akin na lalo namang nagpabigat sa nararandaman ako. Tumayo ako at hinarap siya habang mahigpit na hawak hawak ang ballpen ko.

"Kahit bilang kaibigan man lang, sky! Nag-aalala ako sayo kahit kaibigan lang!"

Tumingin siya ng direkta sa akin. Direkta sa mga mata ko.

"Hindi kita kaibigan."

Hindi niya ako kaibigan? Aw. Ang sakit na naman. Nadagdagan na naman. Ang sakit sakit. Hindi daw niya ako kaibigan? Nagsisinungaling siya. Ano yung pinagsamahan namin? Hindi ba yun pagkakaibigan? Tungunu durog na ako. Patuloy ng tumutulo ang mga luha ko. Bat ang sakit nito? Ang sakit naman nito. Ang sakit sakit.

Tinitigan ko siya pero umiwas lang siya ng tingin at ngumisi pa. Ang sakit na.

"Seah. Tama na." Nagulat na lang ako nung may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Maiinit na bisig. Nakakagaan ng pakiramdam. "Tama na. Wag mo nang aksayin yang mga luha mo sa taong yan. Please.." Humarap siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay niya. Tinitigan ko ang mga mata niya at patuloy na namang umiyak. "Tama na please."

"Leonard" Sambit ko sabay yumakap sa kaniya.

Niyakap niya din ako ng mahigpit na lalong nagpahagulgol sa akin. Hindi ko na din kasi kaya. Ang bigat na ng nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na sobra.

"Get a room, you idiots. You're ruining the class."

Sabi niya habang nakangisi lang sa akin. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Leonard at lumapit kay Sky para sampalin siya ng malakas sa mukha. Napatingin siya sa akin at pinaningkitan ako ng mata. Hindi ko alam kung saan nagmula yung urge para sampalin siya. Kung saan ko nahugot ang lakas ko para gawin yun sa kanya.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon