SEAH'S POV
"Anong nangyari sa mukha mo Sey?" Nagulat ako sa tanong ni Cassie. Nahalata niya siguro.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Juice meh! Pumasok ka ng ganyan pag-iitsura mo?"
Inabot niya sa akin ang salamin. Mukha akong Ewan. Ang laki ng eyebags ko. Bagsak na bagsak ang mata ko. Ibig sabihin, ang panget ko.
"May ginawa lang."
"Di ba in love ka? May boyfriend ka na. Si Leonard pa. Di ba dapat blooming ka na?"
Tama nga naman. Di ba dapat blooming ako? Tinitigan ko uli ang sarili ko sa salamin. Jusme. Kabaligtaran. Kapanget ko.
"Tss. Andyan na si ma'am. Pumunta ka na sa upuan mo." Pag-iiba ko ng topic.
Ayaw ko kasing malaman niya na kaya ako nagkakaganito ay dahil masyado akong abalahin ng puso't isipan ko. Pinipilit kong isipin si Lenard para dala siya hanggang sa panaginip ko kaso hindi eh. Habang iniisip ko siya, nananakit ang puso ko. Sumisikip. Nasasaktan ako. Nakatulog nga ako pero si freak naman ang napanaginipan ko. Hindi ko alam kung bakit siya.
"Sus. Iniba ang topic. Sige na. Sige na." Ngumiti si Cassie. "Nasan pala yang katabi mo?"
Napatingin ako sa vacant seat na katabi ko kung san nakaupo si freak. Ewan ko ba, nalulungkot ako. Parang namimiss ko siya..
"Good morning class. I just want to inform you na next week na ang freshmen's party. We all know na sa bawat class in every year of every course may representative. So sino sa BSBA I ang pwede magperform?"
Oh nga pala. Next week na. May kanya kanya na kaming date nina Cassie. Siya at yung boyfriend niya na taga HRM tapos ako eto, date ko ang boyfriend ko.
"WHAT THE?! ARE YOU GOING TO FOLLOW ME ALL DAY?!" Its freak's voice. Si freak! Hinanap agad ng mata ko si freak. Kaharap niya yung magandang babae na taga BSBA II.
Halos lahat kami ng mga kaklase ko pati na si Ma'am nakatingin sa may bintana.
"I'm s-sorry sky. P-please forgive me."
"FORGIVE YOUR FACE! STOP FOLLOWING ME DESPERATE WOMAN!"
"ARE YOU THAT DENSE SKY?"
Nakita kong naiinis na si freak.
"ME DENSE?!"
"YES! YOU'RE SO DENSE! FUCKING DENSE! I LIKE YOU SKY! I LIKE YOU! CANT YOU FEEL THAT?!" Niyakap naman niya agad si freak. "I like you."
Halos napanganga kaming lahat sa sinabi ni Mika, yung campus Queen daw last year. Siya yung maganda.
Naninikip na naman ang dibdib ko. Kumikirot na naman. Pakiramdam ko iiyak na naman ako.
Nag-iba ang mood ni freak. "Stop crying, will you." Nanlaki ang mga mata ko nung nag respond si freak sa yakap ni Mika. Humiwalay naman kaagad si Mika and gave Sky a peck on his lips at saka umalis na. Gusto ko manabunot ngayon.
"Mr. Tregobouff? Papasok ka pa ba?" Sabi ni Ma'am.
"Sorry." Pumasok naman agad si freak at umupo na sa tabi ko.
"So katulad ng sinasabi ko kanina, sino ang pwedeng magperform para sa freshmen's party?"
"Ma'am, si Sky!" Napalingon naman ako kay Leonard. Tumayo siya at nilingon si freak at ngumiti ng nakakaloko. "Di ba classmates?" Lahat nag-agree.
Tiningnan ko si Sky, pero parang relax na relax at compose pa din siya. Ni hindi man siya lumilingon sa akin. Nakakapanibago katulad ng nangyari sa kahapon.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...