Chapter 34

460 27 9
                                    

"Thank you." Bulong niya sa akin habang magkayakap kami sa isa't isa.

"Hmmm. Bakit?" Tanong ko sa kanya. Kumalas siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ng magkabilang kamay ang pisngi ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Cause you're right here with me." At ngumiti na naman siya. Juice ko naman, nakakapamlambot talaga ng tuhod ang kagwapuhan ng lalaking ito lalo na pag nakangiti.

Kumakabog tuloy ang puso ko, lalo na ng inilalapit na niya ang mukha niya sa mukha ko. Nararamdaman ko na ang init at mabangong hininga niya na nagpapangatog sa buong katawan ko. Lalong nagwawala ang puso ko sa dibdib ko nung lumapat at magkadikit ang mga noo namin habang nakatitig sa isa't isa. Saka binigkas ang tatlong salitang gustong gusto kong marinig mula sa kanya.

"I love you."

Tatlong salitang nagpapalambot at lalong nagpapabilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti at yakapin siya ng mahigpit. Isiniksik kong mabuti ang ulo ko sa dibdib niya dahil gusto kong marinig at maramdaman kung ganun din ba kabilis ang tibok ng puso niya kagaya ng tibok ng puso ko.

Nawala lahat ng hiya ko sa katawan kahit pinagtitinginan na kami ng mga bisita sa loob ng mansion. Wala na akong pakialam kung ano pa ang sabihin ng ibang bisita sa akin. Wala na akong pakialam kung lahat sila nakatingin na sa akin. Hindi na ako mahihiya. Nangingibabaw na kasi ang kilig na nararamdaman ko dahil sa ipinaparamdam ni Sky sa akin.

Ipinaparamdam niyang maganda ako. Ipinaparamdam niya sa aking mahalaga ako. Ipinaparamdam niyang kailangan niya ako. Ipinaparamdam niyang mahal na mahal niya ako. Kaya dapat iparamdam ko na rin kay Sky ang dapat niyang maramdaman mula sa akin.

Ano pa ba ang hihilingin kong iba? Maghahanap pa ba ako ng iba? Kung lahat na ng bagay na gusto ko at hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya na. Si sky yung tipo ng lalaki na hindi na dapat binabalewala at pinapakawalan. Siya yung tipo ng lalaking dapat inaalagaan at iniingatan. Kahit may mga ugali siyang kinaiinisan ko, bawing bawi naman ako sa labis labis na pagmamahal niya na walang sawang ipinaparamdam niya sa akin.

"Alis na tayo dito." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalabas ng mansion na kumuha ng atensiyon ng maraming bisita.

"San tayo pupunta? Eh hindi pa nga tapos party mo oh." Sabi ko habang hawak hawak ang palda ko, baka kasi matapilok ako dahil napakabilis ng lakad niya.

"Sa malayo dito. Sa walang tao, sa lugar na masosolo kita." Nangilabot naman ako bigla sa sinabi niya. Kaya inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Hoy lalake! Anong masosolo yang pinagsasabi mo?!" Ngumiti lang siya. Aba't nakuha pang ngumiti. "Ako, tigilan mo ko freak ha?! Hindi porket birthday mo, ibibigay ko na pagkababae ko sayo. Hindi no! Hell no?!"

He just laugh and then brush off his hair using his hand. Okay. That's hot. Napakagat tuloy ako sa labi ko. Bakit ba napakagwapo ng lalaki na to? Naku talaga.

"Hoy! Wag kang patawa tawa diyan?! Sungalngalin kita eh?!"

"Really? You can't blame me, nakakatawa ka eh. Saka ano ba yang sinasabi mong yan? Pagkababae mo?" Natawa na naman siya. "Hindi ko gagawin yun, sira." Nagtuloy tuloy na ang pagtawa niya pati mga mata niya tumatawa na rin. Napatalikod tuloy ako. Nakakakinis kasi tong utak ko eh, masyadong advance.

"Tumigil ka nga diyan sa pagtawa. Nakakainis ka na ah."

Hindi siya sumagot pero lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. In-intertwine niya ang kamay niya, filling out the spaces of my hand. At nagsimula na kaming maglakad lakad sa gitna ng daan sa ilalim ng bilog na bilog at napakaliwanag na buwan.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon