Chapter 2

1K 42 7
                                    


Eto na yun.

Inihanda ko ang sarili ko sa mga bagay na maaring makapanakit sa akin. Sa katotohanang matagal ko ng gustong makamtan. Huminga ako ng malalim. Handa na ako.

Handa na nga ba ako? Siguro oo. Kailangan ko to. Kailangan na kailangan ko. Tatagan mo ang sarili mo, Sky.

"So, where do you want me start?" Tumayo siya at naglakad patungo sa isa sa mga malalaking cabinets niya. Kinuha niya yung brown na picture frame.

"Nararamdaman kong nagtataka ka na sa sarili mo. At napakaraming tanong diyan sa utak mo. Nababahala ako nung nalaman kong patuloy kang nagtatanong sa mga nakakatanda tungkol sa sarili mo. Lalo na tungkol sa ina mo."

Panong? Paano niya nalaman yun? Mga tsismosa pala talaga ang mga matatandang iyon.

"What do you mean? May nanay pa ako?"

"Yes. You still have a mother." Lumapit siya sa akin at inabot ang picture frame. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Napakaganda niya. Sobrang ganda niya. Pero hindi siya katulad namin. Tao siya. At sigurado ako don. Unti unting namumuo ang mga luha ko na pwedeng bumagsak ano mang oras.

"W-who is she?" My voice cracks. And I hate it. I really hate it.

"She's my one great love. My soul. My life. My mate. Anna Montenegro. She's your mother. She's a human."

Ang tanga lang. Napakahirap i-absorb sa utak lahat ng sinabi niya. Did I heard it right? My mother. A human? Ugh!! This isn't right.

"You'be got to be kidding me! Tell me. You're just lying right?" But he shook his head saying he's not. "NO! YOU'RE LYING!"

Kinuyom ko ang mga kamay ko. Nangangatal ako sa sobrang pagkabigla. Napapikit na lang ako sa sakit ng nararamdaman ko dahilan para bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ako. Ang sakit. Sa sobrang sakit, patuloy ng umaagos ang mga luha ko. Sa di inaasahang pagkakataon, niyakap ako ng ama ko.

"Nagsisinungaling ka lang. Nagsisinungaling ka."

"No. I can't lie to my son. I can't lie to you."

Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Langya naman oh. Itinulak ko na lang ang ama ko kesa masaktan ko siya.

"The reason why you didn't have those characteristics and physical attributes of a wolf is because you're half human, Sky."

"But still I'm a wolf! Hindi niyo ba alam na hirap na hirap akong isipin kung bakit ganito ako? Nahihiya ako sa twing hindi ko maipagtanggol ang sarili ko?" Bumagsak na naman ang mga luha ko. "Naiinggit ako sa kanila! Naiinggit ako dahil malakas sila!" Dinuro duro ko na ang tatay ko. "Hindi mo ba alam yon?! Nahihirapan na ako!"

"Alam ko lahat ng mga yon. At nasasaktan ako para sa iyo." Napayuko siya.

"Bakit ginawa mo pa rin? Hindi mo man lang ba naisip ang pwedeng mangyari sa anak mo." I turned my back on him and wiped my tears away.

"Hindi sky. Nagmahal lang ako at minahal din niya ako. Walang mali sa ginawa namin. Wala, Sky. Wala."

"How did that happen? H-how? Mali yung sa inyo. Sobrang mali."

"Alam ko, pero nangahas ako dahil mahal ko ang ina mo. Dahil sa pag-ibig, walang tama at mali."

"W-why her? W-why to a human? You're a beast! Wasn't she scared of you?" I heard him sigh.

"At first, she was. But she surpassed and overcame those fear. She loved and accepted me despite of everything." Umupo siya sa couch niya and start drinking wine again.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon