Chapter 49

54 22 0
                                    


Nakatulog ng maganda si Seah nang dahil sa magandang nangyari sa kanya at ganun din naman ang binata. Parehong nakatulugan ng dalawa ang pakikinig ng paulit-ulit sa kantang Chivalry Is Dead. Kaya pag gising ng mga ito ay may ngiti ng nakaplaster sa mga mukha nila nang dahil nakagisingan na rin nila ang tugtog.

Nagtanggal na ng damit ang binata saka inahagis sa kama niya habang kinakanta pa rin niya yung paboritong kanta niya. Kahit sa pagligo nito ay kinakanta pa rin niya ito at dala dala pa rin hanggang sa matapos ito maligo at magbihis ng uniporme niya pagpasok. Lumabas ito ng kwarto niya nang nakangiti, na siya namang ikinataka ng kanyang inang si Anna Montenegro. Binati pa nga ng binata ng magandang araw ang kanyang ina sabay halik sa pisngi nito.

"Good morning din, son?" Bati din ng ina na tila'y naninibago sa ikinikilos ng anak. "Why not eat your breakfast first before going to school?" Pero hindi iyon narining ng anak dahil may nakapasak na earphones sa tenga nito kaya kinalbit na niya ang anak. "Son, are you okay?"

Tinanggal naman kaagad ng binata ang earphones niya. "Ahh. W-what mom?"

Napailing na lamang ang ina ng binata. "Nothing, son. Just eat your breakfast."

Ngumiti ang binata sa ina. "Sa RU na lang mom." Saka humalik muli sa pisngi ng ina niya. "I have to go. Bye mom." At umalis na ang binata papuntang Rockville University.

"Have you noticed that?" Tanong ni Anna Montengro sa katiwalang si Louise.

"Alin po, madam?" Saka hinabol niya ng tingin ang binata. "Yun po bang kakaibang saya ni Master ngayong araw?"

Napatango naman ang nag-iisang Anna Montengro sa pagsang-ayon. "He looks very handsome when he's always like that?" Saka nito ininom ang gatas sa basong hawak nito. "I love seeing him like that. He looks an angel when he's smiling."

Napangiti ang dalagang si Louise sa sinabi ng amo niya. Kung alam lang sana ng amo niya ang lihim na paghanga nito sa kanyang anak. Hindi naman masisisi ni Anna Montenegro ang dalaga kung nagkagusto ito sa anak niya. Hindi lang naman kasi bastang gwapo lang si Sky, kundi lahat na ata ng magagandang katangian na hinahanap ng dalaga sa lalaki ay nasa kanya na, kaya ganun na lamang ang paghanga nito sa anak ng amo niya.

Samantala sa bahay ng mga Alonzo. Magsisimula pa lamang kumain ang dalaga kasama ang mga pinsan niya at tiyahin niya ng umagahan. Habang kumakain ang dalaga ay pansin na pansin ng tiyahin niya ang kakaibang ngiti at saya ng mukha ng pamangkin niya. Paano kase. Kada subo, matutulala tapos ngingiti na lamang ng walang dahilan. Parang baliw lang, di ba?

"Hoy, babae!" Sigaw ng kanyang Tita Suzy, na siya namang ikinabigla ng dalaga. "Nababaliw ka na ba ha? Kanina ka pa diyang nakatulala tapos ngingiti na lang ng basta basta."

Ngumuso naman ang dalaga sa pamilya niya.

"Ate, wag kang ngumuso. Di ka maganda!" Wika ng pinsan niyang si Shawn sabay halakhak sa kanya.

Tumayo naman ang dalaga at hindi na ipinagpatuloy ang pagkain. "Kainis mga panira ng mood." Ngusong sabi nito sa mga pinsan niya.

Bubuksan na sana ng dalaga ang pintuan niya para pumasok sa Rockville University nang masilip niya si Cloud sa bintana. Nakaabang ito sa labas ng bahay niya, nakasandal sa mamahaling sasakyan nito. At ang matinde pa, maraming babae ang nakapaligid dito, hindi tulad ni Sky sa tuwing pupunta sa kanila ay wala man lang nagkakagulo para malaman lang ang pangalan nito.

Lumabas na ng bahay ang dalaga at nagdali-daling naglakad wag lang mapansin ng binatang si Cloud, ngunit sa kasamaang palad ay napansin pa rin siya nito. Iniwan ng binatang si Cloud ang mga babaeng nakapaligid sa kanya at lumapit sa dalaga.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon