SEAH'S POV
"Aba! Ikaw ang nagyaya eh." Hinawakan niya ang kamay ko. "Ako na bahala. So san mo gustong pumunta?"
Napangiti naman ako. "Nood tayo ng sine?"
"Sa mall? Hindi ba sabi ko sayo, ayaw ko dun." Ngumuso naman siya.
"Sinabi ko bang sa mall? Sa may theme park tayo." Lalo namang ngumuso si freak.
"San yun? Hindi ko alam yun."
Hinila ko naman siya kaagad sa may sakayan ng fx papunta ng Rockville Funland.
"Eh? Mag fx tayo? May kotse naman ako ah?"
"Ano ka ba. Mas masaya mag-fx. Please try to act like a normal one? Pwede ba?" Sabi ko. Nagdugtong naman ang kilay niya. "Please?" Nagpuppy eyes pa ako. Tumango naman siya.
Pagkasakay na pagkasakay namin ng fx, may malalanding bisugo na agad sa harapan namin ang nakatingin kay sky na animo'y bubuyog kung nagbubulungan, rinig ba naman. Tsk!
"He's so hot!" bulong ni malanding bisugo one.
Nag-giggle naman yung si malanding bisugo two sa narinig. "I know right! We gotta know his name, who knows baka isa sa atin ang tipo niya. Just thinking of that thought makes me, Kyaaaaah!" Sabay ayos ng upo ng maayos at nagretouch ng make up nila.
Napataas naman ang kilay ko nung hinipo ni bisugo one yung tuhod ni freak. "Mmmm. Baby, you're so hot. Wanna make love to me?"
Aba?! Shutang inerns na ito? Gumaganon agad? Daig pa ako?! Napatingin naman ako sa mukha ni freak, halatadong asar na siya. Naniningkit na naman ang mata niya eh. Inalis naman niya agad ang kamay ni bisugo one at lumingon sa iba. Hmmmm. Good boy!
"Uh-oh girl, hindi ka niya type. Watch me." Sabay kuha ng lipstick at pinaputok sa pula ang labi niya. Eh kung sapukin ko na lang kaya nguso niya?! "Hi pretty boy." Napatingin naman agad si freak kay bisugo two. Nung nakuha na niya yung atensyon ni freak ay hinigit pa niya pababa yung damit niya para makita yung cleavage niya. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko at tumingin uli sa dibdib ni bisugo two. Aray. Nakakahurt ng feelings. "You wanna have some fun?" Eh kung fun fun-in ko fezlak mo?! Gusto talaga ng gyera ng bisugo na to! Napakalandi!
Napatingin uli ako kay freak nung hinagisan niya ng University jacket yung bisugo. "Wear that."
Napangiti naman si bisugo two. At humarap kay bisugo one. "I told you." Sabay wink sa kasama tapos ay humarap uli kay sky. "How sweet of you." Nakakainis tong freak na ito! Don't tell me-
"You're so welcome. Nakakahiya naman kasi sa iba kung makita pa nila yang dibdib mo na puno ng libag." HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Boom sabog! Napatawa na lang ako. Eh kasi naman eh! HAHAHAH.
Napanganga naman agad ang mga bisugo sa sinabi ni freak.
"Let me see girl." Sinilip naman ni bisugo one yung dibdib ni bisugo two. "Ay girl. Truelalu nga." Sinuot naman agad ni bisugo two yung jacket sa hiya dahil pinagtitinginan na siya ng ibang pasahero.
"And one more thing. Don't ever try again to do that again lalo na't pag kasama ko yung napaka-espesyal na babae ngayon sa buhay ko."
Nag-init naman agad ang pisngi ko sa sinabi ni freak. Ang sweyt sweyt talaga! Eeeeeeeee! <3
Napatingin naman ang dalawa sa kagandahan ko. HAHAHAH! Sorry girls! Mas mahaba ang hair ko sa inyo. My turn. Nilingkis ko naman ang braso ni freak tapos ay nginitian sila. Oha? Bleeeeh! Maglaway kayo mga bisugo!
"NO! IT CAN'T BE?!!!" Sabay nilang sigaw.
"Yes, can be." Sabay smirk ko sa kanila. Ako pa ba ang magpapatalo? Hindi uy. Palaban ito! Sadyang mas maganda lang ako sa inyo.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...