Chapter 38

369 28 13
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Umuwi na ba si Sky?" Nag-aalalang tanong ni Anna.

"Hindi pa po Madam." Sagot ng isa sa mga butlers ng mga Montenegro.

"Ano pang tinatanga niyo diyan?! Hanapin niyo ang anak ko!"

Nagsialisan agad ang mga butlers at bodyguards ng mga Montenegro para hanapin si Sky.

Halos magtatatlong araw na rin kasing nawawala si Sky. Kaya sobra sobra na lang ang pag-aalala sa kanya ng kanyang ina. Hindi ito mapakali dahil baka may kung ano ng nangyari sa kanyang anak.

"Carlo." Lumapit naman ang binata sa kanyang amo.

"Bakit po Madam?"

"Kilala mo naman ang mga kaibigan ng anak ko di ba?" Tumango naman ang binata. "Pakitanong naman sa kanila. Baka sakaling alam nila kung nasan ang anak ko." Maluha luhang sabi ni Madam Anna.

"Yes madam."

Umalis naman kaagad ang binata at nagsimula ng pumunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan ni Sky.

Una niyang pinuntahan ang mga kabanda at kaibigan na rin ni Sky na sina JS, Andrei at Rain na sakto namang katatapos lang magpraktis.

"Magandang araw po mga sir." Sabay yuko naman bilang paggalang sa tatlo.

"Ano ka ba naman Carlo. Wag ka ng gumanyan. Para naman hindi tayo friends niyan." Sambit ni Andrei na nakangiti. Umayos naman kaagad ng tayo ang binata.

"Oo nga naman. Ano nga palang sadya mo Carlo?" Si Js.

"Alam niyo po ba kung nasaan si master?"

Napakunot naman ng noo ang tatlong binata sa tanong ni Carlo.

"Anong? Bakit?" Si Rain.

"Magtatatlong araw na po kasing nawawala ang master. Nag-aalala na pong masyado si Madam." Malungkot na sagot ni Carlo.

"Nawawala? Si sky?" Si Js.

"Hindi pa kami nagkikita ni Sky eh. Pero bakit biglaan naman ata?"

"Hindi ko rin po alam. Sige mauna na po ako."

"Hindi! Sasama na kami sa paghahanap sa kanya. Hintayin mo kami." Andrei.

"Pero? Baka naaabala ko na po kayo. Marami naman kaming naghahanap na sa kanya." Pagtanggi ni Carlo.

"Walang pero pero, kaibigan namin si Sky kaya tutulong kami."

Wala na ring nagawa si Carlo kundi ang pumayag. Nagsakayan na sila sa sasakyan at umalis na para hanapin si Sky. Nagdiretso sila kay Cassie para magtanong. Ilang minuto lang ang biyahe ay nakarating na din sila sa bahay ni Cassie. Nagsibabaan agad ang apat sa sasakyan at lumakad na sa harapan ng bahay nina Cassie.

"Huy, kumatok ka na." Js

"At bakit ako?" Andrei.

"Ako na nga. Turuan pa kayo eh." Rain.

Kakatok pa lang sana si Rain ay bigla ng may nagbukas ng pinto. Halos lumuwa ang mga mata ng apat sa nakikita nila. Si Cassie, nakashorts. Sobrang ikli at nakasando lang. Pupungas pungas at humihikab pa. Nag-inat pa sa harapan ng apat habang nakapikit pa.

"G-Good m-morning m-miss Cassie." Putol putol na sabi ni Carlo sa dalaga. Napamulat naman kaagad ang dalaga at halatang nagulat sa nakikita niya kaya sinaraduhan niya ng  pinto ang apat saka nagtatakbo papasok sa kwarto niya.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon