Chapter 43

177 25 0
                                    

Nakatulog ang dalaga habang buhat-buhat siya ng binata na naglalakad papunta sa bahay ng mga Montenegro. Pero walang pagbabago. Wala pa ring ekspresyon ang mukha ng binata. Hindi na katulad ng dati na makikita mo ang ngiti sa labi niya. Hindi na katulad ng dati na makikita mo ang saya sa mga mata niya. Parang wala na siyang buhay. Nawala na lahat ang mga bagay na makakapagpapaalala na siya si Sky Tregobouff, dahil sa sakit at hirap na naranasan niya.

Bigla namang humuni ang isang ibon kaya hinanap agad ng binata kung nasaan ito. Naalala niya ang bago niyang mumunting kaibigan. Ang kaibigan, na maituturing niyang nag-iisang nakakaintindi sa lahat ng kanyang nararamdaman.

Ilang minuto rin ang nakalipas na ginigugol niya sa paglalakad buhat-buhat nag dalaga, kasama ang ibon bago ito nakarating sa mansiyon ng mga Montenegro, sa mansiyon kung saan siya nakatira.

"Master Sky! Bakit po puro kayo dugo?! Saka ano pong nangyari kay Miss Seah?!" Tanong na may halong takot at pagtataka ni Louise.

"Its none of your business, Louise." Sagot ng binata at nagsimula na siyang maglakad pataas sa guest room kung san dati nakitulog ang dalagang si Seah. Ngunit huminto ito sa kalagitnaan ng hagdan.

"Please find her some clothes to wear." Pakiusap nito kay Louise.

"Yes, Master." Wala sa loob na sagot ni Louise. Dahil buhay pa rin sa memorya nito na sinaktan ni Seah ang kanyang master.

Nagsimula na uli maglakad ang binata patungo sa Guest room at ng nakarating na ito ay inilapag at hiniga ng ayos agad ni Sky sa kama ang dalagang tahimik na natutulog. Pumunta sa banyo para kumuha ng basang bimpo at first aid kit at saka bumalik sa kama, kung saan nahihimlay at tahimik na natutulog ang dalaga. Inilapag ng binata ang mga gamit sa table na katabi ng kama at naupo sa upuan. Pinagmasdan niya ang dalaga. Nakita niya ang mga sugat na natamo ng dalaga sa nangyari kanina sa kakahuyan. Hinimas nito ang pisngi ng dalaga na may gasgas at pasa kaya kinuha na niya ang bimpo at dahan-dahang niyang idinadampi ito sa pisngi ng dalaga at nilagyan ng gamot ito saka nilapatan ng band aide ang pisngi ng dalaga pati na rin ang ibang parte ng katawan ng dalaga. Nang matapos nito na gamutin ang sugat ng dalaga ay kinumutan niya na ito ng ayos ng biglang hinawakan ng dalaga ang kamay niya, hindi lang basta hinawakan dahil mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Tinitigan niya ang mukha ng dalaga sa pag-asang baka gising na ito pero hindi dahil mahimbing pa rin ang tulog nito.

Hinila ng binata ang kamay niya pero hindi niya maialis ang kamay ng dalaga na patuloy na nakahawak sa kamay niya.

"Bitawan mo nga ako.." Mahinahong utos nito sa dalaga. "Alam kong gising ka, kaya bitawan mo na ang kamay ko. Bitawan mo na ako dahil binibitawan na rin kita.." Nagulat na lamang ang binata dahil may biglang tumulong luha sa kanyang mga mata. Akala niya wala na yung sakit. Buong akala niya, manhid na siya pero hindi.

Hinawakan na rin niya ang kamay ng dalaga na nakahawak sa isang kamay niya at hinalikan ang kamay ng dalaga habang patuloy pa ring umaagos ang luha sa kanyang mga mata.

"Bakit ganun? Mahal pa rin kita. Akala ko wala na. Akala ko manhid na ako. Akala ko makakalimutan na kita. Akala ko matatapos na itong paghihirap ko. Kaso lahat ng mga akala kong yun, napunta sa wala dahil makita lang kita, mahawakan lang kita bumabalik ang lahat. Ang lahat ng pagmamahal ko sayo. Ang lahat ng masasaya at magagandangng nangyari sa buhay ko na kasama ka na iniingatan ko." Hinalikan nito ang noo ng dalaga at hinaplos ang buhok nito. "Pero kailangan kong maging matibay, dahil kahit anong pagmamahal ko sayo, hinding-hindi mo pa rin magagawang magmahal ng katulad ko."

Bigla namang may kumatok sa pintuan sa kwarto kung saan naroroon sila ni Seah kaya dali-dali agad inalis ng binata ang kamay nito sa pagkakahawak ng dalaga at pinunasan niya kaagad ang mga mata niyang basa dahil sa pagluha.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon