Chapter 36

431 28 21
                                    

Inumaga na ako sa gitna ng kakahuyan. Basang basa at napakarumi kong tingnan dahil sa ulan na sumabay sa sakit ng aking nararamdaman. Akala ko sa pagtila ng ulan at pagsikat ng araw, mawawala na ang sakit, ang hirap at hapdi na nararamdaman ko pero nagkamali ako nandun pa rin, hindi nawala lalo lang lumala. Parang dumami ang mga patalim na nakasaksak sa dibdib ko. Parang dumami ang mga martilyo at maso ang patuloy na pagpukpok sa puso ko. Parang dumami lalo ang kamay na pumipiga sa damdamin ko. Lalong sumakit, lalong humapdi. Lalo lang akong nahihirapan. Hindi na tumitigil ang luha ko sa nangyayari. Maiisip ko pa lang na nawala na sa akin si Seah, parang mamamatay na ako. Ayokong mawala siya. Ayoko. Hindi ko kaya, at hindi ko kakayanin.

Tumayo na ako unti unti mula sa pagkakahiga at naglakad ng buong lakas ko pabalik ng mansyon. Sa paglalakad ko, halos lahat ng tao nakatingin sa akin, halos lahat. Hindi ko naman sila masisisi, naiintindihan ko pa nga sila. Sino ba naman ang hindi titingin sa akin na mukha ng zombie. Mabagal maglakad, maputla ang kulay, sira sira at maputik ang damit, tapos puro sugat at galos ang mukha't buong katawan. Mukha na talaga akong zombie. Literal na zombie. Bukod sa ganito ang itsura ko, wala na rin akong puso at wala na rin ang buhay ako. Wala na si Seah. Wala na ang babaeng kaisa isang mahal ko. Galit na siya sakin. Kinamumuhian niya na ako. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Wala na.

Habang naglalakad ako, yung mga bata pinagbabato ako ng kung ano ano. Tangna lang. Masakit na nga ang puso ko, papasakitin pa ba nila ang katawan ko. Maawa naman sila. Maawa naman sila sa akin. Nasasaktan na ako ng sobra. Ang hirap na. Patuloy kong ininda ang sakit hanggang sa makarating ako sa mansiyon, sa lugar kung saan safe ako. Sa lugar kung saan wala ng gagambala sa akin. Sa walang makakasakit sa akin.

Pinilit kong kumatok ng malakas. Walang nakakarinig, kumatok uli ako. Pinagbuksan na rin nila ako sa wakas.

"M-master! Master! Ano pong nangyari sayo?!" Ngumiti ako ng bahagya kay Louise at yumakap sa kanya. "M-Master."

"Shhhh. Just hug me please."

Niyakap niya agad ako. Niyakap niya ako ng napakahigpit. Pinigil ko ang sarili ko sa pag iyak. Lalo lang humihirap at sumasakit ang nararamdaman ko. Naaalala ko si Seah. Naaalala ko ang mga yakap niya na napagkahigpit. Naaalala ko lahat ng tungkol sa kanya.

"Master!"

"Carlo pakitawag si madam. Bilisan mo!" Niyakap ko pa lalo si Louise. "Master, ano po bang problema?" Hindi ako umimik. Hindi ko alam ang isasagot ko. Naiiyak na rin siya. Nararamdaman kong nahihirapan din siya tulad ko.

"My God, Sky!! What happened?!" Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Louise at niyakap agad ang ina ko. Hindi ko na mapigilan ang nadarama ko. "Sky." Hinawakan niyang pilit ang mga pisngi ko, pinipilit kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero hindi ko kaya. "Son, look at me." Umiling ako. "Sky, ano bang nangyayari?" Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na silang bumagsak sa mga pisngi ko. "Sky. Stop crying. I'm here." Niyakap ako ng ina ko ng napakahigpit. Akala ko maiibsan ang sakit pero wala talaga. Masakit talaga. Wala ng tigil ang pagluha ko. Wala ng tigil ang sakit na nadarama ko. Wala ng tigil lahat. Napakasakit na. Sobrang sakit na.

"M-ma." Alam kong parang bakla na ako sa ginagawa ko pero hindi ko mapigilan. Masakit talaga.

"Shh. Carlo, help me." Lumapit agad si Carlo para alalayan ko papunta sa kwarto ko. Pagdating namin sa kwarto ay iniwanan na kami ni Carlo. Ini-locked naman kaagad ng ina ko ang pinto.

Humarap siya sa akin at lumakad papalapit sa akin. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala na lalong nagpapabigat ng damdamin ko. Na lalong nagpapahirap at nagpapasakit sa nararamdaman ko.

"Now tell me son. What really happened? A-ayokong nagkakaganyan ka anak."

"Ma, isa na akong ganap na lobo."

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon