Chapter 17

713 35 8
                                    

SEAH'S POV

Hindi ako makaget-over sa nangyari kanina sa auditorium. Ang gwapo ni Sky, habang tumatagal lalo siyang nagiging gwapo sa mga mata ko. Yung tipong paakyat pa lang siya ng stage, nagtilian na ang lahat.

Hindi ko din akalain na ganun pala kaganda yung boses niya. Napakasarap pakinggan, nakaka-in love.

Hindi ko din makalimutan yung nasa slideshow, kinikilig ako. Alam kong sa akin yun, alam ko. Habang kumakanta siya nakatitig lang siya akin kaya di ko mapigilang iwasan ang mga tingin niya. Inilipat ko na lang ang tingin ko sa LED TV, siya pa rin naman ang nandun eh. Tatlo kasi yung LED TVs na nasa likuran nila. Yung sa left side si Sky yung kinocover, sa right side naman ay yung ibang kabanda niya at sa gitna na naman yung sa slideshow.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapanood ko siya at ang slideshow. Nakakakilig eh kaso nakakainis yung sa huli ng slideshow. Kailangan pa bang ipaalam sa buong audience yung sa tulo-laway thing? Buti na lang hindi niya ni-mention ang pangalan ko. Kundi naku! Babalian ko talaga siya ng buto! Babalian ko talaga siya!

Nung uwian tinawag niya ako. Hinabol pa nga niya ako, kaso hindi ko siya kinausap. Sa halip ay tiningnan ko pa siya ng masama. Hay, sky. Sorry.

------

"Seah!!" Hinila agad ako ni Seah papunta sa may gate ng Rockville University. Sa tabi kasi nun may malaking LED TV na nakabaon sa pader ng Rockville. Madaming tao ang nagkukumpulan dun, karamihan sa kanila puro babae.

"Ano bang meron?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya. "Basta. Manonood tayo."

Nagtilian naman agad nung may nagplay sa TV. Video ng performance ni Sky at ng Skyscrapers. Natulala naman ako dun. Ang gwapo talaga niya.

"Ang gwapo talaga no??" Tumango naman ako.

"Ang hot pa di ba?" Tumango ulit ako.

"Crush mo?" Napatango ulit ako.

Narinig kong humahalakhak siya. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA! SABI NA EH. ANG GWAPO KO BA NAMAN! HAHAHAHAHAHA!"Napatingin naman agad ako sa likuran ko. Halos manlaki ang mata ko sa gulat dahil nasa likuran ko si freak at nakita niya akong pinapanood ang video nila. Hinampas ko naman agad siya. "Mukha mo! Anong gwapo pinagsasabi mo?!" Pagtanggi ko. "Panget mo!"

Ngumiti naman siya ng nalakaloko. "Sus! Kunyare ka pa! Ayan oh may proof ako na nagagwapuhan ka sa akin." Pineress niya ng thumb niya ang labi ko. "Tulo laway."

Namula naman agad ako sa ginawa niya, kaya hinampas ko siya.

"Nakakainis kang supot ka?!" Pinaghahampas ko na uli siya, hindi dahil sa asar, inis o galit kundi dahil sa saya. Namiss ko talaga yung ganito. May hampasang naganap dun sa unang pagkakilala namin, halos lahat ng lumipas na mga araw hindi nawawala ang pananakit ko sa kanya. Nasasanay akong ganito sa kanya. Sa kanya lang ako ganito. Sa kanya ko lang napapakita ang tunay na ako. Sa kanya lang.

Naningkit naman ang mga mata niya. "Anong supot ang pinagsasabi mo?!"

Ahe! Gusto ko to. Hahaha! "Weh? Supot ka!" Saka tumawa ako ng tumawa.

"Sabing hindi eh!" Nagpantay na ang kilay niya sa asar. Eeeeee. I'm loving it! <3

"Weh? Totoo namang ganun ka! Narinig ko." Sabi ko sa kanya sabay wink.

"Nakakaasar ka na ah! Maghintay ka!" 

Inilabas niya ang cellphone niya at may tinawagan.

"Kala mo ha! Hindi sabi ako supot! HINDEEEEEEE!"

"PLASTIC BAG KAAAAAAA!"

"Nakakaasar ka na talaga!" Hinila niya ako papalapit sa kanya at tinitigan niya ako ng matalim. Natameme ako, napalunok ako dahil damang dama ko ang hininga niya. Naaamoy ko pa. Ang bangooooooo.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon