SEAH'S POV
"Happy birthday seah. Birthday na birthday mo, brokenhearted ka." Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko pa rin maiwasang hindi umiiyak ng dahil sa nangyari kahapon. Sarap pektusan at bigwasan ng mga bwiset na yun lalo na yung ulupong na si Leonard na best friend turned boyfriend turned enemy ko. Nakakainis! Patiris ko kaya sila kay King Kong? Lalo na yung napakalanding hitad na yon na pagkapal ng make up sa mukha! Hindi na siya tao! Make up na siya! Ang sakit eh, napakasakit. Ayoko ng umiyak, pero patuloy pa rin sa pagpatak ang luha ko. Madedehydrate ako neto eh. Wala na tuloy akong masingahan dahil sa kakaiyak ko kaya pati bed sheet ko ginagamit ko ng pampunas ko sa sipon at luha ko.
Nakakainis kasi. Ready na akong mahalin uli siya ng buo eh, tapos gagaguhin lang ako. Naging mabuti naman akong girlfriend sa kanya pero bakit ganito? Bakit niya ako sinasaktan ng ganito. Deal lang ba talaga ako? Oo panget ako, pero shutang inerns kasi eh! Mas panget kaya siya yung malanding hitad na yun kesa sakin! Tinatapalan niya lang ng pagkakapal kapal na make up kaya hindi siya tao. Make up siya!
Wala na tuloy akong magawa ngayon kundi ang magmukmok at umiyak sa kwarto ko. Napakasakit malaman sa taong gusto ko ng mahalin ng buo na ginelpren niya lang ako dahil sa deal. Nakakainis, ang sakit. Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa mga tuhod ko. Magbibigti na sana ako kaso may kumatok. Joke lang yung magbibigti.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto ko. Hinawakan ko na ang knob ng pinto ng may pumasok na langaw sa ilong ko. Kaya ayun, pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, nabahing ako. Nabahing ako sa harap ng taong kumatok sa pinto ko.
Pero nakakahiya eh. Waaaaaaaaaah! Nakakahiya talaga! Kill me now please? Waaaaaaah!
Si sky pala yung nabahingan ko. Halos lumuwa yung mata niya nangyari. Waaaaah! Nakakahiya talaga!
Nakakahiya kasi yung mga nagtalsikang small particles ng sipon at mucus na galing sa ilong ko tumama sa polo ni freak, puti pa naman. Take note kasama din yung langaw sa tumalsik sa polo niya. Nakakahiya! Waaaaaaaaaah!
"S-sky. S-sorry." Utal kong sabi. Pucha. Bury me now please! T^T
Kumuha naman niya agad ang panyo sa bulsa niya at pinunasan yun. "Kadiri."
Tumalikod naman ako sa hiya. "Bakit ka kasi andito?! Kung hindi ka nagpunta dito at kumatok sa pinto ko edi sana walang nangyaring ganyan!"
"Binibisita lang kita."
"Wala akong sakit! Kaya umuwi uwe ka na!" Pagtataboy ko sa kanya habang nakalikod sa kanya with hand gestures pa.
Narinig ko namang natawa siya. Eeee. Ang gwapo ng tawa niya. "So kasalanan ko pa?" Waaaaaah!
"Oo! Lumayas layas ka na!"
Narinig ko naman ang pagtawa niya. "Sungit mo naman." Tapos nabalot na ng matinding katahimikan ang kwarto ko.
Naramdaman kong lumakad siya papalapit sa akin at niyakap niya ako mula sa likuran ko. "I hope you're okay now." Sa sinabi niyang yun, nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko. Nakakainis. Nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Ng dahil sa ginawa ni Leonard sa akin.
Tumawa ako. "Ano ka ba? Okay lang ako." Pinipilit kong tanggalin yung mga kamay niya sa pagkakayakap sa akin pero hindi ko kaya dahil wala akong lakas sa kakaiyak.
"No, you're not. I can feel it." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayap sa akin kaya lalo akong napahagulgol sa pag-iyak. "Psh. Stop crying, will you?" Sabay huminga siya ng malalim. "Heartache doesn't last that long so please flat, fix yourself and be strong. Don't waste your tears to someone who doesn't even know and see your worth." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinila ako paharap sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko siya magawang titigan sa mata dahil natatakot akong makita niya na sobra na akong nasasaktan "Come on. Look at me. I'm still here Seah. I'm still here. You didn't know how much I really wanted the world to see what you mean to me, Seah. How much you mean to me."

BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
Hombres LoboSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...