Chapter 32

483 31 16
                                        

SEAH'S POV

Halos tatlong araw na rin nung umalis kami sa isla. Maraming nangyari na sobrang naaliw kami. Nakakamiss agad, gusto ko na tuloy ulit bumalik don para makapagsaya at makapagpahinga.

Na-i-stressed na naman kasi ako dahil bukas na ang kaarawan ni freak. Nakakasakit ng brain cells mag-isip ng ireregalo sa gwapong nilalang na yun eh. Wala akong maisip, walang pumapasok na kahit konting bright idea sa kokote ko. Hay.

"Hi Seah!" Bati sa akin ni freak na naka full smile. Aba't maganda ang gising ah?

"Bat nakangiti ka? Anong meron?"

Lumapit naman siya sa akin para halikan ako pero nasungalngal ko na kaagad ang nguso niya.

"Kasama mo ba. Pag itong nguso ko nagasgasan, gagahasain kita."

"Subukan mo lang, ipapakulong kita!"

"Ses. Magawa mo naman yun." Hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako papalabas ng university.

"San tayo pupunta?"

"Magde-date tayo."

"May klase pa kaya tayo. Ayaw ko. Baka madropped out na ako." Pagtanggi ko.

Humarap siya sa akin na naniningkit na naman ang mata.

"Ah ganon? Tinatanggihan mo na agad ako?"

"Oo bakit?! May angal ka?!"

"Oo! Dahil boypren mo ako!"

"Ano?! Boypren kita?"

"Oo! Future boyfriend! May angal ka?!"

Napatahimik naman ako. Sabagay may punto siya. Pero kahit na! Kailangan bang mag cut kami ng class para sa isang date lang? Ayoko! May pangarap din naman ako kaya gusto ko makapagtapos no!

"Tss. Bahala ka nga!" Binitiwan niya ang braso ko at naglalakad ng palayo sa akin. Psh! Napaka talaga ng lalaking yon!

Hay! Sige na! Sige na! Oo na! Magkacut na ako ng class para makipagdate sa kanya! Susundan ko na nga siya. Wala na naman akong magagawa eh, follow your dreams naman di ba? Isa kasi siya sa mga pangarap ko eh. Ahihihi. Landi eh. Kaya ayun hinabol ko siya.

"Oy! Freak!" Lumingon siya sa akin, nakakunot ang ulo at naniningkit ang mga mata.

"Ano?!"

"Sasama na ako. Sasama na."

"Di ba, may klase?! Bumalik ka na sa loob?!"

Aba! Napaka talaga! Konyatan ko nga.

"Aray! Ano ba?!"

"Sasama na nga ako di ba?!"

"Nakakaasar ka na ha!"

"Eh ang arte mo eh!" Nagbago bigla ang itsura niya. Naging bakulaw na. Joke.

"Oo na." Malumanay niyang sabi. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. "Sorry."

"Hayaan mo na. Pasalamat ka at birthday mo bukas."

"Edi thank you." Nakangiti niyang sabi.

"So, san tayo?" Nakangiti lang siya. "Hoy! San nga tayo sabi?!" Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Gusto mong masaktan?!"

Napaharap naman siya sa akin. "Hindi ko alam eh?"

"Nagbibiro ka ba?!" Nakakainis na ha. Yayakag yakag mag date tapos hindi naman alam kung san pupunta. Makakapatay ako ng freak ng wala sa oras!

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon