Chapter 45

53 22 0
                                    

Nakaupo lang at walang ginagawa ang binatang si Cloud sa buong period. Relax na relax ito habang nakasandal sa upuan nito at nakatitig lang sa ginagawa ng dalagang si Seah. Samantalang ang dalaga naman ay hindi malaman ang gagawin niya dahil ramdam niya na nakatitig lang sa kanya at sa ginagawa niya ang bago niyang kaklase. Halos hindi na niya maipaling sa kaliwa't kanan ang tingin nito dahil kay Cloud at ganun na rin kay Sky na nakatitig lang din sa kanya.

Hindi alam ng dalaga kung bakit nakatitig si Sky sa kanya. Iniisip tuloy nito kung may nagawa na naman ba itong mali na kinaayawan ng binata o baka nahimasmasan na ito pagkatapos ng matinding pagsusungit nito kanina sa kanya. Kaya ang kawawang dalaga parang may stiff neck dahil sa dalawa.

Napapatakip na lamang ang dalaga ng kamay sa mukha dahil sa hiya hanggang sa natapos ang period na iyon at pumasok ang kanilang propesor sa physical education.

"Good afernoon class. I'm quite busy right now cause I still have a lot of paperworks to finish. So what you are doing right now is to pick a partner and practice dancing waltz again. Since malapit na rin naman ang Rockville's Thanksgiving Day kung kailan magaganap din yung pamosong Executive's Ball ng eskwelahang ito. " Wika ng propesor na umupo na sa swivel chair nito at nagsimulang gawin ang mga paperworks nito. "Sorry guys ha? But I want you to practice it now. So, punta na kayo sa hall at simulan niyo na."

Nagpuntahan naman kaagad ang mga magkaklase sa hall kung saan sila magpa-practice ng waltz.

"Bakit ba tayo magpapractice ng waltz? E hindi naman tayo kasali sa Executive's Ball." Tanong ni Cassie kay Leonard.

Napakibit balikat naman si Leonard. "Ewan? Mas mabuti na din yun kesa magklase naman tayo."

Ngumuso naman si Cassie. "Ayoko naman kasi magsayaw. Dapat sina Sky at Cloud lang yung nagpapractice since sila lang naman yung kilala kong kasama sa Executive's Ball."

"Ano bang gusto mo? Magklase o magsayaw?" Tanong naman ni Seah sa kaibigan.

Humaba naman lalo ang nguso ni Cassie. "Wala sa pamimilian! Teka. Sinong partner mo?" Tanong ng kaibigan nito na si Cassie na nakaangkla ang kamay sa kaklase niyang si Leonard.

"Oo nga, Seah. Sino partner mo?" Sabat ni Leonard na kasama ni Cassie. "Pwedeng ako na lang?"

Nagkibitbalikat naman ang dalaga. "Baliw. Hindi ko alam?"

Sabay namang lumapit ang magkapatid na sina Sky at Cloud na humarap agad sa dalaga. "I'll be your partner." Sabay ding wika ng magkapatid na nagkasamaan ng tingin sa isa't-isa at ibinaling muli sa dalaga. "No! I'm gonna be your partner!" Sabay muling wika ng dalawa kaya nagkatitigan muli ang mga ito sa isa't-isa.

Halos mapanganga ang lahat ng istudyante sa loob ng klase, lalong lalo na si Cassie sa sabay na alok ng magkapatid sa kaibigan. "Wow ha?! Yan ba yung bagong meaning ng salitang HINDI KO ALAM?" Wika nito sabay hatak sa kaibigan papalayo sa nagkakainitang magkapatid. Ngunit ang dalagang si Seah ay natameme na lamang sa nangyayari.

Lumapit bigla si Sky sa kapatid nito at hinablot ang kwelyo nito, pero si Cloud naman ay relax na relax lang at ngumiti na lang ng mapang-asar sa kapatid. "Stay away from her." Mahinang wika ng binatang si Sky sa kapatid.

"Why would I do that? Look at her." Pang-asar na sabi ni Cloud sa kapatid. "She looks so innocent. And that makes her stand out among other girls here." Tiningnan nito ang dalaga ng malagkit saka ngumiti ng pang-asar sa kapatid. "And that makes me want her."

Hinigit pa lalo ng nanggagalaiti na sa galit na si Sky ang kwelyo ni Cloud na hawak hawak niya. "She's mine! You heard that?! Mine alone!"

Inalis ni Cloud ang pagkakahawak ni Sky sa kwelyo nito, ngunit sa pagkakataong ito ay may kasama ng pwersa na naramdaman din kaagad ni Sky. "But what I have heard from others, that you and Seah, didn't have any label." Nakipagtitigan ito sa kapatid ng masama na nagpaatras dito. "Meaning, she's not yours."

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon