Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko sa napanaginipan ko, hindi pa rin kasi siya nawawala sa isipan ko. Isama mo na rin ang biglaang pagtubo ng mga pangil ko pero agad din namang nawala nung nahimasmasan na ako dahil sa sama ng epekto ng panaginip ko.
Bakit ba biglaan na lang ako nagkaroon ng ganon? Tapos nawala din naman kaagad. Napaisip tuloy ako. Kaya siguro tumubo yung mga pangil na yun ay dahil sa sama ng loob at galit na naramdam ko nung mga oras na yun.
Hindi niyo naman ako masisisi eh. Its all about Seah, and when it comes to her, nagiging seryoso ako. Natatakot akong mawala siya sa akin kaya hinding hindi ko hahayaang mangyari yung nangyari sa panaginip ko.
"Master, handa na po ang pagkain niyo."
"Sige. Bababa na ako." Sagot ko at naglakad na pababa sa dining area. Nakita ko agad ang isang pamilyar na babae. "Seah?"
Humarap naman siya. "Hi Sky. Good morning!" saka ngumiti.
Lumapit ako kaagad sa kanya at hinila papalapit sa akin para yakapin siya ng napakahigpit.
"F-freak." Utal niyang sabi.
"Ssssh. Just let me hug you." At ibinaon ang ulo ko sa leeg niya. "Let me feel you."
SEAH'S POV
Napakaganda ng gising ko ngayon dahil kay Freakie at syempre sa nag-iisang lalaki na nagpapasaya sa akin ngayon, si Sky.
Simula ng narinig ko yung ni-record ni Sky kay freakie ay hindi na ako nakatulog. Kinikilig kasi ako at sobra akong excited na makita siya.
Na-Last song syndrome na nga ako sa kantang Irresistible na ni-record niya. Simula kasi ng kinanta niya yun sa akin kagabi, natatak na agad yung sa playlist ng utak at puso ko. Halos maya't maya kong kinakanta yun, since fan din naman ako ng 1D ay nagdownload na rin ako ng kantang yun sa iTunes.
"Tita, good morning!" Sabay beso kay tita na halatang nagtaka sa ginawa ko. "Bakit ganyan ang mukha mo tita?"
Napataas naman siya ng kilay sa akin. "Ikaw nga dapat ang tinatanong ng ganyan." Napataas naman din ako ng kilay.
"Anong pinagsasabi mo diyan ta?" Sinundot naman niya ako sa tagiliran, alam na alam talaga ni tita ang kiliti ko.
"Maang -maangan ka pa." Hinila naman niya ako sa harap ng salamin. "Tingnan tingnan mo nga yang pagmumukha mo! Bakit blooming ka?"
Tinitigan ko naman agad ang sarili ko sa salamin.
Hala!? Oo nga, ang ganda ko naman. Eto na ba yung blooming? Ay sheyt! Sa wakas naranasan ko ding magbloom. Hahahaha!
"Sabihin mo nga sa akin sey." Napaharap naman ako bigla kay tita.
"Ano yun tita?"
"In love ka na ba?" Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa tanong ni tita.
"Ah eh. Tita. K-kasi ano eh." Natataranta kong sabi pero ngumiti siya.
"Kung kay Sky naman yan, hindi ako kokontra." Napangiti naman din ako sa sinabi ng tita. "Napakabait na tao ni Sky. Alam kong mamahalin at aalagaan ka niya tulad ng pagmamahal at pag-aalaga ni Sean sa iyong ina."
Niyakap ko naman si Tita Suzy. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Napakabait niya sa akin at itinuring niya akong parang kanya, na parang tunay na anak niya simula ng mawala sina Daddy at Mommy.
"So si sky nga ba?" Tapos kiniliti na naman ako.
"O-opo t-tita." Sagot ko habang pinipigilan ang pagtawa.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...