Chapter 22

678 32 13
                                    

SKY'S POV

Napangiti na lang ako dahil nakatulog siya sa pagkanta ko. Napagod ata sa daming nangyari sa araw na ito. Feel na feel ko pa naman kumanta. Kumululot pa naman.

Binuhat ko na naman kaagad si flat papunta sa loob ng kotse. Para maihatid ko na siya papauwi sa kanila.

Napakaganda talaga niya, hindi ko tuloy maiwasang tingnan at titigan siya. I-ti-nuck ko yung buhok niya sa tenga niya nakakasagabal sa kagandahan niya. Siya na ata ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko.

Tama lang ang ginawa kong ito, dahil nakita ko sa mga mata niya na masayang masaya siya. Kung maaari nga lang gawin ko yun araw araw para pasayahin siya, gagawin ko. Makita ko lang yung ngiting yon araw-araw.

Napatitig na naman ako sa labi niya, ay sus ginuo! Naaakit na naman ako, please wag muna ngayon. Ayaw ko muna siyang halikan. Masyado na akong sumusobra sa paghalik sa mga labi niya, to the fact na hindi pa naman kami.

Eh sheeet lang eh! Hindi ko talaga kaya! Para kasing magnet yung mapupula niyang labi, sobrang naaattract ako. Kaya ayun, hinalikan ko na lang siya sa forehead niya. At least, hindi sa labi niya.

Pinaandar ko na agad ang makina ng kotse at nagsimulang magmaneho. Ilang minuto lang ang byahe kaya nakarating na agad kami sa bahay niya.

Binuhat ko siya, halatang malalim na ang tulog. Tulo laway na naman eh. Lumakad na ako papalapit sa may pintuan nila at kumatok. Pinagbuksan naman agad ako ng tita niya.

"Anong nangyari diyan?" Nagtatakang tanong niya.

"Nakatulog po."

"Halika pasok na kayo at ihatid mo muna yang batang iyan sa kwarto niya."

Tumango na lang ako at sinunod ang inutos ng tita niya. Ibinaba ko na agad siya sa kama at kumuha ng panyo sa bulsa ko para punasan ang laway niya.

"Ikaw talaga. Kung ibang lalaki lang ang makakakita sayo ng ganto, malamang matagal ng naturn- off sila sayo." Napangiti naman ako habang pinupunasan ang labi niya. "Pero sa kaso ko, iba eh. Mas lalo kitang nagugustuhan sa mga bagay na alam kong hindi mo naman sinasadyang gawin."

Tumayo na agad ako at dumiretso sa kotse ko para kuhanin si Freakie at bumalik din naman kaagad sa kwarto niya.

Itinabi ko sa kanya si Freakie, na agad naman niyang niyakap. Gustong gusto niya talaga yung teddy bear, tamo niyakap agad, ako kasi ang nagbigay. Lakas hangin nu? Pwes, magdusa kayo.

Nagulat naman ako nung isinaklang ni flat yung legs niya sa teddy bear. Nakita kasi yung panty niya, nakagown pa kasi siya, kaya automatic tuloy na namula ang pisngi ko. Inilingon ko naman agad ang ulo ko sa ibang direksyon habang ibinababa yung palda ng gown niya at saka kinumutan siya.

Hay! Hinga hinga sky! Hinga hinga!

Umalis agad ako papalabas sa kwarto niya, baka kasi pag nagtagal pa ako dun, magahasa ko pa siya. Iwas iwas din sa tukso pag may time. At nagpaalam na rin sa tita niya na pauwi na ako.

Pagdating na pagdating ko sa mansyon ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Nagpalit ng damit at humiga agad ako sa kama ko.

Iniisip ko palang na nakangiti siya sa utak ko, kinikilig na agad ako. Iba talaga ang dating ni flat sa akin, para bang nahigitan niya na yung nararamdaman ko para sa first love ko na nakilala ko lang sa gitna ng kakahuyan four years ago.

Gusto ko na talaga si Seah. Ay mali, dahil mahal ko na talaga siya.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon