Sa mga nagbabasa noon at ngayon ng Intelligent Academy (na ngayon ay "Campus Hunter na") nais ko ibigay paalam na ito na ang huling magiging revision. Paumanhin kung madalas i-unpublished subalit ito na ang huli. Gusto ko na din lumaya at magkaroon ng bagong stories. December 24, 2021 ay magsisimula muli i-publish ang chapter 1. Dahil kasama na ako sa Graduation sa aming University ay araw-araw na ang update dahil mapagtutuunan ko na sa wakas ito ng pansin.
Maraming salamat sa patuloy na umaabang sa kabila ng madalas na editing.
***
Napangiti ako nang mapansin kong alas-otso na ng gabi. Napatingin ako sa professor namin na sinusubukang tapusin ang lecture.
"That ends today's discussion. See you again next week."
Sa wakas, binaggit na ng aming propesor ang aking paboritong linya. Mabilis kong inayos ang mga gamit sa mesa at inilagay sa sling bag. Tumayo ako at isinukbit iyon sa balikat ko.
"Happy Friday, everyone! Let's head over to Azra Bar!" Dinig kong sigaw ng kaklase ko at naghiyawan naman ang mga kaibigan niya. Sila ang grupo ng mga babae na madalas mag bar. Well, common na ito sa college.
"I'm excited! I heard the Ignis Band will be guesting again tonight!"
Ignis Band again? Ito lagi ang pinag-uusapan dito sa university.
Wala namang duda, they are professional music artists dahil napapanood ko na sila sa Azra. I haven't seen their faces yet dahil lagi sila nagsusuot ng maskara. Ang balita ko sa bar lang naman daw sila nagsusuot nito.
Lumabas ako ng classroom habang patuloy na nagkukwentuhan ang mga kaklase ko. Walang ibang bukang bibig ang mga ito kundi Azra Bar. Every Friday, the pub is packed with Thompson University students. Parang ginawang school annex na ito ng mga students.
Dahil walking distance lang ang tinutuluyan kong dormitory ay mabilis akong nakauwi. I quickly changed clothes and went out again.
"Azra Bar," I said to the driver as I got into the cab.
Tuwing gabi akong nasa bar. Bukod sa pagiging isang estudyante, ginugugol ko ang halos lahat ng oras ko sa Azra.
Tumingin ako sa nagliliwanag na gusali habang papababa ako ng taksi. Madami ang nagpapasukan sa bar tanda na isa ito sa mga kilala dito sa city.
Pagkapasok ko sa Azra ay narinig ko agad ang pamilyar na boses. Ang malamig ngunit malalim na tinig ay nagpapahiwatig na nandito na ang hinahangaan na singer.
I noticed that the Ignis Band was already on stage. No wonder the pub quickly filled up.
I just passed the stage and walked towards the private room. I am here not for the Ignis Band but for my night job.
When I entered the room, I saw the twins. "Any updates, Mario and Luigi? "I asked the twins while sitting on the sofa. Tumabi ako kay Mario na abala sa pagkain.
Dahan-dahan ngumuya si Mario bago ako nilingon. "Update? You performed well last night Stella. Luigi will send the amount to your account."
His twin put down his phone and raised an eyebrow at him. "Bakit ako? Sa'yo nagbayad si Mr. Lopez."
Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Mario na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kambal niya. "Alam mo, makinig ka na lang sa panganay. Ang iyo ay akin at ang akin ay iyo kaya 'wag ka na maarte d'yan."
Napailing na lang ako nang makitang nagtatalo nanaman ang kambal.
Mabuti na lang at good mood ako dahil naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. Marahil ay malaki ang bayad ng batang abogado na 'yun sa akin.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...