"Magpahinga kana muna," saad niya.
Hindi pa din ako nagsasalita at nanatiling nakatitig sa kanya.
"Ihahatid na kita sa unit mo."
Wala pa din akong imik at pinagmamasdan kong mabuti ang kanyang mukha.
Nagpakawala siya ng isang malakas na buntong hininga.
"Sino ka ba talaga?" Ang tanging naging tugon ko.
Tumabi siya sa akin kung saan nakaupo kanina si Luke.
"You don't have to ask for a background check about me." Tila nanigas ako sa sinabi niya. How did he know?
"May sarili akong paraan para malaman." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Wait, did he read my mind?
"I wanted to talk to you but you refused maybe because you were tired but I think this is the right time to tell you everything." Nakatitig siya sa mata ko.
"I'm not sure if you remember me." Muli siya napabuntong-hininga. Lumapit siya sa akin at bumulong. "I'm your brother's friend and roommate here at IA."
Ang sinabi niya ay tumugma sa diary ni Kuya Zander. Mariin ko siyang tinignan, ngayon ay umaamin na siya.
He held my right hand. "Hindi mo na ba talaga ako naaalala? I'm Thor."
Iling lang ang aking naging sagot pero pakiramdam ko ay kilala ko siya dahil narinig ko na noon ang pangalang Thor.
Kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya.
"Five years ago your brother introduced you to me. This is the day I accidentally saw you at the chicken restaurant."
Bukod kina Xyrus, Mario at Luigi ay may isang lalaki siyang pinakilala sa akin, ang lalaking pilit kong inaalala kung sino.
* * *
"Hey bro!" Napalingon kami ni Kuya sa tumawag sa kanya.
"Hey, c'mon join us!" Kuya greeted and the man sat down in front of me.
"Whose that girl? She's beautiful." narinig kong bulong nung lalaki kay kuya.
Bigla itong binatukan ni Kuya Zander. "Sira! She's my little sister obvious naman, kamukha ko." Natawa ako sa kanila at nagpatuloy sa pagkain.
"Ella, I want you to meet my naughty friend. He's Hector," pakilala ni Kuya.
Nilahad ng lalaki ang kamay niya sa harapan ko. "Just call me Thor." Natawa naman ako bigla sa sinabi niya. Sounds like a superhero.
Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Hindi ito malambot katulad sa akin. Matigas at magaspang. "Stella," matipid na tugon ko.
Sumama siya sa amin sa pagkain at nag-usap sila ni kuya.
Nagpaalam ako saglit sa kanila na may bibilhin sa ibaba ng mall. I plan to buy ice cream. Wala naman kasi sa restaurant na kinakainan namin.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...