Chapter 20: Get Well Soon

2.9K 135 3
                                    

Unti-unti kong hinigop ang mainit na sopas na sinusubo sa akin ni Charlotte. I can't believe I'm still alive. Akala ko katapusan ko na.

"Do you have any idea how many days you slept? Napatingin ako kay Pat at kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Hindi ko man lang magawang makapagsalita dahil nanghihina pa rin ako.

"You've been unconscious for three days." Napahinto ako sa paghigop ng sopas. Seriously? three days?

"I know you're curious how you survived," pagpapatuloy ni Pat. "Steven saved you. I'm not sure what happened that night, but almost all the students went out because of the noise we heard. Nakita na lang namin si Steven na buhat ka at dinala ka dito sa clinic. Pasalamat ka nalang at tulad ng isang ospital ang clinic natin."

Si Kurt? Nasa old library that time?

"Stella," napatingin ako kay Charlotte nang malumanay niya akong tinawag. "Nang makita namin si Steven ay natakot ako. I was scared not only because of your condition but because his presence was terrifying. It's the first time we've seen him like that!"

Ano ba talaga ang nangyari matapos akong barilin? Mabilis akong lumingon sa paligid nang maalala ko si Luke Silang. Nasaan siya?

Pinilit kong tumayo subalit hindi ko man lang maiangat ang katawan ko. Hindi ko pa kaya. Ang sakit ng tagiliran ko pati na rin ang braso ko na nababalutan ng benda.

"Puwede ba Stella magpahinga ka muna 'wag kang makulit," sita sa akin ni Charlotte.

"P-pero kailangan ko makausap si Sir. Montemayor at si Luke," nanghihinang sambit ko. Pinilit kong magsalita kahit nahihirapan ako.

Dama ko ang dalawang mainit na palad ni Pat sa pisngi ko. "Don't worry friend. Professor Pogi is currently working on the problem and I appreciate your efforts for saving my classmate," she said with a smile.

Napatingin kami sa pinto dahil sa katok. Bumukas ito at pumasok sina Sir Montemayor, Kurt, Cloud and Luke.

"Ohh si Professor Pogi!" sigaw ni Pat.

Nakangiting lumapit sa akin si Sir Montemayor at nilagay niya ang kanyang palad sa ulo ko. "Mabuti naman at gising ka na Stella. I am proud of you, but next time don't put your life in danger." Tumango ako sa kanya.

Mag-iingat na ako sa susunod. Sa totoo lang natakot din ako sa nangyari. Kung ganito na ang sitwasyon ko sa isang kalaban pa lang, paano pa namin lulusubin ang buong Scorpius? Kailangan ko pa mag training!

Tumingin ako kay Cloud na nasa likod ni Sir Montemayor at hindi ko maiwasang tumaas ang labi nang may maalala. Ako ang nanalo sa deal namin!

"Stella, don't grin at me. You won, but you almost died," Cloud rolled his eyes. Hindi niya talaga matanggap ang pagkatalo.

Napatingin ako kay Luke nang lumapit ito sa akin. "Stella para sayo." Napakamot pa ito ng ulo habang inaabot niya ang prutas at bulaklak, halatang nahihiya. "Pasasalamat ko 'yan sa pagligtas mo sa akin binibini. Nakakahiya dahil ako ang lalaki pero ikaw ang nagbuwis ng buhay."

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "'W-wag ka m-magpasalamat sa akin dahil sa'yo alam kong may n-natuklasan ka," mahinang sambit ko. Pinilit kong maging tuwid ang aking mga salita.

"She's right," tugon ni Sir Montemayor. "Mabuti pa Luke isalaysay mo na sa amin ngayon ang lahat."

"He refuses to speak until you wake up, Stella," dagdag ni Cloud.

Isang malalim na paghinga muna ang narinig ko mula kay Luke.

"Nagsimula lahat sa kuryosidad ko tungkol sa mga kuwento dito sa IA. Nagkaroon ako ng sariling pagsasaliksik noon bago ang pasukan. Nang nagsimula na ang klase ay naging tambayan ko na ang Old Library dahil naghahanap ako ng lumang references, kahit na alam kong bawal. Makalipas ang ilang araw ay nagsimula na akong makatanggap ng death threats. Madalas may nagpapadala ng text messages at natatakot ako noon na madamay ang mga kasama ko."

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon