Walang kumikibo at lahat ay balisa. Nakaupo ako at nakatulala habang naghihintay. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang kanyang kalagayan.
Naramdaman ko na may pumisil sa aking kamay kaya't napatingin ako sa kanya. Katulad ko ay mugto din ang kanyang mata.
"Kaya niya, lalaban siya," sabi ni kuya at bakas sa boses niya ang kalungkutan. Tumango ako, oo lalaban siya.
Mabigat ang nararamdaman ko subalit kapag nakikita ko si kuya ay kahit paano naiibsan ang sakit ng dibdib ko. Brandon is dead according to him. He committed suicide when he could no longer fight back. Subalit bago daw ito mamatay ay sumigaw ito ng patawad.
Habang nasa loob si kuya ng kuta ng Scorpius at nakikipag duelo kay Brandon ay may nag-alis ng bomba. Dumating ang kilalang Detective Twins at bihasa ang Hughes Siblings sa larangang ito. Tinulungan din sila ng mga Hunters sa pagpasok sa loob ng kuta. Sa tulong din ni Josh natunton nila ang eksaktong lokasyon ng bomba. Due to what happened, the IA was temporarily closed.
Gayunpaman, kahit buhay si kuya ay durog na durog ang puso ko. Thor is in danger as the doctor tries to save his life.
Napatayo kami nang may lumabas na doctor. "Who is the patient's family?"
"A-ako. Ama niya ako," umiiyak na turan ni Master Hikari. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na siya si Master Hikari na kinilala ng Harpia pero mas nagulat ako nang sabihin niyang siya ang ama ni Thor, pero paano? Napailing ako. Hindi ito ang tamang oras para alamin ang bagay na ito.
Master Hikari approached the doctor. "We did everything but hi-"
"Please get straight to the point!" Nagulat ako ng sumigaw si kuya at pinutol niya ang sinasabi ng Doctor. Alam kong hindi naman siya kausap subalit pati ako ay nais ko na din agad malaman.
Umiling ang doctor "He's dead, he didn't survive"
Napahawak ako sa dibdib ko halos hindi na ito tumitibok. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha Bakit Thor! Bakit hindi ka lumaban!
Tumakbo ako papasok sa ER at agad ko siyang niyakap "A-ang d-daya mo. Madami pa tayong laban"
May brasong pumulupot sa akin mula sa likod. "Tama na Ella wala na tayo magagawa." Katulad ko ay umiiyak na din si kuya.
Yumakap ako sa kanya at humagugol. Hindi ko na kaya; ang sakit-sakit. Wala na ako nagawa para iligtas siya samantalang siya ang nagligtas sa akin noon.
Nandito ako ngayon sa labas ng hospital at dama ko ang hangin dala ng lamig ng simoy ng gabi. Hindi ko na kayang pumasok pa sa loob dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap na wala na siya.
"Ang tanglaw sa langit ang magsisilbing ala-ala ng lahat." Napatingin ako mula sa likod nang marinig ko ang boses niya.
"Tatang," mahinang sambit ko kay Master Hikari. Magmula nang magkita kami kanina sa IA ay hindi pa kami nakakapag-usap o kumusta man lang.
"Si Hector ay isang liwanag mula sa dilim. Handa niyang ibigay ang buhay niya sa kamatayan alang-ala sa mga minamahal niya," ngumiti siya at lumapit sa akin.
Tinapik niya ang aking balikat. "Naalala mo pa ba ang sinabi ko sa'yo sa Isla Astralias?" Tumango ako kay Tatang Jose Sumuroy at ngumiti ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang Tatang na nakausap ko noon ay si Hikari. Marami man akong tanong sa isipan ngunit hindi ito ang tamang oras para itanong ito.
"Ang paglubog ng araw ay may katuwang na pagpapasalamat dahil binigyan tayo ng pagkakataon na makumpleto ang isang buong araw na may hininga. Dapat matuwa tayo dahil pagkatapos naman nito ay ang pagsinag ng araw na punong-puno ng pag-asa na harapin ang panibagong hamon ng buhay," sambit ko.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...