Chapter 58: Duel

29.1K 841 83
                                    

"Isa lang ang gusto kong kalabanin at alam mo kung sino ang tinutukoy ko," saad ni Brandon at nagpakawala ng malakas na halakhak. May inabot sa kanya ang isa niyang tauhan; isang Kusarigama.

Nakagat ko ang aking ibabang labi sa galit. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya, ano ba ang ikinagagalit niya kay kuya?  Saan nanggagaling ang poot niya?

Tumingin si Brandon sa akin at ngumisi na naging dahilan ng lalong pagkainis ko. "Bakit hindi ba siya darating?" mapang-asar na tanong niya. "If he doesn't show up, I will end the lives of the dear President and Adler." I automatically looked at them. There is no trace of emotion on their faces and only weakness can be seen in their presence.

"Wait, we won but why don't you let them go?!" Troy asked angrily.

"Sa akin ba kayo nakipagsundo?" Napakatuso talaga sabi ni Brandon! "Pagbilang ko ng sampu ay nandito na dapat siya." 

Nagkatitigan kaming lima at bakas sa aming mga mata ang pagkabalisa! Gustuhin man namin tumutol subalit hindi maaari dahil nakatutok ang throwing knife sa leeg nila!

"Sampu," aniya

Sinubukan namin mag-usap sa mga mata tulad ng ginagawa namin tuwing band practice.

"Siyam"

Tila nakakabuo kami ng plano sa pamamagitan lamang ng pagtinggin. Tulad ng isang cue sa musika kung magsisimula na kaming tumugtog.

"Walo"

Red and Troy will fire bullets.

"Pito"

Since mabilis at magaling umasinta ng target sina Red at Troy hindi kami mahihirapan.

"Anim"

Blake and Cloud will take Uncle James and dad.

"Lima"

Hindi maalis ang titig namin ni Kurt sa isa't-isa. Tila may gusto siyang iparating sa akin.

"Apat"

Tumingin siya sa espada ko at ganun din ang ginawa ko.

"Tatlo"

Tila may koordinasyon ang pangungusap ng aming mga mata dahil sa estratehiyang biglang nabuo sa aking isipan.

"Dalawa"

Sabay-sabay ang pagtango namin ng bawa't-isa

"Isa"

Isinagawa na namin ang plano. The arrow and bullet immediately flew at the enemy; Scorpius released Uncle James and dad. Mabilis din ang naging pagkilos nina Cloud at Blake upang pumaroon at kunin sila.

Kinuha ko ang Katana at kinuha ni Kurt ang kanyang Dragon Sword. Sabay kaming sumulong patungo kay Brandon ngunit ang ahas ay nakangiti lamang.

Matulin akong tumakbo patungo sa kanya at tumalon naman ng napakataas ni Kurt. Hinataw ko ang aking Katana nang makarating ako sa kanya ngunit tila hangin lang ang aking naging kalaban. Brandon suddenly disappeared in front of me.

"Argh," napatingin ako sa aking likuran. Hawak ni Brandon ang kanyang braso. 

Mabilis akong tumingin sa harapan nang may naramdaman akong presensiya. Si Kurt, seryosong nakatingin sa halimaw na Heneral habang hawak niya ang kanyang Dragon sword at may bakas ito ng dugo. He even managed to hit Brandon at such a quick motion.

"Walang kuwenta!" singhal ng tusong Heneral. "Is that all you can do lil 'sis? If Zander was in front of me my life would probably be over."

Napahinto ako sa sinabi niya at umalingawngaw ng isang malakas na paghalakhak. '"Little sis?"

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon