"What does this mean Troy?"
"I'll explain later Blake let me just finish this. Nasaan na ba ang first aid?"
"What happened to her?"
"Shut up Red she might wake up. Tulungan mo na lang ako."
Nagising ako dahil sa mga boses. Dinilat ko ang mga mata ko at may naaninag akong tatlong lalaki. Ilang sandali at unti-unti lumiwanag ang tingin ko sa kanila.
Sinubukan kong bumangon at agad akong napahawak sa ulo ko, bigla akong nahilo.
"Are you okay miss?" mahinahong tanong ng lalaki.
Hindi ako kumibo at nanatiling nakasandal sa headboard ng kama. Bigla akong may napagtanto. Inangat ko ang mukha ko at seryoso silang tinignan. "Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko.
Halata sa mukha nila ang pagkagulat probably because I looked like a foreigner. Mabilis naman silang nakabawi.
"Miss papangunahan na kita. We're not doing you any harm. When I saw you lying on the ground, I saved you." mabilis na pahayag ng lalaking may hawak na bulak.
Siya pala ang dumating kanina. Mabuti na lang at napunta ako sa mabuting kamay. "Kung ganoon, salamat," nahihiyang tugon ko. Kung hindi siya dumating ano na kaya ang nangyari sa akin ngayon?
Ngumiti ako at isa-isa kong tinignan ang tatlong lalaki. "Sino pala kayo?"
Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkagulat "Ha? Hindi mo kami kilala?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
I didn't answer and just stared at him as proof that I wasn't joking. Sa huli ay naniwala siya.
"I'm Troy Powell. The one on the right is Red Spencer and the one behind him is Blake Harris. We are part of the famous band in this Academy, the Ignis Band ," he proudly said.
Napangiti at napailing ako nang may na realized. I suddenly remembered Cloud. Naalala ko ang first day ko dito sa IA. Sila pala 'yung kasama nila Kurt.
"Miss who are you? What are you doing near the Old Library?" Sunod-sunod na tanong ng lalaking may hikaw sa kanang tenga. As far as I remember, he's Red.
"I'm Stella Hamilton. I'm a transferred student. Classmate ko sina Cloud and Kurt."
"Kurt? You called Steven by his second name?" bakas ang pagkamangha sa mukha ni Troy. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong meron?
Nakarinig ako ng pagtikhim mula sa tabi niya. "Troy 'wag kang chismoso. Take Stella back to her room so she can rest," seryosong sambit ng isang lalaki, si Blake. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na nila ako pinilit na sagutin ang tanong ni Red.
Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari kanina. Who's that man? What is he doing outside the Old Library? Why did he attack me? And most of all, why is there a Scorpius member in the academy?
"Hoy Stella!" Sigaw ni Charlotte habang hawak ang aking balikat.
Nandito na ako sa loob ng unit at kaharap ang dalawa. Hanggang ngayon hindi sila makapaniwala na hinatid ako ni Troy.
"What happened? Where did you go? Did the three members of Ignis do something?" sunod-sunod na tanong ni Charlotte. "Kahit gwapo pa sila, I will hit them."
I'm at a loss for words. I feel like I suddenly had an older sister. "Long story pero nawalan daw ako ng malay sa labas," pagdadahilan ko.
"Mahilig lang talaga ako mag lakwartsa, pasensiya na," dugtong ko. Napakamot ako ng ulo. Hindi ko alam kung paniniwalaan ba nila ang dahilan ko.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...