I just woke up in a familiar place. How did I get here behind the Academy?
Kung hindi ako nagkakamali dito kami lumabas noon nila Kurt at Cloud nang mapangahas kaming pumasok sa kuta ng Scorpius.
Scorpius, bigla akong kinalibutan nang maisip ko ang hunter group. I almost got raped mabuti at may taong pumigil. Napapikit ako nang maalala ang nangyari.
...
Isang malakas na sampal muli ang dumapo sa akin.
"Itigil yan!" Isang boses mula sa aking likuran.
"Heneral?" tanong ng lalaking gumapos sa akin.
"Kahit ikaw ang Komandante wala kang karapatan gumawa ng aksyon," may bahid na galit sa boses ng lalaki. Pamilyar na pamilyar ang kanyang tinig na tila mas pinalalim ito.
Hindi nagsasalita ang tinatawag nilang Heneral.
"Ang Komandante ba ay nasa ilalim ulit ng hipnotismo?" Tanong ng Heneral.
"Hindi po kami sigurado Heneral," tugon ng mga kawal.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. May tinusok siya sa braso ko at unti-unti akong nawalan ng malay.
...
Isang pampatulog ang itinurok sa akin ng Heneral. Bakit pakiramdam ko ay kilala ko siya? Higit sa lahat bakit hindi niya ako sinaktan? Kung hindi ako nagkakamali ang Heneral ang tinutukoy na bagong pinuno ng mga Scorpius members noon sa hideout.
I can't go back to the Academy like this. I also can't go home because my parents will definitely be surprised.
Minabuti ko na sa headquarters muna ako ng Phoenix mamamalagi. Mabuti na lang at di pa masyadong madilim. I looked at my watch, it was only nine o'clock.
Since I was still in uniform I removed my coat and necktie. Hindi ako pwede makita sa labas na galing ako sa IA.
Ibinalot ko ang coat sa kamay kong may sugat. Naglakad ako palayo at doon naghanap ng taxi.
Nakiusap ako sa driver na ilibre ako papunta sa mall at pinakita ko ang sugat ko. Mabuti at naawa kaya dinala ako sa Alpha Mall. Hindi naman siya nagtanong kung bakit hindi sa hospital.
Nang makarating ako sa headquarters ng Phoenix ay binuksan ko ang laptop ng grupo at agad na nag chat sa kanila.
Phoenix Group
"Where are you? I'm in the underground gym."
Nakita kong nag seen si Luigi. Always online.
"Hey why are you there?"
"Long story. Madami ako sasabihin sa inyo. Punta kayo ngayon dito."
"Sorry we're back in Japan again. We're taking care of something."
"Whoa! Pupunta din ako sa Japan bukas."
"Hindi na ako magtatanong kung bakit ka pupunta dito. Let's just meet kapag nasa Japan ka na Sabihan ko na lang sila."
Matapos makipag-usap kay Luigi ay agad kong kinuha ang isa ko pang personal cellphone dito. Mabuti na lamang at kumpleto ang gamit sa lugar na ito. Higit sa lahat, mabuti na lang at naiwan ko ang isa ko pang cellphone ko sa loob ng unit room ko bago mangyari ang insidente.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...