Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Limang taon, limang taon na hindi ko siya nakita. Niyakap ko siya ng sobrang higpit; isang yakap na tila ayoko nang pakawalan. Gumanti siya ng pagyapos sa akin at ang kanyang haplos ay lalong nagpapalambot sa puso ko.
"I m-missed you k-kuya," I said between my sobs.
"Shhh baby, kuya don't want to see you cry." Kumalas siya sa akin at naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking pisngi. He used his thumb to wipe my tears. "I'm sorry Ella, patawarin mo si kuya kung nawala ng limang taon." Tumango ako at muli siyang niyakap. Hindi ko siya papatawarin dahil wala naman siyang kasalanan sa akin.
Napatingin kami sa ibaba dahil sa tahol ni Marcus at nakita namin na paikot-ikot siya habang masayang gumagalaw ang kanyang buntot. Tulad ko ay masaya din siya dahil kumpleto na kami at buhay ang tunay niyang master.
"What happened to your arm?" his eyebrows met.
Kanina pa ako walang triangular bandage subalit nandoon pa din ang benda dahil may ilang sugat pa akong hindi magaling. "Scorpius" maikling tugon ko. Alam na niya ang ibig sabihin nito.
"Kuya will protect you." Uminit ang puso ko. Iba pa din kapag kay kuya nanggaling.
Kuya Zander decided to leave. After all, Brandon Miller is the owner of the milk tea shop kaya hawak ni kuya ang oras.
Lulan ng sasakyan ni Josh ay nagtungo kami sa Alpha Mall. Balak na din ni kuya ang magpakita sa Phoenix wala naman din daw siya magagawa. This is probably the right time.
Since Josh already knew our secret, we decided to take him to the underground gym as well, tutal madami na din siyang nalalaman at malaki ang maitutulong niya para sa grupo.
Pagpasok namin ay madilim ang paligid. May pinuntahanan siguro sila Xyrus.
"I miss this place!" sambit ni kuya at inikot niya kanyang paningin sa buong paligid. "Walang pa din pinagbago."
"Amazing!" napalingon ako kay Josh at manghang-manghang tinitignan ang kabuuan ng gym "Kung ganito pala ka exciting maging hunter, sasali na ako!" and he ran onto the obstacle course and Marcus followed him na parang nakakita siya ng kalaro.
Sinundan ko si kuya na papunta sa weapon area at kinuha niya ang kanyang Falchion, isang uri ng espada. Gamit ang espada ay sinungkit niya ang aking Katana kaya't lumipad ito, Fortunately, I caught it with my left hand.
"Your improving Akira. You can now handle Katana using your left hand." Sinuklian ko siya ng isang ngisi. Ito ang gusto ko kay kuya, tinawag niya akong Akira. Kapag nasa loob na ng underground gym gusto niya ay hunter name ang tawagan namin.
Umatake si kuya mabuti na lang at naiwasan ko agad. Gumanti ako at nagtama ang kanyang Falchion at ang aking Katana. Tanging tunog lang ng bakal ang aming nadidinig. "Ito pala ang resulta ng pagkawala ko. You seem to be focused on training."
"Ipaghihiganti sana kita Katsuo kaso buhay ka pa pala!" Nagpakawala siya ng malakas na halakhak. Napangiti ako dahil ang sarap pakinggan ng kanyang pagtawa.
"Alam mo ba Akira, kahit akala mo na wala ako ay madalas kitang sinusubaybayan," sambit niya sa pagitan ng aming duelo. "You almost saw me at the milk tea shop with your friend and soon to be boyfriend."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya nawala ako sa focus. Napasandal ako sa pader nang muntik na akong matamaan sa tiyan ng Falchion niya subalit mabilis akong nakabawi at binuhat ang Katana.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nilakasan ko ang pwersa ko kaya't napaatras siya. "Wala akong soon to be boyfriend."
He jumped backwards while holding the Falchion. "Ehh sino si Steven Kurt Mercedes." May ngising namutawi sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...