Chapter 56: Nightmare

30.7K 863 64
                                    

Pagpasok namin ay nasilayan namin ang palapag ng pasilyo- isang scarlet na carpet na tila ay tanging may katungkulan lamang ang maaaring makapasok sa kinatatayuan namin ngayon.

Habang kami ay naglalakad ay pakiramdam ko'y may mga matang nakatingin sa akin ngunit wala naman akong ibang presensyang nararamdaman.

"Dapa!" sigaw ni Kurt nang makarating kami sa isang malawak na pasilyo. Agad niya akong niyakap at ramdam ko ang mabilis kong pagbagsak sa sahig.

Napapikit ako sa kanyang ginawa at hindi ko alam kung ano ang nangyari. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Are you ok?" he asked.

Tumango ako sa kanya. "What happened?" Napatingin ako sa mga bagay na nasa tabi ko. Maraming mga palaso ang nasa lapag!

"We were attacked." Binalik ko ang tingin kay Kurt. Tinulungan niya akong makatayo.

Inatake kami? Nasaan ang mga kalaban? Nilibot ko agad ang tingin ko subalit kaming anim lang ang nasa pasilyo. Mahirap ito hindi namin sila makita.

Mabilis kaming tumakbo at maya-maya ay may naramdaman akong papalapit na mga palaso. Agad kong tinulak si Kurt at sabay-sabay kaming dumapa.

"Be careful everyone, we don't know when the arrows will come out!" Blake shouted.

"According to my calculations tuwing tatlong minuto ay may lumalabas na palaso," Red said.

Sinubukan naming kalkulahin ang sinabi ni Red. Tama siya, sa tuwing tatlong minuto ay umuulan ng palaso kaya natuto kaming umiwas.

Mabilis kaming tumakbo lalo na nang may nakikita kaming liwanag mula sa dulo. Walang nagsasalita sa amin at tanging mga hakbang lang namin ang aming naririnig.

Nang makarating kami sa dulo ay bumagal kami. Puro puti lang ang nakikita namin sa paligid; napapalibutan din ito ng mga salamin.

We tried to touch the mirror and were surprised when a familiar image suddenly appeared.  Tulad ito ng touch screen monitor na kapag hinawakan ay bigla itong magbubukas. Mga imahe ang aming nakikita or should I say isa itong video mula sa cctv?

I saw people wearing hunter uniform. Carl, Miss Tervan, Luke, Lumia, Kenjie, Jedgar, Miss Soledad, and the other Falcon hunters vying for battle. Sila ang mga tumutugis sa mga tauhan ng Scorpius.

Hinawakan din namin ang monitor sa tabi nito. Dito namin nakita ang isang grupo ng mga Hunters; ang simbolo sa likod nila ay tulad kay Luke, Kenjie at Jedgar- sila ay Harpia. Isa-isa nilang pinapakawalan ang mga studyante ng IA na ginawang eksperimento. 

Napakuyom ang aking kamay dahil sa galit. Kahit na ang mga estudyante na ito ay gumawa ng krimen ay hindi sila dapat ginawang guinea pig. Mas mabuti kung sisingilin sila ng kaparusahan sa tamang paghatol.

"Look!" napatingin kami sa gawi ni Troy. Nasilayan ko agad sa monitor ang isang lalaking halos naliligo sa kanyang sariling dugo. Tila madaming karayom ang tumutusok sa dibdib ko nang makita ko ang katawan ni Thor. Ilang araw na siyang nasa ganyang kalagayan. Kahit isa siyang Hunter ay tao pa din siya!

Some Hunters tried to enter Thor's cage but they couldn't break the electricity surrounding it. Halata sa kanilang grupo ang paghihirap. Habang may nagliligtas kay Thor ay napapaligiran siya ng mga taong lumalaban para protektahan siya. Madaming Scorpius subalit madami din ang puwersa ng Harpia.

"They're coming," Blake said coldly. "Katsuo are coming here," he said while looking at the other screen. He was referring to Kuya Zander.

Scorpius was well aware of our actions because almost every part of their hideout and academy has security cameras. Karamihan ay mukhang nakatago sa loob ng mga furniture dahil sa mga anggulo na kuha sa CCTV. Ibig sabihin alam nila talaga ang ginagawa namin at gusto lang nila kaming paglaruan.

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon