Chapter 57: Komandante

30.9K 888 61
                                    

"Ikaw si Komandante?!" galit na tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ang kahayupan na 'yun sa akin. Higit sa lahat noong una pa lang ay nais na niya akong saktan? Siya ang lalaki sa Old Library at ang lalaki na pinapatugis ni General Alejo sa aming mission!

"Nakakatuwa nga at hindi mo ako nakilala," mapang-asar na tugon niya. Paano ko siya makikilala agad kung sinasadya niyang baguhin ang kanyang boses? "Pero kilalang-kilala ako ng ama mo."

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya at binaling ang tingin kay dad. Anong ibig niyang sabihin?

Malakas na tumawa si Toti at umiling-iling na tinignan ako. "Si Adler ay madaming inililihim sa inyo."

Lalong pumiglas si dad dahil sa sinabi niya subalit mas lalo siyang hinigpitan ng hawak ng dalawang kalalakihan. Anong sikreto niya? Meron ba akong hindi nalalaman?

"Kilala mo akong Toti pero hindi mo alam ang tunay kong pangalan," nakangising saad nito. Unti-unti siyang naglakad patungo sa amin. "Anthony Villaflor is my real name."

Villaflor? Namilog ang mata ko sa sinabi niya pero anong kinalaman doon ni dad? "Ano ngayon kung Villaflor ka? Ano ngayon kung may kaugnayan ka kay Margarita at General?"

Lalong lumawak ang ngiti niya sa akin. "Si General Leonardo Villaflor at si Adler Hamilton ay dating matalik na magkaibigan. Pero dahil sa ginawa ng ama mo ay nasira ang pamilya ko!" nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng pagkamuhi. "At alam mo ang pinakamasakit? Dahil sa ama mo ay hindi ako kinilalang anak ni Leonardo!"

Hindi ko maintindihan. Anong ginawa ni dad para maging ganito kapuyos ang galit ni Toti? Tinignan ko si dad at bakas ang panginginig ng kanyang mata, nangangamba ba siya? Guilty ba siya?

"Nais ko sanang sirain ang pamilya niya subalit nang makita kitang nagdadalaga na ay nagbago ang isip ko. Alam mo kung bakit?" Napalunok ako nang lalo siyang lumapit sa kinaroronan namin. Ang mata niyang matalim ay humagod sa buo kong pagkatao. "Napakaganda talaga ng iyong katawan binibini. Mas gusto kong maging akin ka," may bahid ng kalandian sa boses niya.  Kinalibutan ako sa paraan ng kanyang pagsasalita at pagtitig.

Kurt pulled me behind him. "I'll take care of it," he whispered.

"Ohh, the prince is here for his princess," and he laughed like a demon.

Toti ran fast and in an instant he was in front of us. Agad na napigilan ni Kurt ang ang kamaong muntik nang tumama sa kanyang mukha at ginantihan niya ito ng pagsipa sa tiyan subalit nakaiwas doon si Toti at mabilis na lumayo.

"Alam kong hindi namin kasundo ang guard na 'yan but I guess he's not Toti! Was he controlled under some kind of hypnotism?" Red asked. Sinundan namin ang tinuturo niyang direksyon at napatingin din ako sa trono na napapalibutan ng mga kandila at ng malaking simbulo ng araw. "I think someone was controlling him when he tried to rape you. I saw his eye in the video."

Hipnotismo? Bigla kong naalala ang pagdakip niya sa akin. Iniligtas ako noon ng Heneral na si Brandon at naalala kong tinanong niya sa mga tauhan kung ang Komandante ba ay nasa ilalim ng hipnotismo. May kumokontrol sa kanila?

Nakarinig kami ng malakas na tunog kaya't napatingin muli kami sa Trono. Ang simbulo ng araw ay umikot at kasabay nito ang pag-ikot din ng Upuan ng Trono. Napasinghap ako nang mapagtanto kong may tao pala dito!

"Brandon," mahinang sambit ko sa kanyang pangalan. Ngumisi ito sa amin. "Tapusin ang binibini," tila robot na wika nito. 

"Opo Heneral," sagot ni Toti at tumingin siya sa akin. Ako ba talaga ang tatapusin niya? Is it true that he really has no control over himself? Saglit akong napahinto. Hindi kaya ganoon din ang sitwasyon ni Brandon? Binaling ko ang tingin kay Brandon at wala akong makitang anumang emosyon. 

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon