Chapter 9: Old Library

3.4K 170 7
                                    

Pinindot ni Cloud ang elevator nang makarating kami sa fourth floor kaya lumiko ako at nagpatuloy sa pagtakbo pababa sa hagdanan.

"Where do you plan to go?" Nagulat ako nang nasa tabi ko na sina Cloud at Kurt kaya huminto ako at ganoon din sila.

"I'll use the stairs."

Tumaas ang labi ni Cloud na akala mo ay may bagong natuklasan. "Are you afraid to take a lift?" 

Nag-aalinlangan akong sumagot at nanatiling tahimik.

"We're teammates so we ought to help each other," sabay kindat ni Cloud. For the first time napangiti ako sa sinabi niya.

Pagdating namin sa tapat ng New Library ay nagkatinginan kami. 

"What are we going to do now?" taas kilay na tanong ni Cloud. Bigla akong nainis ng kaunti kasi kanina pa siya ganyan. Gusto spoon-feeding at ayaw mag analyze.

"Just search for more clues," sagot ni Kurt.

Pagpasok namin ay ganun na lamang ang paghanga ko sa ganda ng New Library.  Dumaan lang naman kasi ako kahapon pero hindi ako pumasok kaya ngayon ko lang ito nakita. 

Eleganteng ang silid dahil sa mga detalyadong nakaukit sa kisame ng library. The Victorian furniture style reminds me of the age of Renaissance.

Hindi maiwasan ng mga mata ko na makita ang symbol ng company namin sa bawat furniture na nakikita ko. Hindi pa din ako makapaniwala na ang kumpanya namin ang may gawa ng mga magagandang muwebles na nakikita ko. Medyo na-guilty ako dahil halos wala talaga akong pakialam sa company namin. Hindi ako aware sa mga exclusive products ng Hamilton Corporation.

Naagaw ang pansin ko nang makita kong pumunta si Kurt sa mga bookshelves kaya sumunod na din ako. Huminto siya sa bookshelf number 24. Ngayon mas lalo ko itong naiintindihan. Maaring may kaugnayan ito sa hint na ibinigay ni Sir. Montemayor. 

Inangat niya ang nakasabit na numero. May papel na kinuha si Kurt sa ilalim ng 24 na mukhang sinadyang idinikit doon. Tinignan namin ang nakasulat doon.

20 18 5 1 19 21 18 5 

19 9 20 5 18 5 22

Another code? I think it's a simple number code. 

"TREASURE, SITEREV?" Sagot ni Cloud.

"You're wrong Cloud it's TREASURE VERETIS. Reverse ang pangalawa." Pagtatama ni Kurt sa sagot ni Cloud. In fairness mabilis din silang sumagot.

"Veretis? Ibig sabihin old? Old library," sagot ko.

Nagkatinginan kaming tatlo siguro iisa ang nasa isip namin. Bakit doon? Akala ko ba under renovation ito?  

Ayon sa IA map sa bandang likod ito ng Socrates building pero malayo-layo pa ito ng kaunti. Dumaan ako kahapon sa Old Library pero nakasarado ito.

Takbo at lakad ang ginawa namin. Pagpunta sa tapat ng library ay lumusot kami sa dilaw na warning tape at pumasok kami sa loob.

Nilibot ko ang tinigin at bakas ang kalumaan ng library dahil sa dami ng alikabok at sapot ng gagamba. Hindi naman wasak ang loob ng silid subalit halatang napabayaan.

"Ano na gagawin natin?" tanong nanaman ni Cloud. 

Tumingin sa amin si Kurt. "Focus on the given problem. Subukan naman natin na galawin ang dates. Year 2005 when Old Library was renovated pero isinara ito nang itinayo na ang New Library noong 2017 and that is twelve years ago."

Tumango ako na tila nakukuha ko ang punto niya. "Subukan natin hanapin sa bookshelf number twelve." 

Inikot ko muna ang mata ko sa library upang suriin ang lugar na ito.

When I was looking at shelf number twelve, my eye caught a strange book. Kinuha ko ito at binuksan.

I stopped when I saw a familiar piece of paper, a red paper with a symbol of witchcraft.

May nakasulat na wikang Latin sa loob nito. Hindi ako masyadong pamilyar sa Latin kaya hindi ko lubos na maintindihan ang nakasulat dito.

I'm pretty sure I've seen this symbol before. I just can't recall where I saw it. Baka naman kakapanood ko lang ito ng horror movies?

Napatingin ako sa sahig nang may nalaglag. Yumuko ako at agad itong kinuha. Nagsalubong ang kilay ko nang makita na isa itong atm card. Binasa ko ang may-ari nito. 

"Hector Montemayor?" Pangalan ba ito ng professor namin?

Nagulat ako nang mawala ito sa kamay ko.

"Hey This is an atm!" Mabilis akong napalingon kay Cloud. Katabi niya si Kurt at tinitignan din niya ito. 

"Is this the treasure we're looking for?" tanong ni Cloud. 

Napaisip ako sa sinabi niya. New form of treasure? "I think so."

Sabay kaming tumingin ni Cloud kay Kurt. Hinihintay namin ang opinion niya. "Let's go. We already accomplished the task."

Nakarating na kami sa Karl Marx building at patakbong umakyat kami sa hagdanan.

Pagpunta namin sa tapat ng classroom ay nagtaka ako dahil nang i-tap namin ang ID ay hindi ito nagtanong.

"Bakit walang question ang pinto?" nagtatakang tinignan ko sila. 

"The robotic door will ask once a week." Tumango ako sa tugon ni Cloud.

Nakakabaliw siguro kung mag restroom ka lang tapos pagbalik mo tatanungin ka ng electronic door.

Pagpasok sa classroom ay ngiting-ngiting ipinakita ni Cloud ang ATM

"Congratulations on finding the treasure! " May kasamang palakpak na pahayag ni Professor Montemayor.

My classmates were surprised and our professor explained the hidden message in the quotes and problems he gave.

"This is your prize because your team accomplished the activity." Inabot niya sa amin ang premyo at dinig ko naman ang daing ng mga kaklase namin.

Namilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang bigay ni Prof. Montemayor. Halos di ako makapaniwala na ito ang prize namin. I thought we'll only received a simple award.

🗡️

Matapos ang klase ay agad akong nagtungo sa Office of the President. Ngayong araw ang unang pagkakataon na mag-uusap kami ng masinsinan ni Uncle James.

"What do you need, Miss?" tanong ng secretary na nasa labas ng office. 

"I have an appointment with President James Rodriguez this afternoon."

Halata sa mukha ng babae ang pagtataka. "I'm sorry the President is not here. Actually kaninang umaga ko pa siya hinahanap. You can come back tomorrow."

Nagtaka ako sa sinabi ng babae. Importante ang sasabihin sa akin ni Uncle James tapos wala siya? 

Nagpasalamat na lang ako sa babae bago ako umalis. 

Where did Uncle James go?

Pagkababa ko sa building ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong binuksan nang makita kong mula ito kay Xyrus. 

"How's your mission with your client?"

Napangiwi ako sa tanong niya. Di pa kasi ako nakakapagsimula dahil hindi naman puwede tumakas dito sa IA. 

"I'm going to start on Saturday. Alam mo naman bawal ang lumabas."

"Make an advanced plan. Do it as soon as possible."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Why?"

"Because we have a special mission. Don't be late on Saturday."


End of Chapter 9

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon