Chapter 22: Sunrise, Sunset

2.8K 138 7
                                    

"Sandali!" sigaw ko habang paakyat sa upper deck. 

Tahimik na paligid ang sumalubong sa akin. Lumingon ako upang hanapin siya subalit kahit anino ay wala akong nakita.

Bagsak balikat akong tumingin sa kahel na langit. Pumikit ako at pinakinggan ang maingay na alon ng dagat. 

Natawa ako ng pagak dahil sa inasal ko. Bakit ko nga ba hinabol ang lalaki? Dahil ba katulad ng katawan niya si Kuya Zander? He died five years ago!

Unti-unti kong naramdaman ang mainit na likido sa aking pisngi. Napaupo ako sa lapag at mahinang humihikbi.

Habang tumatagal ang pananatili ko sa Intelligent Academy ay nararamdaman ko na hindi aksidente ang pagkamatay ni kuya. My instinct tells me something isn't right, that the Manggagaway book and Scorpius has something to do with his death.

Gusto kong malaman ang lahat, gusto kong makamit ang hustisya.

Pinagmasdan ko ang araw na unti-unti nang nagtatago sa likod ng ulap. Muli akong nakaramdam ng lungkot dahil sa bawat pagdilim ay lagi kong naalala ang aksidenteng nangyari sa kanya.

"Are you okay?" tanong ni Roma nang makapasok ako sa cabin namin. Kurt and Cloud are not here.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Napatingin ako sa kama ni Kurt dahil nakita ko doon ang mga gamit ko. 

"Palit daw kayo ni Steven ng kama para hindi ka na daw mahirapan sa pag-akyat at pagbaba," tumango ako sa paliwanag ni Roma. Mainam nga ito at baka madulas nanaman ako.

Napansin ko ang titig sa akin ni Roma kaya't tumingin ako sa kanya. "Ahm gusto mo bang pahiran ko ng gamot ang braso mo?" 

Hindi pa ako nakakasagot ay may kinuha agad siyang garapon. "Natural ointment ito. Ginawa ko ito para sa mga masasakit ang katawan lalo na para sa mga may sugat." 

May dahon sa loob ng garapon. Nang buksan niya ito ay humalimuyak ang amoy sa loob ng cabin. Sininghot ko pa dahil sa bango ng aroma na dumaloy hanggang sa bidbid ko.

"Ang bango naman," puri ko sa gawa niya. "Bakit ka gumagawa niyan? Seller ka?"

Natawa siya sa sinabi ko. "For survival. Sumasama kasi ako sa papa ko noon sa kagubatan. Habang siya ay ang ta-trabaho, gumagawa naman ako ng mga gamot." Walang duda na sa Intelligent Academy siya nag-aaral. History major pero magaling sa Science.

Maingat niyang inalis ang triangular bandage. Pinahiran niya ito ng gamot at hindi naman nagtagal ay guminhawa ang pakiramdam ko kaya naman naging maginhawa ang pakiramdam ko buong gabi.

Umaga na nang makababa kami sa barko. Nagtungo kami sa sakayan patungo sa aming destinasyon.

"O s'ya mauna na ako," saad ni Roma na siyang pinagtaka ko.

"Saan ka pupunta? Dito ang sakayan papuntang white beach," agad na tugon ko.

"Ayaw mo ba kami kasama?" nag sad face pa ang loko-lokong si Cloud.

Mabilis na umiling si Roma. "Wala diyan ang papa ko. Nasa pamayanan siya sa loob ng kagubatan."

Ngumiti ako sa kanya. "Kung ganun mag-ingat ka at maraming salamat sa binigay mong gamot." Binigay niya kasi ang buong garapon sa akin. Guminhawa na ang pakiramdam ko at dahil doon ay wala na akong triangular bandage.

"Wala 'yun, friends na tayo diba?" lumingon siya kay Cloud. "Pakilala mo ako kay Red ah!"

Napansin ko ang pag-ikot ng mata ni Cloud. "Puro ka Pula nandito naman kami ni Steven."

Natatawang napailing si Roma bago siya umalis.

Malapit nang tumaas ang araw nang makarating kami sa aming destinasyon. Nakakapagod ang napakahabang biyahe.

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon