Socrates was an ancient Greek Philosopher. Sa kanya din hango ang pangalan ng building na ito. It is the oldest, and tallest building in this academy kaya nandito ang mga importanteng opisina ng eskwelahan.
Kasalukuyang nililibot namin nila Cloud at Kurt ang building na ito to gather some information and to prove one of the rumors in this school- the Sounds of Crying Women na ang kaso ay kinilala bilang Tres Marias Massacre.
Naalala ko noong first night ko dito sa IA ay may narinig akong pag-iyak ng mga babae. Matalas ang pandinig ko kaya sigurado ako kahit hindi ito narinig ni Cloud. Now I need to know where they are? And most of all why are they crying at three in the morning?
"We have been studied here for almost four years pero ngayon lang natin ito ginawa. We know it's dangerous," Cloud whispered to Kurt.
"Shhhh wala muna magsasalita," Kurt scolded Cloud. Bigla siyang nanahimik.
Tumingin ako sa pambisig kong orasan. Alas tres na ng madaling araw. Ito ang katulad na oras nang marinig ko ang ingay ng mga babaeng umiiyak noon.
We stopped when we heard something. Malalim ang kanilang mga daing na tila nagmamakaawa sa miserableng buhay na kanilang naranasan.
Nagkatitigan kaming tatlo at kahit medyo madilim na ay naanigan ko ang pagseseryoso ni Cloud. Kailangan namin malaman kung saan nanggagaling ang tunog.
I wonder why they cry at three o'clock? Saktong-sakto sa movie na napapanood ko. Sa ganitong oras na gising ka ay may mga demonyong lumalabas at nagpapakita. May babala pa nga na huwag kang titingin sa salamin dahil hindi lang sarili mo ang makikita mo kundi may isa ka pang kasama na pwedeng nasa tabi mo lang o nasa likod mo.
Sinundan namin ang ingay ng mga babaeng umiiyak at alam kong malayo na kami sa entrance ng Socrates building. Mukhang malapit kami sa likod ng building.
Pumasok kami sa isang makitid na daanan. Habang naglalakad kami ay nararamdaman kong paibaba ang dinadaanan namin. Napakadilim ng paligid, mabuti na lamang at may dala kaming maliit na flashlight.
Habang naglalakad kami ay lalong lumalakas ang tunog kaya nagpatuloy kami. This narrow hallway is like a maze dahil madaming pasikot-sikot pero wala namang makikitang iba, baka nga mamaya ay di kami makabalik palabas.
Hindi ako humihiwalay kina Kurt at Cloud nasa likod nila ako. Mahina kasi ako pagdating sa directions kaya di ko din alam kung saan papasok, kaliwa ba o kanan? Sa dami ba naman ng pwedeng pagpilian.
As we walked I felt something strange behind me. Pakiramdam ko biglang lumamig sa paligid. I felt like someone was following us so I stopped. I turned around but saw nothing. Ibabaling ko na sana ang mata ko kay Cloud nang may napansin akong maliit na liwanag. Kakaiba ang liwanag na 'yon para isa itong bituin na bumaba sa harapan ko. Hindi ko mapigilan na sundan ang liwanag.
Bumibilis ang takbo ko sa kagustuhan na masundan ito subalit bigla na lang ito naglaho. Then I realized I was lost and I didn't know where I was. Cloud and Kurt are no longer beside me. Nilabas ko ang cellphone ko but there's no signal.
Gamit ang kaunting ilaw mula sa aking munting flashlight ay humanap ako ng daan pabalik. Pero talagang kahinaan ko ang directions, hindi ko alam kung saan ako dadaan.
"Kurt, Cloud!" sigaw ko. Kailangan makita ko sila. Dumaan na ako sa kanan at tinahak ko ang direksyon na 'yun.
I could feel the cold presence behind me but every time I looked around I could see nothing.
Umikot ako at gamit ang flashlight ay sinuri ko ang kabuuan ng lugar. Doon ko lang napansin na napapalibutan ng salamin ang lugar na kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...