"Hindi pa kayo uuwi?" tanong ko kina Charlotte at Pat. Hanggang ngayon ay nakahiga pa sila sa kama samantalang ako ay nakahanda na umalis.
Huling Sabado ngayon ng buwan. Maayos na ang pakiramdam ko kaya maari na akong umuwi sa amin.
"Mamaya pa kami ni Pat, inaantok pa kami," humihikab-hikab na tugon ni Charlotte.
Tinignan ko si Pat na nakatalukbong ng kumot na mukhang tulog pa ata.
"Mauna na ako. See you on Monday!" nakangiti akong nagpaalam kay Charlotte.
Lumabas na ako sa unit at mabilis na nagsalubong ang kilay ko nang makita si Kurt sa tapat ng room namin.
"Ang tagal mo," nakahalukipkip ang braso niya habang seryosong nakatingin sa akin.
Nagtatakha ko siyang tinignan dahil sinabi niya, "Are you waiting for me?"
May kinuha siya sa kanyang bulsa at nilabas ang cellphone. "Your mom is waiting for us."
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "What?" I know he misses Kuya Zander, but Kurt and I aren't close!
"Nagbibiro lang si mom." Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Kinuha niya ang pulsuhan ko at hinatak.
Sumunod na lang patungo sa parking dahil tila wala naman ako magagawa. Mangha kong tinignan ang itim niyang sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali isa ito sa latest model ng kumpanya nila.
Ito ang unang beses na sumakay ako sa sasakyan niya. Nabalutan ng katahimikan ang paligid na tila walang gustong magsalita.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya habang tuwid na nakatingin sa kalsada.
Tumango ako sa kanya. "Mabilis talaga akong gagaling lalo na meron pa akong libreng sopas sa'yo tuwing gabi. Gustong gusto ko ang luto mo." Hindi naman sa binobola ko siya pero dahil sa pag-aalaga ng mga kaibigan ko at sa ointment ni Roma ay mabilis nanumbalik ang lakas ko.
Simulang pinuri ko ang pagluluto niya ay gabi-gabi niya ako dinadalhan ng sopas. Hindi naman nakakasawa dahil iba-iba naman ang soup na binibigay niya.
"Do you really like me?" Mabilis akong napatingin sa kanya at kinabahan sa kanyang tanong. Napansin ko ang pag-angat ng labi niya.
"Ang sabi ko gusto ko ang luto mo," paglilinaw ko.
"But you told me you like me. Anyway, how did you know where I live?"
Tila pinagpawisan ako ng malapot sa tanong niya. Dinahilan ko nga pala na may gusto ako sa kanya para lang makalusot noon!
"Well, that's a secret. You will get used to it because apart from being handsome, you're also a public figure." Sapat na siguro itong dahilan para hindi siya maghinala.
Hindi siya umimik subalit napansin ko ang pamumula ng tenga niya. Marunong din pala siyang mahiya?
Sinalubong kami ni mom nang makarating kami sa bahay. "Hijo, thank you for coming to our house."
Alam kong miss na niya si kuya pero hindi tama na nandito si Kurt lalo na't hindi ito pwedeng makausap ni dad. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano ni dad pero kalaunan napagtanto ko na hindi tama ang naging deal namin.
Nagtungo kami sa hapagkainan at nagulat ako nang makita din si dad. Alam ko na sa ganitong oras ay nasa kumpanya pa siya. Nakangiti ito sa akin tanda na gusto niya ang pagiging malapit ko sa young Mercedes.
Magkatabi kaming umupo ni Kurt. Bagamat masasarap ang nakalatag na mga pagkain sa lamesa ay wala akong gana.
"I was in a hurry to leave the company just to get here when I found out the young Mercedes was coming to our house," lumingon si dad kay mom, "Hindi agad sinabi ng aking misis."
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...