A few hours passed but Luke, Lumia and Roma were still not coming back. Medical teams and rescuers arrived for the students in need of help.
Nakabalik na halos lahat. Inanusyo na ngayong gabi ang aming pagkapanalo. Marami ang natuwa pero marami ang walang pakialam. Ang gusto na ng karamihan ay makauwi.
Pinapunta kami sa harapan at binigyan ng sertipiko. Si Miss Consolacion lang ang humarap sa amin. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagpapakita ang IA Admin.
"Stella can we talk? ' Sir Montemayor asked matapos namin makabalik sa pwesto.
Umiling ako sa kanya. "Sorry sir but let's talk later," kunwaring nanghihinang sagot ko. Ngumiti lamang siya at umalis. Ayoko muna makipagusap kay Sir Montemayor isa pa siya sa mga pinagdududahan ko gaya ng pagduda ko sa administrasyon ng paaralan.
Lumabas kaming tatlo sa Mansion at umupo sa ilalim ng puno. May iilang ilaw na nakasabit sa mga puno ang nagsisilbing liwanag namin.
Hindi ko kinakausap sina Cloud at Kurt masyadong mabigat ang isipan lalo na't wala pa ang tatlong historians. Sana hindi sila napahamak sa pinuntahan nila at makabalik ng ligtas. Nakaramdam ako ng pagod kaya sumandal ako at pumikit.
"Stella, Stella." Naramdaman ko ang pagyugyog sa aking balikat. Nakaidlip pala ako.
"C'mon let's go." Tinulungan ako ni Cloud na tumayo.
"Teka saan tayo pupunta?"
"On the bus they're waiting for us. Aalis na dahil madaling-araw na."
"Sina Luke dumating na ba?" nag-aalalang tanong ko. Umiling lamang siya.
"Dito lang ako I'll wait for them," saad ko.
Hinila ni Cloud ang kamay ko at pinilit akong maglakad papuntang bus. "'Wag kang makulit Stella kailangan na natin bumalik." Hinatak ko ang sarili kong kamay at muling umupo sa ilalim ng puno. Nakita ko naman ang padabog na pag-alis ni Cloud.
Ayokong umalis hanggat wala ang tatlo. Buhay ang pinag-uusapan dito. Sinakripisyo nila ang sarili nila tapos iiwan lang?
Dalawang pares ng sapatos ang bumungad sa aking harapan. Tumingala ako at nakita ko ang seryoso niyang mukha at umupo siya sa harapan ko.
"Stella we need to leave," mahinahong saad niya.
"But what about Luke, Lumia and Roma? Aren't you worried about them?"
"Don't worry. May maiiwan na faculty members dito and other medical teams. Hindi lang sina Luke ang wala pa, may ilan pang grupo."
"I can wait Kurt sasama na lang ako sa kanila."
"No. Hindi aalis ang bus ng section natin hanggat kulang tayo. That's the rule. Paano naman ang mga kaklase natin na kailangan nang bumalik? Hindi lang ikaw ang nag-aalala pero ayoko naman na tayo ang magiging dahilan para ma-delay ang pag-alis ng bus."
Bigla akong nakonsensya at naalala ang mga sugatang kaklase ko.
Tumayo na ako at ngumiti sa kanya. "Tara na hinihintay na nila tayo." Sinuklian din niya ako ng isang ngiti.
Nakatingin ako sa bintana ng bus habang pinagmamasdan ang kagubatan. Hindi maalis ang tingin ko sa campsite hanggang sa lumiit na lamang ang tanaw ko dito. Palayo na kami ng palayo.
Tinignan ko ang mga katabi ko at pansin ko na kanina pa ang mariin na tingin nila sa aming professor. Iisa lang ba ang iniisip namin nila Cloud at Kurt? There's something wrong with Mr. Montemayor that I cannot explain.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...